Chapter 5

50 1 0
                                    

-Gem's POV-
Tanghaling tapat, sobrang boring, nakakaantok, ang init, ang tahimik, sarap matulog nito kaso nasa trabaho ako kaya ayun nakatungonga lang kami sa kung saan habang si Medusa ay mahimbing na natutulog.

"ang boriiiiiiiing" biglang sabi ni Mae. Sabay kaming napabuntong hininga, natawa na lang kaming tatlo dahil para kaming mga baliw dun.

"pahiram nga ko nyang dyaryo mo" sabi ko kay Jenny, magbabasa na lang ako kaysa antukin ako dito.

Habang nagbabasa ay lumapit sakin si Mae at binasa ang nasa likod na page.

"Wanted, Superhumans. Reward, wow ! 5million d-dollars ? ang laki !" pagbasa ni Mae.

"sus, ang laki nga kaso wala naman taong may powers ! di naman totoo yan, fake news !" sabat ni Jenny.

Napaisip ako, 5Million Dollars. Sobrang laking pera na nun para saming magkakapatid, makakabalik na ko sa pag aaral. Secured na ang future naming tatlo nun. Tama, kaylangan kong mahanap si Mr. Blue Eyes.... Sya ang sagot sa mga pangangailangan namin. Kailangan ko sya mahanap.

-Leo's POV-
"Leo ? Leo !? LEO SUMAGOT KA ASAN KA !!!!!?????" napabalikwas ako sa pagkakatulog ko dahil sa sigaw ng kung sino.

"OH !? NASA KWARTO KO AKO ! BAT BA SUMISIGAW KA !?" inis na sagot ko. ikaw ba naman ang gisingin sa sigaw di ka ba naman mabwisit.

Ilang segundo lang ay biglang pasok ni Terence sa kwarto ko kasama ang iba pa.

"anong meron ? bat ganyan mga muka nyo ?" taking tanong ko.

"si Frances nawawala !" sabi ni Princes

"baka naman nanjan lang yun, baka lumabas lang" kalmadong sabi ko. Nun ko lang napansin na kulang nga sila.

"di kaya may nakahuli sa kanya ?" sabi naman ni Jace.

"huh ?" – ako. May hinagis sya saking news paper. Front page, ito na naman sila... pinapahanap na naman nila ang mga tulad namin.

"mga hayop talaga sila ! pagkatapos nila tayong gawing ganto, ngayon ibabalik nila tayo sa dati !? ibabalik nila tayo sa impyernong yun !? ginagalit talaga nila ako !" halos umapoy sa galit si Bong Bong.

"sssshhh.. nanjan lang si Frances, babalik din yun. Kalma lang, di nila tayo mahahanap dito. Remember ? nilagyan ni Frances to ng force field and hindi basta to mapapasok ng ibang tao unless masundan nila tayo, kaya kung lalabas tayo dapat mag ingat ok ?" sabi ko para marelax na sila. Ako man ay natatakot, ayoko nang bumalik dun. Ayoko.

Dumidilim na pero wala pa rin si Frances, di namin alam kung saan sya hahanapin. Sya lang ang marunong ng telepathy sa amin lahat, I mean yes kaya ko naman but as I say... sobrang nakakapagod yun tsaka kaya naman kaming marinig ni Frances kahit malayo sya pero bakit ganun ? kanina pa kami naghihintay sa boses nya pero wala, nag aalala na ko. Gusto ko si Frances, hindi ko alam kung alam nya kasi diba kaya nyang basahin ang nasa isip ko, hindi ko alam kung alam nya o hindi.

"hanapin na kaya natin sya ? baka nasa panganib na sya Leo" pag aalalang sabi ni Bong bong. Tumingin ako sa kanilang lahat na naghihintay sa sagot ko, sa amin lahat kasi ako yung parang pinakamatured although hindi naman ako yung pinakamatanda, ako yung laging seryoso at may matinong plano kumpara kina Jace.

"tara ba ?" tanong ko rin.

"nag aalala na rin ako eh. Masama rin ang kutob ko" mahinhin na sabi ni Princess, hindi namin alam kung kaya ba nyang makita ang future pero lahat kasi ng "kutob" nya is laging tama.

"tara" biglang tayo ni Terence, tumayo rin sila Jace kaya tumayo na rin ako.

"maghiwa-hiwalay tayong lahat, dala nyo mga phone nyo ? tumawag na lang pag nakita na si Frances or pag may problema, is that clear ?" maawtoridad kong paliwanag. Lahat naman sila ay sumang ayon. Nagpalit ako ng katauhan bilang isang pulis na nakasalubong namin sa daan habang nagda-drive ako.

"panget naman nyan Leo" comment ni Jace. Sira ulo talaga to.

"yaan mo na" sabi ko na lang at saka ipinarada ang sasakyan sa isang madilim na lugar. Bumaba na silang lahat, nahuli ako dahil nagcontact lense pa ko.

"alam nyo na ang gagawin nyo. *tingin sa wrist watch ko* magkita tayo dito ng 10pm, Terence ikaw na humawak sa susi ng kotse" sabi ko sabay abot ng susi kay Terence. Sya lang mapagkakatiwalaan ko, di marunong magdrive yung dalawang babae tapos si Jace... ayaw. Wala akong tiwala sa pagmumuka nya, mukang gagasgasan nya ang kotse ko eh.

May 4hours kami para maghanap. Sana makita namin sya. Frances... kausapin mo ko...

3 hours na paghahanap at pagtatanong nang biglang may tumawag sakin. Si Frances.

"Frances ? asan ka ? sabihin mo sakin, pupuntahan ka namin jan !" alalang sigaw ko kahit na maraming tao. Wala na kong pake kung isipin nilang nababaliw na ko dahil mukang kinakausap ko ang sarili ko. Yung boses ni Frances, parang nanghihina sya.. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, di ko kaya pag may nangyaring masama kahit kanino sa mga kaibigan ko. Di ko pa natatanggap ang pagkawala ng mga magulang ko, kaya hindi ko hahayaang pati mga kaibigan ko ay masaktan.

"Ley...." Rinig kong sabi nya.

"nasan ka ba ? pupuntahan ka namin ! Sabihin mo kung nasan ka !" sigaw ko habang pilit na hinahanap sya sa paligid. Nakatingin sakin ang mga tao sa paligid pero wala akong pakealam.

"w-wag nyong... i-ipapakita sa iba ang powers nyo.. w-wag nyo na ko h-hanapin, iligtas nyo ang sarili nyo Ley... m-mas madami sila ngayon.." mahinang sabi nya na ikinapatak ng luha ko.

"Baliw ka na ba !? sabihin mo kung nasaan ka ! pulis ako ngayon ! sumunod ka sa akin !" pananakot ko pero tumawa lang sya at di ko na narinig ang boses nya.

"F*CK ! AAAAARRRRGGGGGHHHH !" sigaw ko dahil sa inis.

Teleportation na lang ang paraan, wala na kong pakealam kung mamatay na ko basta mailigtas ko lang sya, ok na ko dun. Pero bago yun, kaylangan ko munang malaman kung nasaan sya. F*ck !

Huminga ako ng malalim at nagconcentrate. Nanghihina na ko agad kahit telepathy pa lang ang ginagawa ko. Umiikot na ang paningin ko at pawis na pawis na rin pero hindi ko pa rin mahanap kung nasaan si Frances. Dahil sa sobrang pagod ay kusang nagpalit ng itsura ang katawan ko, hindi ko alam kung sino na ako ngayon, di ko na rin alam kung saan ako papunta pero lakad lang ako nang lakad.

"kuya ok ka lang ba ?" rinig kong sabi ng isang babae na hindi ko maaninag ang muka dahil nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang pagod.

"ahmm... magpahinga ka kaya muna ? mukang pagod na pagod ka na, basang basa na ng pawis yung damit mo oh" alok nya pero tuloy lang ako sa paglakad na parang hindi sya naririnig hanggang sa naging itim na ang buong paligid.

An Angel Behind The Mask (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon