Chapter 6

27 1 0
                                    

-Gem's POV-
Natulala ako nung natumba sya, di ko alam kung paano ako magrereact hanggang sa batukan ako ni Mae na kasabay kong umuwi.

"oy beshy ! ano ? tititigan mo lang si kuya ? di natin tutulungan ?" tanong nya.

"huh ? a-ah ano, ewan ko ! ngayon lang ako nakikita ng hinimatay !" sagot ko na nagpapanic na.

"huy ! relax, buhay pa yan. Buhatin na lang natin papunta sa bahay mo" suggest nya.

"luh ? bat sa amin ?" never pa ko nag uwi ng lalaki sa amin -_-

"duh ? mas malapit kaya yung bahay mo, alangan iwan natin to dito ? gusto mo sa hospital, basta ba sasagutin mo yung bill" sarcastic na sabi nya.

"iiiiihhhh !" – ako.

"ay ang yummy ni kuya besh ! ang wafu pa tapos *sniff sniff* ang bango besh ! hindi amoy pawis !" harot nya nung binuhat na namin yung lalaki. Maputi, malaki ang katawan, matangos ang ilong, magaling sa fashion, pero GRABE LANG ! ang bigat nya.

Ilang hakbang na lang naman ang bahay namin mula dun sa pinagbagsakan nya pero parang isang daang hakbang ang ginawa namin dahil sa bigat nya, wala naman kaming mahingan ng tulong kase wala na masyadong tao, ayoko namang sumigaw baka mamaya mabulabog pa namin yung mga adik dito, pagtripan pa kami.

"woooh ! sa wakas ! nakarating din. Infairness *hampas nang mahina kay kuya* ang bigat mo fafa !" sabi ni Mae.

"besh nagiging baklang babae ka na naman. Uwi ka na nga, maaga ka pa bukas." Biro ko sa kanya.

"ako lang ? bat ikaw ? di ka papasok ?" tanong nya. Umiling ako tapos biglang ngumiti sya ng nakakaloko.

"*tingin kay kuya* *tingin sakin sabay taas baba ng kilay* aaayyyyiiiieeehh... desperada besh" – sya.

"luh !? *hampas ng unan* baliw ! umuwi ka na nga, ang ingay mo magigising mga kapatid ko sayo." Saka ko sya pinagtulakan palabas ng bahay.

"ingat ka bakla !" paalam ko, nagpaalam na rin sya saka umalis. Sinara ko na ang pinto saka lumapit dun sa lalaki. Kinapa ko ang pulso nya, baka mamaya deds na pala to. Nagulat ako nung nakapa kong sobrang init nya.

Kahit paano ay naalagaan naman ako ni mama kaya alam ko kung anong gagawin sa nilalagnat. Kumuha ako ng planggana, bimpo at warm water saka sya pinunasan sa braso, tapos leeg at muka. Habang pinupunasan ko ang muka nya ay napatitig ako sa kanya, ang amo ng muka nya, di naman siguro gagawa ng masama tong gantong muka.

Hinawi ko ang buhok nya na humaharang sa mata nya, ang kapal ng kilay, ang haba ng pilik mata, kinis ng muka. Perfect.

Bigla syang dumilat, diretso ang tingin sa mga mata ko ng ilang segundo saka pumikit ulit na parang nananaginip lang sya. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung totoo yung nakita ko pero, blue yung isang mata nya, posible kayang sya si Mr. Blue Eyes ? pero bakit itim yung isa ? Contact Lense ?

Kaya pala parang familiar din yung amoy.... Ikaw ba yan Mr. Blue Eyes ? Lord.. ang bilis naman po ng sagot sa dasal ko. Kanina lang tanghali ay binabalak ko syang hanapin para sa reward tapos ngayon eto sya, nasa loob ng bahay ko... Thanks Lord, di mo talaga ako pinapabayaan.


.
.
.
.
.
.
.


Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi nya, Nagising na lang ako nung naramdaman ko ang pagbangon nya, napatingin ako sa relo ko. 7am na pala. Siguradong nasa school na ang mga kapatid ko, bat di man lang nila ako ginising ?

"teka, dahan dahan lang.. ok ka na ba ?" saka ko sya inalalayan sa pag bangon. Nakahawak sya sa ulo nya at parang inaalala ang mga nangyari. Nagulat ako nung bigla syang may hinanap, tv pala. Binuhay nya ang tv saka tumutok don. Kahit nagtataka ay nakinuod na lang din ako, nahihilo ako sa ginagawa nyang pagpapalipat lipat ng channel kaya inagaw ko na ang remote sa kanya.

An Angel Behind The Mask (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon