Chapter 2

51 1 0
                                    

-Gem's POV-
"ate gutom na po ako.." reklamo ng kapatid kong si Kyle, 14 years old.
"ako din po.." dagdag pa ng bunsong kapatid ko na si Lea, 8 years old.
"sandali na lang hmm ? hinihintay lang ni ate na mag alas onse para makuha ko na yung sweldo ko, konting hintay na lang..." sabi ko sabay tingin sa relong pambata na gamit ko.

Hays... 30 minutes na paghihintay na lang mapapakain ko na rin kayo...

Ako nga pala si Gemini Alvarez, 20 years old. Isang kahig, isang tuka. Ang panganay sa aming tatlong magkakapatid, naulila na kami simula nung ipinanganak ni mama si Lea. Sa sobrang lungkot ni papa ay inatake sya sa puso ilang araw lang pagkatapos mamatay ni mama. Hindi naman kami ganto kahirap nung buhay pa sila mama, hindi ko sinisisi ang bunso naming si Lea dahil hindi naman nya ginustong mamatay si mama at wala syang kasalanan, inosenteng baby lang si Lea nun kaya hindi sya pwedeng sisihin ng kahit na sino. Nung namatay sila mama, lahat ng perang naiwan sa amin ay pinangbayad ko kaagad sa school naming tatlo pero dahil hindi sapat ang perang yun ay yung sa kanilang dalawa lang ang nabarayan ko ng buo hanggang makatapos si Lea ng elementary at ng high school naman si Kyle. Yung sa akin.. ok lang kahit tumigil muna ako at pagtapusin sila, pero hanggat kaya ko.. ayokong may titigil sa aming tatlo. Yun ang mahigpit na bilin sa akin nila mama, ang trabaho daw ay makakapaghintay pero ang pag aaral ay hindi, wag ko daw sayangin ang taon na sa halip na may magandang trabaho na kami ay nag aaral pa rin kami. Tutuparin ko yun kahit sa kanilang dalawa na lang, kahit hindi na muna ako.

*tootoot tootoot tootoot*

Bumalik ako sa reyalidad ng mag alarm ang relo ko. Alas onse na.

"saglit lang, jan lang muna kayo hmm ? kukunin lang muna ni ate ang sweldo nya para makakain na kayo" paalam ko sa kanila bago pumunta sa pinapasukan kong karinderya, taga hugas nga pala ako ng plato.

Malayo pa lang ay kita ko na ang magkasalubong na kilay ng amo ko at mukang pinapagalitan na naman nya ang mga kasamahan ko sa trabaho. Natatakot man ay lumapit pa rin ako dahil naghihintay ang mga kapatid ko.

"a-ahmm mam..." pagkuha ko sa atensyon nya. Agad naman nyang ibinaling sa akin ang masamang tingin nya.

"oh baket !?" masungit na tanong nya kahit alam naman na nya kung anong pinunta ko.
"k-k-kukunin ko lang po sana yung sweldo ko..." takot na sabi ko. Agad naman syang lumakad papunta sa kaha ng pera at saka nagbilang ng tig bebente. Pagkatapos ay padabog na inilapag ito sa mesa, agad ko naman itong kinuha at binilang.

"a-ahmm mam.. kulang po ng 300.. 1,200 lang po ito... diba po dapat ay 1,500 ? kumpleto ko po ang 15 days, wala po akong absent" malumanay na reklamo ko.
"ANO !? sobra pa nga iyan ! binawas ko na jan ang advance mong 150, tapos yung bayad sa pagkaing inuuwi mo palagi !" bulyaw nya.
"p-pero mam, mga tira tirang ulam lang po iyon" paliwanag ko.
"kahit na ! magkano din yun ! kaysa magreklamo ka, dapat ay magpasalamat ka pa ! 150 na nga lang ang kinuha kong bayad mo kahit na dapat ay 400 yun !" mataray na sagot nya. Wala na akong nagawa kundi ang magpasalamat pa rin at umalis na, baka nagugutom na ang mga kapatid ko.

Kulang na kulang ang pera para sa 15 days, pang bayad pa sa kuryente, baon pa nila, panggastos sa school.. buti na lang at may bahay kami na pamana nila mama at papa, may poso rin sa likod bahay kaya dun na lang kami kumukuha ng pangligo at panglaba namin, ang pang inom naman ay yung mineral na nasa gallon, yung 20liters ata yun, hindi kasi pwedeng inumin yung nasa poso dahil nagtatae ang mga kapatid ko.

Kitang kita ang tuwa sa muka ng mga kapatid ko dahil tuwing sweldo ay pinapakain ko sila sa masarap na kainan. Pero ngayon siguro ay hindi na muna..

"ate ! tara na po sa jabee ! fried chicken po ulit sa akin tsaka ice cream !" masayang sabi ni Lea.
"sa akin po ano.. ahmm.. spaghetti na lang at friend chicken din !" sabi rin ni Kyle.

Masayang masaya sila.. sabihin nyo nga sa akin kung paano ko hihindian ang mga to ? ayokong malungkot sila, nakakadurog ng puso pag nakikita ko silang malungkot. Hays... twice a month lang naman sila kung gumastos ng malaki, worth it naman ang pag gastos basta para sa kanila, para sa magagandang ngiti nila.

"hihindi sana muna ako pero... matitiis ko ba namang makitang malungkot kayo ?" masayang sabi ko sa kanila saka sila inakay papunta sa malapit na Jollibee.

Pagkarating ay umorder agad ako ng pagkain para sa kanilang dalawa, dine in.

"oh ito na, kain na kayo" nakangiting sabi ko sa kanila.
"asan po yung sayo ?" tanong ni Lea habang pilit na hinahanap ang order ko kahit na wala talaga. Di na ko umorder ng para sa akin dahil kukulangin ang perang pang gastos namin sa loob ng 15 days.

"hindi naman nagugutom si ate, sige na kain na kayo jan" masayang sabi ko na naman. Dahil mga bata pa ay sumunod naman sila sa utos ko at kumain na nang masaya. Para hindi ako matakam ay ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko saktong daan ng isang taong hindi ko masabi kung totoo o imahinasyon ko lang dahil sa gutom. Parang nakita ko kasing may lumabas na laptop sa kamay nya out of nowhere, imposibleng galing sa bag nya dahil wala naman syang bag. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa pumasok rin sya sa Jollibee, this time may body bag na sya at nilagay nya doon ang laptop na hawak nya, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla ko syang nilapitan at tinitigan. Hindi naman sobrang lapit pero amoy ko mula sa pwesto ko ang mabangong amoy na nanggagaling sa kanya at ang tila dagat sa asul nyang mga mata. Bigla syang napalingon sa akin at ngumiti, hindi kagwapuhan, pero sobrang ganda ng mga mata nya at para bang hindi mo na nanaising lumingon pa sa iba.

"ate ! sayo na lang po ito" pag agaw sa atensyon ko ni Kyle. Binalik ko ang atensyon ko sa lalaking nakapila sa counter pero wala na sya doon, sa halip ay isang pang lalaki ang nandun na sa pwesto nya, kapareho ng suot na damit pero hindi nya kamuka. Pinilit ko syang hanapin pero hindi ko na sya makita. Lumapit ako sa lalaking nakapila sa pwesto nung kaninang lalaki at tinanong sya kung nasaan ang nakapila dun kanina lang. Ngumiti sya at sinabi nyang hindi nya napansin, may iba sa ngiti nya na hindi ko alam kung ano at yung amoy ni Mr. Blue eyes ay naaamoy ko rin sa kanya. Sigurado akong hindi sya yun dahil magkaiba sila ng muka, pareho lang sila ng damit na suot pero hindi naman nakashades yung nauna. Naguguluhan ako. Ilang minuto ko ring iniisip yun hanggang sa matapos nang kumain ang mga kapatid ko, pinatake out na lang namin ang natira para mamayang hapon pag nagutom sila, di ko na rin namalayan ang gutom ko dahil sa kakaisip ko dun sa lalaking asul ang mga mata.

Kasabay naming lumabas yung lalaki sa pila pero nauna syang maglakad dahil naghaharutan pa ang mga kapatid ko, hindi ko alam pero palihim ko syang sinundan ng tingin, sumakay sya sa isang itim na sasakyan, pagkurap ko... ibang tao na ang nasa sasakyan.... Babae na at iba na rin ang suot na damit.

Nababaliw na ba ako ? niloloko ata ako ng mga mata ko.


Mr. Miss: enjoy reading ^_^

An Angel Behind The Mask (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon