Chapter 11

31 1 0
                                    

(Still Day 26)
-Leo's POV-
Pinauna na nya kong umakyat, may aasikasuhin daw sya sandali. Ok lang naman dahil medyo kinakabahan din ako kasi baka ireject na nya ko.

Ilang minuto na pero wala pa rin sya, medyo inaantok na ko.

"sorry natagalan, inayos ko pa ang gamit ng mga kapatid ko." sabi nya pagdating nya.

"ok lang" sagot ko na lang.

*silence*

"ahm.. a-ayaw mo na ba sakin ?" tanong ko out of the blue, siguro dahil naguguluhan na rin ako.

"napapagod ka na ba ?" tanong din nya.

"hindi naman sa ganun Gem, tinatanong ko lang naman" paliwanag ko. Ang awkward ng ganto, ni hindi sya tumitingin sa akin. Ang sakit.

"pwede ka namang tumigil na kung napapagod ka na, di naman kita pinipilit na mag stay sa ak—"

"Gem" awat ko sa kanya dahil masakit.

"ano bang problema ? dahil lang ba dun ? dahil sa edad ko ? yun lang ? ganun na lang yun ? ang sakit kasi Gem. nanghuhula ako dito nang kung ano na bang iniisip mo. Kung ayaw mo na sakin dahil sa agwat ng edad natin, sana sabihin mo" malungkot na sabi ko sa kanya pero nanatili syang tahimik at nakatingin sa malayo.

"kung ayaw mo na, sana sabihin mo. Kung sawa ka na sa panliligaw ko, sana sabihin mo. Oo may powers ako, pero hindi ko naman kayang mangbasa ng nasa isip ng iba. Titigil naman ako kung ayaw mo na, pero sana, sabihin mo pa rin.." tuloy ko. Naiiyak na ko.

"sino ka ba talaga ? kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako. Isipin mo nagpapaligaw ako sayo para mas makilala pa natin ang isa't isa pero ang totoong nangyayari ay wala man lang akong idea tungkol sayo kundi ang pangalan at edad mo. Mismong apelyido mo di ko alam, basta Leo lang ang alam ko, si Leo na 119 years old na. yun lang." seryosong sabi nya, natahimik ako. Tama sya, wala pa syang idea sa akin. Natatakot akong malaman nya ang totoo, baka iwasan nya rin ako.

"ngayon bibigyan kita ng huling pagkakataon para magpakilala. In 3 minutes dapat nasimulan mo na dahil kung hindi.. maluwag ang gate, pwede ka nang umalis at wag na ulit mapapakita sakin at sa mga kapatid ko." sabi nya na ikinagulat ko.

Alam kong iniisip nyo na bakit di na lang kasi ako magpakilala, may rason naman kasi kaya nahihirapan ako, mahal ko na sya at ayokong iwasan at pandirihan nya rin ako pag nalaman nya.

"2 minutes" biglang sabi nya habang nakatingin sa relo nya.

"paano kung iwasan mo ko ? ayokong iwasan mo ko Gem.." sabi ko, di sya nagsalita at nanatiling nakatingin sa relo nya.

"madami na kong binalak ligawan pero pag nagpakilala na ko, bigla silang umiiwas lahat. Ganun ka din kaya Gem ?" malungkot na sabi ko habang inaalala yung mga nangyari dati.

"1 minute" sabi lang nya.
Nagbuntong hininga na lang ako at tiningnan sya

"30 seconds. Di kita pinipilit sumagot" – sya. Nagdadalawang isip talaga ako.

"10.. 9.. 8.. 7.. 6.. 5.. 4.. 3.. 2.."

"*sigh* 1"

"ganun ba talaga kahirap para sayo ang magpakilala ? ayokong magmahal ng taong hindi ko kila—"

"hindi ako lalaki Gem" putol ko sa kanya.

"huh ?"

"tama ka ng rinig, hindi ako lalaki.." sabi ko habang tinatanggal ang contact lense ko, bahala na. halos isang daang babae na ang umiwas sa akin dahil sa pagpapakilala ko, siguro di na rin naman sobrang sakit kung iiwasan ako ng isang to.

An Angel Behind The Mask (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon