12-It Hurts

35 7 0
                                    

Missing you
Chapter12



Jhayp's Pov

Nakaramdam ako ng pagtawag ng kalikasan , tumayo ako pero napaupo ulit ako , parang bigla kasi akong nakaramdam ng hilo .

"Ayos Ka Lang ?"
Tanong ni Merry Sa akin .

"Okay lang naman Mahal , pero parang nahihilo na ako . Sagot ko sa kaniya na nagpabago sa ekspresyon ng mukha niya .

"Saan ka ba kasi pupunta ? Samahan na kita ? Alok niya ulit sa akin .

"It's okay mahal , kaya ko pa naman eh . Iihi lang ako . Paniniguro ko dito .

"Sige bilisan mo ha .. Ingat ka ..
Sabi ulit niya , tumango lang ako bago tuluyang tumalikod at pumasok sa loob ng bahay .

Dumiretso na ako sa Banyo pagkapasok ko ng bahay . Mabilis akong natapos at akmang lalabas na ako ng nakaramdam ako ng mga yabag na palapit sa kinaroroonan ko .

Lalabas na sana ako , pag kabukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo si Janina .

Ngumiti ito sa akin dahilan para ngumiti din ako pabalik sa kanya . Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa .

Hinila niya ako sa loob ng Cr at isinandal sa pader pagkatapos ay hinalikan niya ako ng sobrang pusok .

O__O

Sobrang nabigla ako at Hindi ko Alam Kung ano ang hitsura ko ngayon . Medyo nahihilo na rin ako kaya hindi rin ako nakapag react kaagad . Napapikit ako . Pero pagkapikit ko ay nakita ko ang maamong mukha ng girlfriend kong si Merry , dahilan para mapadilat ako ulit at mabilis kong itinulak ang babaeng nasa harapan ko .

Pero mukhang disidido siya sa gusto niyang mangyari . Itinulak ko siya at nakita kong nabigla siya sa ginawa ko pero mabilis din siyang bumalik sa paghalik sa akin .

Akmang itutulak ko ulit siya nang bumukas ang pinto at nataranta ako ng makilala ko kung sino ang taong iniluwa ng nito .







Merry's Pov

Nainip ako sa paghihintay kay Jhayp , alam Kong medyo nahihilo na siya kaya nagdesisyon na akong tumayo para sundan siya sa banyo .

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nangangapa pa ako kung nasaan ang banyo nila dahil hanggang sala lang naman ako kanina , hindi pa rin ako nakaka pag banyo simula ng pagdating namin .

Ang una kong nabuksan na pintuan ay isang madilim na silid marahil ay bodega nila Carol yun , nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon nang makaramdam ako ng kaba , dali-dali kong isinara ang pinto ng silid at naghanap ng ibang pintuan .

Nasaan na ba yung babaeng iyon . Medyo naiinis na ako nang makarinig ako ng kaluskos sa bandang kaliwang pintuan kung saan ako nakatayo , saktong umandar ang kuryosidad ko sa katawan kaya walang anu-anu kong binuksan ang pintuan at sobra akong nabigla at nasaktan sa aking nakikita .

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa ..






Janina's Pov

Sorry Readers ha , hindi ko na talaga kayang pigilan eh , akala ko sa pag-alis ko ng bansa ay makakalimutan ko na siya ,  pero nagkamali ako .


Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya , at kailangan ko siyang mabawi sa kahit na anong paraan kaya nakaisip ako ng magandang plano .


Napansin kong hindi niya kasama si Merry kaya pasimple akong tumayo at sinundan siya papasok sa loob ng bahay .


Missing You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon