04 -Vacation

124 7 3
                                        

Vacation

Like what kuya Allen said, we really have a vacation after our promotions. Nasakto pa na summer. Yohan and Jaeki went home to Korea to spend time with their families. Ang g*gong si Rafael ay sumama pa sa dalawa. Si Kirby umuwi rin sa kanila sa Bicol.

Dalawang araw na rin akong nakauwi sa amin. I stayed in our house to spend time with Lola. Kami lang dalawa at si tito Joseph ang narito.

"Hindi ka ba lalabas ng bahay Rai?" tanong ni tito habang naghahanda ito sa pag-pasok niya sa trabaho. Cook siya sa isang restaurant malapit dito sa amin sa San Juan. Medyo madami rin ang turista kaya sinusulit nila.

"Hindi po muna tito, minsan lang ako makauwi. Dito lang muna ako sa bahay sa susunod kasi baka isang taon na naman akong hindi makauwi. "

Tumango ito bago nagpaalam na aalis.

Apat na araw akong nanatili lang sa bahay at tumutulong kay lola sa paghahalaman. Mahilig kasi siya sa mga bulaklak at halaman.

LorzCelestine: Neon! You're in Elyu, right? We have a shooting in Baguio. We're planning to go to Elyu after. Kita tayo?

RaiBranzon: Sige, just call me if you're coming.

LorzCelestine: All alright!

"Rai apo" tawag sa akin ni lola. Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto ko.

"Bakit po-" napahinto ako nang makita ang kasama nito ngayon. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin.

"Walangya, nandito ka lang pala. Hindi mo man lang ako binisita." natatawa akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Ang alam ko nasa Taiwan ka pa nagt-trabaho."
Kababata ko si JP. Ngayon lang kami ulit nagkita. Since Elementary hanggang high school siya na ang kaibigan ko.

"Kakauwi ko palang noong isang araw. Kung hindi kita kinamusta kay tito Joseph hindi ko pa malalaman na nandito ka pala.... Ang gara ah! Sobrang sıkat mo na akala ko nakalimutan mo na ako eh."

"Baliw, ikaw pa talaga?" nagtawanan kami. Napansin ko ang ayos niya.

"Pormang porma. Sino lalakarin mo?" asar ko dito.
Naupo muna kami sa sala habang naghahanda si lola ng maiinom.

"Labas tayo, sabi ng tito mo ilang araw ka na raw hindi lunalabas. Minsan lang 'toh. Hindi na naman tayo laging nagkikita."

Tatanggi sana ako kaso naisip ko rin na matagal rin kaming hindi nagkasama.

"Sige"

Nagpaalam muna akong mag-bibihis bago kami umalis. Sumakay lang kami ng tricycle. Malapit lang naman kasi ang pupuntahan namin.

Tumigil kami sa isang bar. Medyo marami na rin ang tao dahil summer nga. Bahagya akong nagsisi. Siguro wala naman makakakilala sa akin dito. Inayos ko ang suot kong cap at sumunod kay JP. Umakyat kami sa rooftop dahil mas konti doon ang tao kaysa sa baba.

Lumapit kami sa bartender at nag-order doon.
Magbabayad na sana ako kaso libre niya daw. Inasar ko pa dahil bihira lang ito manlibre noon.
Kahit singko pambili ng ice tubig nagdadamot pa.

"Baka may makakilala sayo pagkamalan bodyguard mo ako" turan nito. Umiling ako habang natatawa.

Medyo mild lang ang iniinom ko dahil ayaw kong malasing. Hinayaan ko na lang si JP na kanina pa nakikipagsayaw sa isang babae. Hinahayaan ko lang siya.

Reaching the star [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon