Missing you
Chapter14One Year Later ..
Jhayp's PovNandito kami sa ngayon sa resort kung saan kami unang nagkita ni Merry . Pagkatapos ng mga nangyari ay napagdesisyunan naming mag outing ulit dito .
Nakaalis na ulit ng bansa si Janina . Pagkatapos ng pag-uusap namin ng masinsinan ay nag kapatawaran na kami sa isa't-isa .
Nagpatayo ng isang patahian si Alcoh na siyang naging business niya kasama ang anak-anakan na si Szen na naging bahagi na rin ng WaSaLak .
Si Rain at Chini naman ay naging mag partner at nagbukas ng isang Restaurant na naghahain ng mga Korean at Chinese Foods pero siyempre specialty pa rin nila ang mga Filipino foods .
Naging mag business partner's din sina Yaba at Chrisx at nagbukas ng isang Buy and Sell shop . Bentahan ng mga kotse at motor ang trip nila .
On-going na din yung pinapatayo nilang talyer para sa mga kotse .
Katu-katulong nila dito si Joanne na girlfriend ni Yaba .Yung makulit ko namang pinsan na si Nyl ay nag open ng Talyer para naman sa mga single na motor .
Nag-aaral pa din ang kapatid kong si Carol pero pinag-iisipan din nila ng mga bestfriend's niyang sina Steph at Ajhay na magpatayo ng isang Flower shop .
Lalo namang lumakas ang Nash.Neil's Grill & Restau Bar na pag aari ni Neil .
Buo at matibay pa rin ang samahan namin . Nagkikita-kita pa rin kami tuwing Sabado para sa Saturday Night Out Ng WaSaLak .
Balak ko ng mag propose kay Merry dito sa outing na ginawa namin kaya nandito ulit kami sa resort kung saan kami unang nagkita .
Pinauna ko ang barkada para maisaayos ang gagawin kong pagpo-propose . Siyempre walang kaalam alam ang mahal kong girlfriend sa mga magaganap . Ang alam niya lang kaya kami nandito ay para sa aming summer vacation with the gang .
May pasok din siya ngayon kaya tamang-tama ang timing na late siyang darating para sa proposal ko .
Pinahanda ko ang lahat ng gusto at paborito niyang pagkain .
Pinasundo ko na rin ang mama at papa niya pati na rin ang best friend niyang si Gayrose .
Ang usapan namin didiretso na siya dito sa resort after ng work niya at ipagpapa alam ko na lang siya sa parents niya . Um-oo naman siya kaya panatag na akong ipinasundo ang mga mahal niya sa buhay kay Rain at Chini .
Nagpaalam na ako sa papa at mama ni Merry para hingiin ang kamay nang kanilang anak .
Oo nakakatakot dahil alam naman nating lahat na wala naman talagang kasal dito sa pilipinas para sa same sex . At marami pa rin ang againts at humuhusga sa amin . Pero tinatagan ko at nilakasan ang aking loob .
Iniisip ko kung gaano ko siya kamahal para magkaroon ako ng tapang at lakas ng loob na kausapin at papayagin ang mga magulang niya .Naisip ko din na baka hindi nila ako matanggap kung mauuwi sa kasalan ang relasyon namin nang anak nila pero mas inisip ko ang sobrang pagmamahal ko sa kanya that time para hindi ako mawalan ng pag-asa .
Napaka swerte ni Merry na nagkaroon siya nang mababait , maunawain at mapag mahal na mga magulang . Kaya hindi na rin ako nagtataka kung saan siya nagmana :)
Pero siyempre Mas masuwerte ako , dahil napapayag ko ang parents niya na mapakasalan ko ang nag iisang anak nila . Pero sa ibang bansa , pagba-basbas lang kasi ang mayroon dito sa pilipinas . Holy Union para sa pagsasama ng isang same couple .
BINABASA MO ANG
Missing You ♥
KurzgeschichtenMasasabi mong nagmamahal ka na ng totoo kapag kaya mo ng tiisin ang lahat ng sakit , harapin ang lahat ng hirap , kapag kaya mo ng magsakripisyo para taong mahal mo at kapag kaya mo nang makita siyang masaya , kahit hindi na ikaw ang dahilan ng mga...