13-I Don't Want To Lose You

41 9 0
                                    

Missing you
Chapter13

Jhayp's Pov

Niyakap ko siya ng sobrang higpit . Para maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal . Hindi ko gusto ang pakiramdam na nakikita siyang umiiyak , alam ko kung paano masaktan at magdusa ng dahil sa taong minsan kong minahal .

Hindi sa lahat ng oras may taong magmamahal at mag aalaga sayo . Yung iintindihin at mamahalin ka sa kabila ng lahat ng pagkakamali at pagkukulang mo . Yung taong kaya kang mahalin maging ano o sino ka pa .

Para sa katulad kong nabibilang sa third sex , napaka hirap na maghintay o humanap ng totoong taong makakasama ko habang buhay .

Kaya kung sakaling dumating na siya alam ko sa sarili ko na handa kong ibigay sa kanya ang lahat ng pagmamahal , pag-aalaga at
pag-intindi para hindi siya mawala .

Kung si Merry man ang babaeng iyon panigurado akong gagawin ko ang lahat para hindi siya mawala sa akin .




3 Months Later ..


Pagkatapos nang gabi na iyon ay napag desisyunan namin ni Merry na kumprontahin si Janina .

Kinausap namin siya ng masinsinan tungkol sa nangyari at sobrang hiya siyang humingi ng kapatawaran sa akin lalo na kay Merry .

Nangako siyang hindi na manggugulo sa amin at magpapakalayo layo na .

Hindi mo naman kailangan lumayo . Okay naman na tayo , kalimutan na lang natin ang mga nakaraan at magpatuloy sa kasalukuyan .

Malumanay na sabi ni Merry kay
Janina pagkatapos ng usapan namin . Tahimik lang akong nakikinig sa kanila .

Salamat , pero kailangan ko na rin kasing bumalik sa Canada .
May bagong offer din sa akin ang school namin .

Sagot ni Janina bago hinawakan ang mga kamay ni Merry .

Pag katapos ng pag uusap na iyon ay nagpaalam na rin kami sa isa't-isa .

Naintindihan namin ang kalagayan niya , hindi ko rin naman ginusto na magka ganoon siya , siguro ngayon ay tanggap na rin niya na hindi na talaga maibabalik ang kung ano man ang namagitan sa amin .

At sobrang nag papasalamat ako sa poong maykapal na binigyan niya ako ng girlfriend na sobrang maunawain at mapagmahal .

Hmm , thank you Mahal ..

Ang nakangiting sabi ni Merry sa akin . Nasa loob kami ng sasakyan , balak namin mamasyal pero baka ang ending namin ay sa bar na lang din ni Neil . Saturday din ngayon at panigurado kumpleto ang barkada .

Para saan naman Mahal ?

Balik kong tanong sa kanya .

Kasi hindi mo ako sinukuan nung mga panahon na gusto ko nang bumitaw .

Medyo nahihiya niyang sabi .

Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan bago nag salita ulit .

Alam kong nasaktan kita at naiintindihan kong ganoon ang magiging reaksiyon mo .. Pero hindi kita bibitiwan dahil mahal kita . At hindi kita bibitiwan kahit anong mangyari . Alam ko marami pa tayong pag dadaanan na mga pagsubok . At sa lahat ng mga darating pa na iyon ay mahigpit ko lang na nahahawakan ang iyong mga kamay ..

Missing You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon