Chapter 29: lola georgia

702 22 1
                                        

J U L Y       1 4      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Anghel's Point of View

"Naghihintay pa rin ako hanggang ngayon, Inna ng mga magiging anak ko. Dito lang ako, ha?" Pagkausap ko sa litrato ni Inna na nandito sa kwarto ko. Papasok na ako sa school ngayon. Mag-iisang buwan na mula nang umalis sina Inna ng bansa. Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nang huli ko siyang makausap.

Magiging busy daw siya sa medication kaya hindi kami gaanong makakapag-usap. Tinry ko tanungin sina Tita Kath pero wala din akong nakuhang sagot. Tinanong ko sina Lola Min at ang sabi nila wala pa daw silang balita.

Kaya heto, wala naman akong ibang magagawa kung hindi magdasal at maghintay sa pagbabalik niya. Nakakakaya ko pa naman dahil naniniwala ako sa pangako niya saaking babalik siya.

Sa KFIS naman, hindi rin ako gaanong nahirapan mag-adjust. Mababait lahat ng estudyante doon. At nakakasama ko rin kasi sina Cloud na kilalang-kilala sa buong campus kaya madami-dami na rin ang mga kaibigan ko. Nadagdagan ng dalawang kulugo ang barkada namin, si Ryker at Miguel. We get along pretty well. Nanatiling nag-iisang babae sa barkada si Tala. Dapat daw ay silang dalawa lang ni Inna ang prinsesa ng grupo, which everyone agreed on. Sumali din ako ng varsity team sa basketball dito para may pagkaabalahan naman ako. Kaagad nga nabilib saakin yung coach namin kaya ace player na ako ngayon. Ang dami na ring nangyare sa loob ng isang buwan. Talagang ginawa kong busy ang sarili ko para huwag ko parating naiisip ang kalagayan ni Inna.

Iniisip ko na lang na maayos ang lagay niya ngayon. Magiging maayos ang operation niya. Babalik siya saakin at mas magiging masaya kami.

"Anghel, anak, kumain ka muna bago pumasok." Pang-aaya saakin ni Nanay. Sinaluhan ko naman sila sa almusal na hinanda niya at nagtanong nanaman sila kung kumusta na si Inna at kung may balita na daw ba ako sa kanya.

"Wala pa, Nay. Tinanong ko na rin sina Lola Min, hindi pa daw nila makontak sina Tita Kath." Sagot ko. Nginitian ako ng nagpapalakas ng loob ni Nanay tsaka tinapik naman ako sa balikat ni Tatay.

"Malakas ang batang yun, kayang-kaya niya lahat ng pagsubok na ibabato sa kanya. Sana ganun din ang gawin mo, anak." Pagpapalakaa ng loob saakin ni Nanay.

Nginitian ko siya bilang sagot ko. Araw-araw ay ganyan ang sinasabi nila saakin. Malamang ay gabi-gabi nila akong naririnig umiiyak habang kausap ang litrato ni Inna. Namimiss ko na kasi ang abnormal na yun eh. Hindi man lang mag-message saakin. Kapag talaga umuwi yun dito ng Pilipinas ay pakakasalanan ko na siya. Bahala na ang mga magulang namin kung anong gagawin nila saakin.

Nagpaalam na ako kina Nanay at nagtungo na sa school. Sisimulan ko nanaman ang panibagong araw na wala si Inna sa tabi ko.

OoooOoooOooo

Kinabukasan ay nagkaroon kami ng buong araw na practice sa basketball dahil malapit na ang laban namin. Puspusan na nga kami sa ensayo, pagod na ako pero yakang-yaka pa naman.

"Anghel, here's your new uniform." Hinagis saakin ni coach ang isang gym bag na may laman na jersey uniform ko. Tatlo na ang uniform kong ganito na mula sa school. Napakagalante talaga nila at wala kaming binabayaran ni singkong duling.

"Salamat, Coach!" Sigaw ko at pinakyu lang ako. Natawa lahat ng teammates ko. Ewan ko ba kay Coach kung bakit ganun saamin, ang lakas ng trip.

OoooOoooOooo

"Anghel! Angheeeeeel!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Tala mula sa labas ng kwarto ko. Bigla akong kinabahan dahil hindi naman dati pumupunta si Tala dito. May masamang nangyare kaya?

i have a secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon