4-The Plan

64 9 0
                                    


MissingYou
Chapter 4

Jhayp

Malinaw na sa akin ang lahat , naliwanagan na ako , nasagot na ang mga tanong sa isipan ko . At buo na rin ang desisyon kong buksan ang puso ko ..

Panibagong yugto ng buhay ko kasama si Merry ..

Si Merry Joy Ligaya ..
Nasa kanya ang atensyon ko ngayon , sa kanya umiikot ang mundo ko , siya ang nagbukas ng bagong yugto ng buhay ko .

Masaya ako na nakilala ko siya ,
Nakalimutan ko si Janina dahil sa presensya niya ..

Niligawan ko siya and to my surprise she answered yes to me ..

Girlfriend ko na siya pero hindi pa kami nagkikita .. Kaya nag set-up kami ng araw at oras kung kailan at saan kami magkikita ..

Napagpasyahan naming magkita sa isang mall malapit sa kanila . Para hindi na rin masyadong hassle sa kanya kung bibyahe pa siya .

Excited nako ..
Next saturday na kami magkikita ;)

Punta muna ko sa bar ni Neil ..
Wasalak day pala ngayon ..
Na miss ko din mga tropa ko ah ..

Fast Forward ..

BAR Ni Neil ..

Saturday ngayon at maraming tao dito .. Dumiretso ako sa private room naming magkakaibigan ..

WaSaLak Private Room

Yun ang nakalagay sa pintuan na pinasok ko .. Well pag pasok ko pa lang na surprised na ko .. Kumpleto na sila ako na lang wala ..

Neil , Rain , Chini

Apat Lang talaga kami noong una , Apat-Dapat ang pangalan ng grupo namin hanggang sa nadagdagan lang kami nitong huli ..

Si Yaba , Chrisx , Alcoh
At ang pinsan kong si Nyl ..

Ngayon WaSaLak na ang pangalan nang grupo namin . Walang Sawa Sa Alak talaga yun..

Lahat kami Lesbians ..
Hard Butch ang tawag sa amin .

Sa kilos at pananamit . Mapagkakamalan mo kaming lalaki pero kapag nagsalita na ay doon mo lang malalaman na babae pala kami .

Every saturday talaga ang session ng barkada namin ..

Oy Tol' Late ka Ah .. Traffic ba ?
Tanong sakin ni Nyl

Tumango lang ako at naupo ..
Kumuha ako ng isang beer at pinagmasdan sila isa isa ..

Si Neil , Yaba , at Chrisx
Nakatutok sa mga cp nila , siguro
naglaro na nama tong tatlong to' .

Pagkapasok ko kinawayan lang ako tapos tutok ulit sa mga cell phone , mga busy talaga pag cell phone ang hawak ..

Si Rain at Chini mukhang seryoso sa pinag-usapan nila .

Sa grupo namin silang dalawa talaga ang malapit sa isa't-isa . Para talaga silang magkapatid ..

Ano kaya pinagkukwentuhan ng dalawang ito at hindi man lang ako napansin na dumating ?

Missing You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon