MissingYou
Chapter 3Janina's POV
Pagbigyan nyo na minsan lang to'
Saka kailangan kong ipaliwanag din yung side ko , napaka dami pa namang judgemental sa mundo .(piece)Ako si Janina Anne Cabarles Lopez . 25 na ako ngayon . Lumaki ako sa isang konserbatibong pamilya ..
Hindi naman gaanong mayaman ang pamilya namin , yun bang medyo nakakaangat lang sa buhay ..
Isa akong teacher , nagtuturo na ako ngayon sa isang private school , nagpa-part time din ako sa pag tu-tuitor sa iilang mga estudyante ..
And let me straight one thing ,
I'm Not ..Tama kayo ng nabasa nyo ,
I'm not straight , I'm a bisexual ..Pero hindi ako makapag out lalo na sa pamilya ko .. Hindi ko kayang isugal ang lahat ng meron ako .
Sabihin niyo nang selfish ako pero hindi ko kayang itakwil ako ng pamilya ko , hindi ko kayang magalit sa akin ang mga magulang ko , ayokong ikahiya nila ko ..
Bukod sa nag iisa kong best friend na si Geraldine , wala ng nakakaalam na ganito ako , may iilan pero bilang na bilang lang talaga ..
Hindi ko alam kung paano ako naging ganito pero ang alam ko lang basta ko na lang naramdaman , nagising na lang ako isang araw na na-aattract na pala ko sa parehong seskwalidad ..
I remember the last time na nagmahal ako ng sobra ..
Nakilala ko siya sa isang malapit na kaibigan , noong una akala ko talaga lalaki siya dahil sa ayos ng pananamit niya at ng buhok niya , wala din siyang dibdib as in super flat I mean para talaga siyang lalaki ganern .
Pero nagulat talaga ko noong nagsalita siya para ipakilala ang sarili niya sa akin ..
Boses babae siya haha as in ang sarap sa pandinig ng boses niya .
Siya daw si JhayP Valdez ..
Taray ng name pang mayaman pero hindi naman daw siya mayaman , siguro nakakaangat lang ..
The time na nagkadikit ang aming mga palad , para kong na.ground ..
Alam mo yung may kuryenteng biglang dumaloy sa buong katawan ko , nakaka amaze yung pakiramdam ..
This was my first time na makaramdam ng ganito ..
Naging malapit kami sa isa't-isa
As in super malapit , nagseselos na nga yung best friend ko sa kanya dahil halos siya na lang bukang bibig ko everytime magkikita kami , parang sa kanya na umikot mundo ko ..Niligawan niya ko at di ko na rin naman pinatagal sinagot ko na rin , gusto ko rin naman siya eh ,
Tsaka sabi nga nila ..Relasyon daw ang pinatatagal ,
Hindi daw yung panliligaw ..Kaya ayun naging kami at ang saya saya ko talaga ..
Alam mo yung para kong
nanalo sa lotto sa sobrang saya .Napaka bait niya , maalaga , maalalahanin , lagi niyang inaalala ang mga mararamdaman ko .. At palagi niyang pinaparamdam sa akin na ako lang ang mahal niya ..
Pero lahat ng relasyon dumadaan din sa mga pagsubok ..
Hindi ko siya kayang ipakilala sa parents ko , hindi ko kayang i.take yung risk ng pakikipag relasyon ko sa kanya ..
Hindi ko rin kayang sabihin sa kanya .. Natatakot akong maiba ang tingin niya sa akin , natatakot ako sa lahat ..
Tanging si Geraldine lang ang nakakaalam ng lahat ..
BINABASA MO ANG
Missing You ♥
Kısa HikayeMasasabi mong nagmamahal ka na ng totoo kapag kaya mo ng tiisin ang lahat ng sakit , harapin ang lahat ng hirap , kapag kaya mo ng magsakripisyo para taong mahal mo at kapag kaya mo nang makita siyang masaya , kahit hindi na ikaw ang dahilan ng mga...