first pub date
A P R I L 1 1 2 0 1 8
second and edited
A P R I L 1 7 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------
Isabel's Point of View
"Nay, nandyan na po ba sila?" Pagpasok ko ng bahay ay yan kaagad ang tanong ko sa yayang nagpalaki saakin. Siya na halos ang Nanay ko. Ngumiti muna siya saakin tsaka kinuha ang bitbit kong backpack.
"Wala pa, anak." Sagot niya. At dahil sanay na ako, nginitian ko na lang din si Nanay.
"May inihanda akong merienda. Halika sa kusina." Sumunod naman ako dahil nakakapagod din ang naging araw ko sa eskwelahan at nagutom talaga ako.
"Kumusta ang araw mo?" Tanong niya saakin. Inilapag niya sa harapan ko ang champurado na galing pa sa ref. Alam talaga niya na mas gusto ko ang malamig na champurado kesa sa mainit. "Nasaan na ang caramel ko, Nay?" Nakangusong tanong ko sa kanya. Inilapag naman niya sa harapan ko ang nakatupperware na caramel kaya kaagad nagliwanag ang mga mata ko. Para saakin ay perfect combination ang malamig na champurado at caramel sauce. Ako lang ba ang may gusto nun? I don't know.
"Naging maayos naman ang araw ko so far, Nay. Nakakapagod dahil padami na ng padami ang activities sa school. Syempre I need to help organize and get things done with my acads para hindi ako matambakan sa darating na event month." Sagot ko tsaka hinalo ang caramel sa champurado ko. Naglalaway na ako at hindi na makapaghintay kumain. Nang matapos ko haluin ay kaagad kong tinikman at napapikit sa sarap.
"The best talaga itong champorado mo, Nay." Nakangiting sabi ko sa kanya. Kinurot naman niya ang pisngi ko tsaka tinawanan.
"Paboritong-paborito mo talaga yan. Maiwan muna kita dyan dahil inaayos ko na ang dinner niyo para mamaya. Tumawag ang Mommy mo at ang sabi niya dito daw siya kakain kasabay ka." Nakangiting sabi niya. Mas lalo akong napangiti. Mabuti naman at makikisabay kumain si Mommy saakin ngayon. Pero,
"Eh si Daddy daw po?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya kaagad nakapagsalita. At alam ko na kaagad ang sagot niya. "Hindi nanaman po ba niya ako mabibisita dito?" Tanong ko tsaka napayuko at pinaglaruan na lang ang kutsara sa champurado ko. Napangiti ako ng pilit, ano pa nga ba ang ineexpect ko?
"Pero diba ayos na rin dahil makakasabay mo naman ang Mommy mo sa pagkain." Pangungumbinsi saakin ni Nanay. Pilit ko siyang nginitian tsaka marahang tumango. Oo nga naman, ayos na rin dahil makakasabay ko rin si Mommy sa pagkain. To be honest, I can't even remember when was the last time I had dinner with her, or even ate with her.
"Akyat muna ako, Nay. Magpapahinga tapos maliligo." Paalam ko tsaka kinuha ang bag ko.
"Hindi mo na ba uubusin itong champurado mo?" Tanong niya saakin. Halata ang pagtataka dahil ngayon ko lang hindi naubos ang paborito kong pagkain.
"Mas masarap yan bukas, Nay. Ilagay niyo muna po ulit sa ref." Masayang sabi ko. Para matakpan ang pagkadismaya sa boses ko. Sa totoo lang, nawalan ako bigla ng gana dahil hindi nanaman pala ako mapupuntahan ni Daddy ngayon.
"O sige. Tatawagan na lang kita kapag nandito na ang Mommy mo at handa na ang hapag kainan." Nakangiting sabi niya. Alam ko alam na niya ang totoong dahilan ko at pinipilit niya lang ngumiti ngayon para hawaan ako.
Pag-akyat ko ng kwarto ko ay kaagad bumungad saakin ang malaking picture naming tatlo. Hindi sila nakuhanan sa iisang lugar. Tatlong magkakahiwalay na litrato na pinagsama-sama kaya naging photo collage. Never ko pa sila nakasama sa iisang litrato. Pwera sa nag-iisang letrato noong mismong araw na ipinanganak ako ni Mommy. After that, wala na.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa bathroom para makaligo na. Habang nakalublob ang katawan ko sa bathtub at nakapikit ang aking mga mata ay tumutulo ang luha ko. Umiiyak nanaman ako sa iisang dahilan. Parehong dahilan mula pa noon. Umiiyak nanaman ako mag-isa, dahil parati silang wala para tanungin ako kung ano ba ang masakit o kung ano ba ang problema. Wala sila para punasan ang mga luha ko.
In the first place, hindi naman ako iiyak parati kung nandito sila.
"Sab, nandito na ang Mommy mo!" Kumatok si Nanay Elisa kaya mabilis kong pinahid ang luha ko at huminga ng malalim.
"Lalabas na ho ako. Magbabanlaw lang saglit." Sagot ko. Mabuti at hindi ako pumiyok dahil malalaman nanaman niya na umiiyak ako mag-isa.
Pagkatapos ko maligo at magbihis ay humarap muna ako sa salamin. "Nandyan na ang Mommy mo, Isabel Georgina, be good." Paalala ko sa sarili tsaka ngumiti. I am so proud of myself for being able to fake a smile, always.
Paglabas ko sa kwarto ay kaagad tumambad saakin ang kwarto ni Mommy.
"Nasa dining room na ang Mommy mo, Sab." Nilingon ko si Nanay Elisa at kaagad akong nag-cling sa braso niya.
"Bakit ang lamig ng kamay mo? Kinakabahan ka nanaman ba dahil makakaharap mo muli ang Mommy mo?" Tanong niya saakin. Tumango ako. Kilalang-kilala talaga ako ni Nanay Elisa.
"Huwag kang kabahan. Sigurado ako miss na miss ka na ng Mommy mo." Nakangiting sabi niya kaya ngumiti na rin ako.
Pagdating namin sa dining room ay nandoon na nga si Mommy. Mukhang pagod na pagod siya galing sa work at halatang wala pa kahit sandaling tulog. Napabuntong hininga ako, nakakaawa din siya minsan.
"Hi Mom!" Bumeso ako sa kanya tsaka tumabi. Ngumiti naman siya saakin.
"Isabel, shall we eat now? Pagod din kasi ako kaya gusto ko na kaagad makapagpahinga." Salubong niya saakin. Nginitian ko naman siya tsaka tinanguan.
"Sure, Ma." Sagot ko at sabay na nga kaming kumain. Wala man lang nagsalita ni-isa saamin. Ayaw ko magtanong dahil baka iyon ay hindi pa niya magawang sagutin. Alam ko namang pagod na siya dahil pati pagnguya niya ay hindi na niya magawa-gawa. She can barely chew her food.
Hinihintay ko na itanong niya kung kumusta ang naging araw ko. Hinihintay ko na sabihin niyang kwentuhan ko naman siya. Hinihintay kong ipaliwanag niya saakin kung bakit wala si Daddy ngayon. Hinihintay kong humingi siya ng tawad dahil wala nanaman silang pakialam saakin this past few months. Actually, let me rephrase that, wala pala silang pakialam saakin mula nang ipanganak ako sa mundong ito.
"I'm done. Mauuna na ako sa taas, Isabel. Hindi ko na talaga kaya at antok na antok na ako." Paalam niya saakin pagkatapos niya kumain at tumutok sa cellphone niya the whole time.
"Sure, Mom. Huwag ka kaagad matulog dahil kakakain niyo lang po. Good night. I love you, 'mmy." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nginitian naman niya ako tsaka tumalikod na.
Wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.
Napayuko ako at namalayan ko na lang na tumutulo nanaman ang mga luha ko. Hanggang kailan ko ba mararanasan ang ganito? Hanggang kailan nila ipaparamdam saaking isa lang ako sa mga pagkakamali nila? Hanggang kailan nila ako paparusahan?
"Tahan na, anak. Ako na lang ang sasabay sayo sa pagkain." Niyakap ako ni Nanay Elisa habang patuloy ako sa paghikbi ko. Nararamdaman ko rin namang lumuluha na rin siya.
Awang-awa din siya saakin.
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love
