Chapter 21: Isabel 2002

832 28 2
                                        

M A Y 1 4 2 0 1 8
mas mabilis ud kapag marami

comments.
-------------------- 👪 ---------------------

Kathryn's Point of View

"Lola, is it working? Am I on the camera now?" Tanong ni Sab sa Lola Min niya. Kita naman naming sumenyas si Mommy ng thumbs up kay Sab. Bago siya nagsalita ay inayos pa niya ang buhok niyang kaunti na lang ay makakain na niya.

"Arrggh! Lola, my hair is everywhere. Natatakpan na ang beautiful face ko." Maarteng sabi niya tsaka lalong ginulo ang buhok niya dahil sa inis. Pareho kaming marahan na natawa ni DJ.

"Sab, I thought you're going tell your Mom and Dad a story. Ipitan mo kasi yang buhok mo. Ayaw mo naman kasi ipa-cut para hindi nakaharang sa beautiful face mo." Panenermon ni Mommy sa kanya.

"Lola, gusto ko kasi I am with Mommy kapag nagpa-cut ako ng hair. I will tie it muna." Ngumuso si Sab habang tinatali ang buhok niyang hanggang sa bewang na niya. Halata ang New York accent niya kahit nagtatagalog siya dahil doon na siya ipinanganak at doon siya nag-aaral ngayon.

{imagine na black hair niya oki?}

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

{imagine na black hair niya oki?}

"Anyway, I'm sorry for that Mommy and Daddy. This video wasn't about my hair covering my pretty face. In fact, it is about my excellent stamp from school. Tadaaaa!" Ipinakita niya sa camera ang likuran ng palad niya kung nasaan ang star stamp na nakuha niya. "My teacher said I did great introducing myself that's why I got an excellent stamp. Tapos Mommy and Daddy may best friend na po ako, ang bait niya kasi shinare niya sakin yung food niya tapos shinare ko rin po siya ng food na pinripare ni Lola for me. Tapos Mommy, yung mga classmates ko sinundo ng Mommy at Daddy nila then they asked me where were you tapos sabi ko busy kayo kaya hindi niyo muna ako masusundo. Pero diba po soon kayo na ang magsusundo saakin? Uhhmm ano pa ba kukwento ko, Lola?" Baling nanaman niya kay Mommy na mukhang nasa likod lang ng camera.

"Ikaw bahala, apo. Ano pa ba ang nangyare sa school?" Tanong ni Lola. Napahawak naman si Sab sa baba niya at marahan pang tumingala habang nakanguso at tila nag-iisip ng malalim.

"Wala na po eh." Nakanguso pa rin niyang sabi. Tila may humaplos sa puso ko habang pinapanood siya. I missed everything in my daughter's life. "That's enough na, Lola. I want to rest na rin. Mommy and Daddy, I will cut this video na ha? I can't think of anything to tell you eh. I miss you so much and I love you!" Nagflying kiss siya sa camera bago niya tinakpan at doon na nga natapos ang video niya.

Kumuha ako ulit ng isa at pinanood namin iyon.

"Is it working, Lola?" Bungad nanaman niya habang nakatingala at parang naiinip na.

"It's recording, Sab." Nagliwanag ang mga mata niya tsaka ngumiti sa camera.

"Hi Mommy and Daddy! I am here again and Tita Magui came over and she curled my hair. Sabi niya ang beautiful ko daw po. Did you like it, Mommy and Daddy? I think I like it. Anyway, nothing super interesting happened to me today except for Tita Magui's visit. Byeeee!" Then namatay na yung video kaya kumuha ako ulit at isinalang.

i have a secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon