Chapter 7

24 1 0
                                    

-Gem's POV-
"ganto kase, diba ano nakita natin sya kagabi ? tapos kanina magpapaalam na dapat sya na aalis na kaso ewan nawalan na naman ng malay kaya binuhat ko at dinala sa kwarto par—"

"ang desperada beshy" putol sakin ni Mae

"ano !? teka nga kase ! di pa nga ako tapos magsalita eh, hays, so ayun nga binuhat ko sya papuntang kwarto para sana dun sya pagpahingahin kaso may "DALAWANG ASUNGOT" *tingin sa kanilang dalawa* na dumating at sumigaw kaya nagulat ako at naibagsak ko sya" pagsabi ko sa kanila ng half-truth, feeling ko di ko muna dapat sabihin sa kanila yung about kay Mr. Blue Eyes. Di ko naman natapos yung pag promise ko kaya hindi ako obligadong sumunod, tsaka nanganganib ang buhay namin ng mga kapatid ko sa kanya, kaylangan ko syang ireport at the same time is makuha ang aking Million Dollars. Naiinis pa rin ako dahil nawala ang first kiss ko nang ganun ganun na lang, so yes, I hate him.

"so kailangan nakapatong ka sa kanya ?" sabat ni Jenny.

"what !? kase na-out of balance ako ! mga baliw tsk" paliwanag ko.

In the end is mukang naniwala naman sila at nagkwentuhan muna kami saglit bago sila umalis para bumalik na kay Medusa.

Habang wala pa ang mga kapatid ko at tulog pa tong isang to dito, nagdecide akong maglinis linis na lang muna dito sa bahay. Ilang oras ring nawala sa isip ko si Blue eyes, Naalala ko na lang ulit sya nung sa kwarto na ko maglilinis at wala sya dun. Hinanap ko agad sya sa buong bahay pero wala talaga sya, at saka ko lang nakita ang isang pirasong papel na nasa kama,.

'Look at your drawer'

yun ang nakasulat, agad ko namang tiningnan yung drawer ko at nakita kong may na isang brown envelope na may nakasulat na "Thank sa pag aalaga, don't forget our deal ;)"

binuksan ko ang envelope para makita kung anong nasa loob, nagulat ako dahil may 10,000 sa loob. Nanginginig pa ang kamay ko nung binilang ko yun dahil di talaga ako makapaniwala. Pero totoong sampung tig-1,000 yun. Kung ganto lang lagi ang mangyayari kada tutulong ako, eh di hindi na ko magwowork at tutulong na lang.

Pero.. delikado pa rin ang buhay namin ng mga kapatid ko sa kanya..

agad kong kinuha ang news paper na tinabi ko at hinanap ang number na nandun, kaylangang unahan ko sya bago pa kami mapahamak.

"ah hello, ito ba yung naghahanap sa mga superhuman ? ...... meron kasi akong nakitang isang tao na kaya nyang magpalit ng itsura ...... make up ? hindi, sigurado akong hindi make up yun ...... pinagbantaan nya kasi ako na papatayin nya ang mga kapatid ko, natatakot lang ako para sa mga kapatid ko ...... address ? di ko alam ang address nya pero hahanapin ko sya, ito ang address ko (****) hahanapin ko sya at dadalhin dito in 30 days ...... oo, pumunta na lang kayo dito in 30 days ...... ok ...... ahmm teka ...... y-yung 5 Million Dollars, makukuha ko rin ba agad yun ? ...... talaga !? sige sige, dadalhin ko sya ...... sige salamat din"

ok na, 30 days... dapat mahanap ko sya...

*after 3 days*
ano ba yan, hanggang ngayon ay di ko pa rin sya nahahanap. Nauubos na ang oras ko, tatlong araw na agad ang lumipas.

"besh ! besh !" – Mae

"ow ?" – ako

"di ka pa uuwi ?" – Mae

"anong oras na ba ?" – ako

"luh, malapit na mag 11, kanina ka pa tulaley jan, iwanan ka namin" sabat ni Jenny

Tiningnan ko ang relo ko at tama nga, 10:49 na. Nagligpit na agad ako para makauwi na, baka gutom na mga kapatid ko.

Sabay sabay na kaming umuwi at pagdating ko sa bahay naka-on pa ang mga ilaw so ibig sabihin ay gising pa silang dalawa. At tama nga ako gising pa sila dahil rinig na rinig ko ang tawa nila.

Pagpasok ko andun sya, si Blue eyes kalaro ang mga kapatid ko.

"oh ate ! ito po yung kinukwento namin sayo na laging pumupunta dito kaso di mo naaabutan" sabi ni Lea.

so all this time ay nandito lang pala sya sa bahay ? alam na kaya nyang nagsumbong ako ?


.
.
.
.
.
.
.


(Day 11)
*11 days after magreport ni Gem*
-Gem's POV-
Laging nandito sa bahay si Leo at minsan at pinupuntahan nya ko sa work ko, sinundan nya kasi ako kaya alam nya kung saan ako pumapasok. Leo daw pangalan nya and obviously... di nya naaalalang ninakaw nya ang first kiss ko, takang taka sya kung bakit inis na inis ako sa kanya. Tsk.

"oy Gem, oy Gem, oy Gem, oy Gem, oy Ge—"

"ano ba !? para kang sirang plaka ! bat ba nandito ka na naman ? di ka ba hinahanap dun sa inyo ? umuwi ka na nga !" sigaw ko sa kanya, ang kulit nya promise ! medyo nakakabwisit na rin.

"Gemini ! bat sinisigawan mo yang si pogi ? di magandang asal yan huh ! gusto mo bang patalsikin kita dito ?" sita sakin ni Medusa, kindat namin sakin nitong mayabang na to. Di ko alam kung anong pinakain nya kay Medusa at ang bait bait sa kanya nun, siguro ginamitan nya ng powers nya ? tsk bwisit sila pareho.

"oo nga po, ang sungit sungit lagi sakin nyan ma'am." Pagpapaawa naman nya.

"hayaan mo, papatalsikin ko yan pag sinigawan ka pa ulit nyan" sagot naman ni Madusa. Iiiiih ! bwisit talaga -_-*

(10pm)
"tara na Gem" yaya sakin ni Jenny.

lumabas na kami at naglakad na pauwi.

"bat kaya ang bait sa kanya ni Medusa ? pag sa atin naman ang sungit sungit" reklamo ni Mae.

"di pa ba halata ? type nya kasi si Leo. Sino ba namang hindi magkakagusto dun ? Gwapo, Macho, mabait, magalang, may kaya sa buhay, ang tangkad pa tapos ang bango bango, hindi nangangamoy pawis" sabi naman ni Jenny na parang kinikilig pa.

"diba ? sabi ko sayo gwapo eh ! nung binuhat nga namin yun, mabigat pero mabango talaga beshy !" sabat ni Mae at sabay na silang kinilig. Iniwanan ko nga.

"oy bakla ! ang bitter mo ! siguro tomboy ka no ?" biglang sabi ni Mae.

"luh ? agad ? di pwedeng di lang talaga ako nagagwapuhan sa kanya ?" sagot ko naman.

"mabalik tayo kay Medusa, ang tanda na pero ang harot pa rin hahahahaha" baliw talaga tong si Jenny. Pero may point naman sya.

.
.
.
.
.

"Lea ? Kyle ?" tawag ko sa mga kapatid ko nung nakarating na ko sa bahay.Agad akong pumunta sa kwarto nung dalawang bata.

"sssshhh ! wag kang maingay, natutulog na sila. Napagod ata kakalaro" pagpapatahimik sakin ni Leo habang hinahaplos nya ang buhok ni Lea na natutulog.

"Gem..." mahinahong tawag nya sakin. Napatingin ako sa kanya, titig na titig sya sakin.

"pwede ba kitang ligawan ?"


An Angel Behind The Mask (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon