Chapter 9

21 1 0
                                    

(Day 16)

-Gem's POV-
ilang araw na ang lumipas simula nung huling beses kong nakita at nakasama si Leo, medyo namimiss ko yung kaingayan nya, pero hindi sya mismo yung namimiss ko, yung kaingayan lang talaga nya. Promise, totoo.

"uy Leo--" sigaw ni Mae, agad naman akong lumingon.

"Leon bes, leon" tuloy nya sabay pakita ng picture ng lion sa phone nya.

"uy.. mukang may nakakamiss dun sa gwapong lalaki.. ano na ngang pangalan nun ulit Mae ?" – Jenny

"Leo ata yun" – Mae.

"baka napagod na ? kasi naman ang sungit ng lola mo Mae" parinig ni Jenny. Deadma lang ako at tuloy sa paghuhugas

"nako bakla baka may iba nang nililigawan ? aaayyy ! ouch yun bes !" – Mae.

"kung ano yung niligawan nun, sasagutin ko agad yun ! iuuwi ko kaagad ! yummy eh" sabi ni Jenny. Mga pashnea.

tuloy lang sila sa parinig hanggang sa napagod na. tanghali na rin at wala masyadong tao kaya eto ako nakatingin sa labas at tinitingnan ang mga dadaan, nagbabaka sakaling makita ko sya. May ilang dumadaan na napapatingin din sa akin, siguro nagtataka sila kung bakit ko sila tinitingnan.

Hays... ano na kayang nangyari dun ?

-Leo's POV-
(flashback nung huling kita nila, Day 12)
masaya akong umuwi at habang nagda-drive ay pinagplanuhan ko kung paano ako magpapakilala sa kanya.
nang makarating ako sa bahay ay gising pa ang lahat at parang hinihintay nila ako.

"oh bat gising pa kayo ?" tanong ko pero seryoso lang ang mga muka nila.

"tigilan mo na Leo" sabi ni Bong Bong. Nagtaka naman ako.

"alin ?" takang tanong ko, natatawa ako na parang ewan. Di ko maexplain yung feeling. Prank ba to ?

"alam namin na may nagugustuhan kang babae, wag mo na ituloy" sabi ni Terrence.

"brad alam mo naman diba ? tanda mo yung nangyari sa akin ?" sabi rin ni Jace.

"akyat na ko, pagod ako" seryosong sabi ko at tumalikod na.

"itigil mo na hangga't maaga pa" sabi ulit ni Terrence. Medyo naiinis na ko.

"ayoko" matigas na sagot ko.

"nag iisip ka ba !? gusto mo bang maulit yung dati ? natatandaan mo ba yung nangyari year 1983 ? kay Henry at sa girlfriend nya ?" inis na sabi ni Bong Bong.

"matagal na yun ! iba na yung ngayon ! di naman ako papayag na maulit yun sa kahit kanino satin !" pasigaw na sabi ko.

"huminahon kayo" saway ni Princess.

"sorry.." sabi ko.

"sorry din" sabi din ni Bong bong.

"pero Leo... delikado kasi.. nasa paligid lang sila at di natin alam kung sino sino sila. Pano kung gamitin din nila yung babaeng gusto mo laban sayo ? satin ? wala silang kaluluwa, kahit sino ay ginagamit nila basta alam nilang mahalaga sa atin. Itigil mo na hangga't kaya mo pa.. mas gugustuhin mo pa bang madamay yang babaeng mahal mo ?" seryosong sabi ni Terrence.

"makinig ka naman brad, di naman to para sa amin lang. Tanda mo ba si Vanessa ? yung mahal ko.... ginamit nila sa akin para lumabas ako, ginawa ko naman yung gusto nila diba ? lumabas ako. Sumunod ako sa usapan na lalabas ako kapalit ng kalayaan ni Vanessa, pero anong ginawa nila ? mga wala silang isang salita ! lumabas ako pero pinatay pa rin nila si Van ! sa harap ko brad... ang sakit... di ko makakalimutan yun... di ko sila mapapatawad..." manlulumong paalala ni Jace. Ramdam ko yung sakit sa mga salita nya.

"pano kung hindi ko kaya ?" malungkot na tanong ko.

"subukan mo pa rin, di ka naman namin pipigilan kung talagang di mo kaya" sabi ni Jace.

isa isa na kaming umakyat sa kwarto namin, di ako makatulog dahil iniisip ko kung iiwas ba ko o.. tutuloy ako ?

at ang desisyon ko ay subukan ko na lang munang umiwas.

(back in Day 16)
dumadaan ako palagi sa tindahan nila Gem pero syempre paiba iba ang muka ko para di ako mahalata, di ko matiis na hindi sya makita.

ngayong araw ay dumaan ulit ako at nakita ko syang nakatingin sa labas. Sa ilang ulit na pagdaan ko gamit ang iba't ibang muka ay laging nagtatama ang mga mata namin pero dahil di nya ko mamukaan ay deadma lang sya.

ok na rin yung ganto basta wag nya kong hahawakan kasi di ko na talaga mapipigilan ang sarili kong lapitan sya ulit.

hay nako Gemini... bat ba ang lakas ng dating mo sakin ? Namimiss na kita..

(Day 18)
Napagpasyahan kong pumunta sa bahay nila Gem para bisitahin yung mga kapatid nya, alam ko namang wala sya dun dahil may pasok sya.

*knock knock*
"Lea ? Kyle ?" tawag ko. may narinig akong tumatakbo palapit sa pintuan at saka binuksan ang pinto. Nagulat ako ng makita ko si Gem. Naistatwa ako sa pwesto ko. pero mas magulat ako nung bigla nya kong yakapin. Nanghihina ako..

"san ka ba galing ? iniiwasan mo ba ko ? nagalit ka ba kasi tinanong ko yung buong pagkatao mo ? sige na wag mo nang sagutin yun... o baka naman totoo nga na may iba ka nang gusto ? o baka napagod ka na talaga sa ugali ko ? sorry na... promise di na ko magpapabebe.. gusto rin naman kasi kita kaso syempre hindi ako easy to get. Di ako babaeng pangkama lang... ganun naman kasi karamihan sa babae ngayon diba ?" iyak nya sa dibdib ko. nung natauhan ako ay niyakap ko rin sya pabalik at pinatahan.

Nalaman kong di sya pumasok dahil masama ang pakiramdam nya. ilang araw na rin daw syang matamlay.

nung araw na yun ay nanibago talaga ako sa kanya dahil ang bait nya, ang lambing at ang saya saya nya. di tulad nung Gem na masungit at laging nakakunot ang noo sa akin. Dapat pala talaga ay nagpapamiss.


-Gem's POV-
11 na ng gabi at tulog na sila Lea, habang kami naman ni Leo ay andito sa rooftop, nagkakape sya at ako naman gatas dahil di ako nagkakape, ayoko ng mapait, nasusuka ako.
"anong oras ka uuwi ?" tanong ko sa kanya, pagtingin ko sa kanya ay nakatingin din sya sakin at nakangiti.
"baket ?" tanong ko ulit. Mas lumawak lang ang ngiti nya at para syang baliw dun.
"wala... naninibago lang ako. Yung totoo ? magkano ba uutangin mo ? dali para makapag withdraw na ko" pang aasar naman nya.
"baliw" sagot ko naman saka tumingin sa magandang view, nga pala ang likod ng bahay namin ay wala nang bahay kaya city lights na lang ang makikita.
"bat ka nawala ?" tanong ko na naman.
"eh ikaw, bat bigla kang naging mabait sakin ?" tanong din nya.
"ako nauna kaya ikaw ang sumagot" sabi ko.
"ahm.. wala lang, sinusubukan ko lang kung kaya ko ba na wala ka, kasi ang sungit mo naman sakin eh" sabi nya habang nilalaro yung tasa na hawak nya.
"hindi kase ako easy to get Lei –"
"Lei ? hahahaha" tawa nya.
"ang haba naman kase ng pangalan mo" reklamo ko.
"grabe sya.. dalawa na nga lang yun. Le-yo. Oh dalawa lang yun, tamad nito" reklamo din nya.
"hahahahaha yaan mo na, so ayun nga hindi ako easy to get 'LEI'" pagdidiin ko sa tawag ko sa kanya, tawa naman sya ulit.
"hays.. sige, inaamin ko na.. gusto din naman kita, ewan ko.. feeling ko matagal na kitang kilala. Tsaka medyo naiinis din kase ako sayo dahil may kinuha ka sakin na hindi pa naman dapat, ewan ko kung naaalala mo yun. Basta yun na yun. Gusto ko paghirapan mo ko.. gusto ko mas makilala pa natin ang isa't isa.. ganun. Gets mo ba ? pero ayun bigla kang nawala kung kailan willing na kong magpakilala sayo ng maayos" nobela ko.
"ganyan naman kayo eh, hindi nyo pinapahalagahan pag nasa inyo pa tapos saka nyo hahanapin pag wala na. ok lang. ok lang talaga Gem" pagdadrama naman nya na ikinatawa ko.
*silence*
"paano kung bigla kang mapahamak dahil sakin ? I mean... alam mo naman na hinahanap ang mga katulad ko ng gobyerno diba ? paano kung madamay ka dahil alam nilang malapit ka sakin ? di ka ba natatakot ?" tanong nya.
"hindi"
"bakit hindi ?" – Lei
"anjan ka naman eh. Alam kong di mo ko pababayaan" nakangiting sabi ko habang nakikipag eye-to-eye sa kanya. Bigla syang nag iwas ng tingin.
"baket ?" sabi ko habang pinipilit syang iharap sakin. Pagharap nya ay napansin kong hindi sya sa mga mata ko nakatingin kundi sa.... Lips ko...
0///0
Agad naman akong lumayo dahil biglang nag init ang muka ko.
*silence*
"*clear throat* ahmm a-ano.. uwi na ko.. balik na lang ako bukas.. gabi na rin.." paalam nya.
"ay ganun ba.. oh sige, tara hatid na kita hanggang sa gate" sagot ko.

Bumaba na kami at hinatid ko na sya.


Mahihirapan ata akong makatulog.

An Angel Behind The Mask (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon