Chapter 3

45 1 0
                                    

-Gem's POV-
Lumipas ang araw pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang taong yun, possible kayang sya rin yung unang lalaki ? tapos nagpalit lang sya bilang yung pangalawang lalaki ? o magkaibang tao talaga sila ? paano yung babae sa kotse ? namalik mata lang ba ako na sumakay yung lalaki sa kotse kahit na babae naman pala talaga yung sumakay ? Kung oo, saan napunta yung lalaki ? imposibleng lumiko sya dahil wala naman nang eskinita dun, wala ring bahay na malapit..

"hoy Gem ! nakatulala ka jan ? mamaya mahuli ka ni Medusa (codename namin sa amo namin) papagalitan ka nun. Sabihin na naman 'hoy di ko kayo binabayaran para lang tumunganga jan ! blah blah blah blah' tss kala mo maganda, muka namang octopus" sabi ni Mae, natawa ako sa panggagaya nya sa boses ng amo namin, sabay irap nya dahil sa inis.

"kung may iba lang akong mapapasukan, di ako magtyatyaga dito. Ang baba ng sweldo tapos ang sungit sungit pa nya, tapos ang pasok natin 5am–9pm tapos 100 lang kada araw ? luging lugi. Bat kaya ganun kasungit yun ?" dagdag pa nya.

"ganun talaga kase matandang dalaga, kulang sa pagmamahal hahahahahahahaha" singit ni Jenny.

"oo nga, ako rin. Kung di lang dahil sa mga kapatid ko, ok na ko sa 50 pesos na sweldo per day kaso tatlo kami, di sapat yung 50 pesos per day." Pagsang ayon ko kay Mae.

"bilib nga ako sayo Gem, kung ako nasa posisyon mo baka matagal na kong sumuko" sabi ni Jenny.

Sinenyasan ko sila nung nakita ko sa malayo si Medusa, agad naman kaming bumalik sa mga pwesto namin. Naghugas na rin ako ng plato para makauwi na rin kami maya maya. Gabi na rin kase at malapit na kaming umuwi. Nag aalala na rin ako sa mga kapatid ko.

*9pm
'yes ! 9 na !' sabi ko sa sarili ko dahil sa wakas ay makakauwi na ko sa mga kapatid ko. Agad kong kinuha ang mga tirang ulam, at kanin dahil mapapanis lang naman at masasayang.

Nagpaalam na ko sa mga katrabaho ko, agad kaming naghiwa-hiwalay dahil baka pagalitan pa kami ni Medusa.

Malayo pa ay nakita ko na ang mga kapatid ko na nasa kwarto at parang naglalaro, nagulat ako nang makitang may isang lalaking hinahabol sila. Halos magkandadapa na ko sa pagtakbo. Pagdating sa bahay ay kinuha ko agad ang panungkit namin sa damit na nasa labas lang bahay, may gate naman kami kaya hindi pa kami nananakawan.

Dahan dahan akong pumasok, nakita ko syang nakatalikod parang hinaharangan nya ang pinto, naririnig ko ang tili ni Lea. Lumapit ako saka sya pinaghahampas ng bakal na panungkit. Natumba sya sa sahig at namaluktot sa sakit.

"SINO KA !? ANONG GINAGAWA MO SA MGA KAPATID KO !?" galit na bulyaw ko sa kanya.

"ouch..." narinig kong sabi nya habang hinihimas ang parte na hinampas ko. Ayaw ko mang aminin pero ang sexy ng boses nya, ang husky..

Sinusubukan nyang tumayo kaya binalak kong hampasin sya ulit pero humarang Lea tapos si Kyle naman ay pinipigilan ako.

"wag ate ! mabait po sya, nilibre nya kami ng pagkain kanina" sabi ni Kyle. Tinulungan nilang makaupo sa papag yung lalaki. Nahiya tuloy ako.

"bat ba kase kayo basta basta nagpapapasok dito sa bahay ? paano kung modus lang pala nya yun ? kunyari mabait sya pero ang totoo bad pala sya tapos kukunin nya kayo sakin ? paano na si ate ?" pag aalala ko.

"no... h-hindi ako masamang tao.. ouch.." rinig kong mahinang sabi nya.

"alam kong nag aalala ka lang sa mga kapatid mo, but I swear.. I wouldn't harm them. Promise" sabi nya sabay tingin sakin pagkasabi nya ng promise. Blue eyes... yung mga matang yun.. di ko makakalimutan yun. Ngayon ko lang naamoy yung amoy na familiar. Yung amoy ni Mr. Blue Eyes, pero imposibleng sya yun dahil iba yung muka nya. Yes pareho sila ng mata, pareho ng amoy pero di hamak na mas gwapo tong nasa harap ko ngayon kaysa dun sa nasa Jollibee.

Hinintay naming mawala ang hilo nya bago ko sya pinagtabuyan palabas.

Sobrang curious ko ay sinubaybayan ko sya nang palihim. Laking gulat ko nang masaksihan ko ang pagbabago nya ng itsura. Bigla syang pumuti, nagbago ang laki ng pangangatawan nya, lumiit din sya nang konti kumpara sa tangkad nya kanina. Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita ang muka nya.

si Mr. Blue eyes, Yung lalaking nakashades sa pila, yung babae sa kotse at yung gwapong lalaki kanina...
Confirm. Sya yun lahat.


Mr. Miss: Feel free to vote po and leave a comment ^_^

An Angel Behind The Mask (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon