Chapter 30: happy or tragic

644 18 2
                                        

J U L Y       2 0        2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Anghel's Point of View

Linggo ngayon at kakatapos lang namin magsimba nina Nanay at Tatay. Nandito ako ngayon sa bahay nina Lola Min dahil ang sabi daw ni Tita Kath ay tatawag sila ngayon. Ang tanging panalangin ko kanina ay sana naging maayos ang operasyon ni Inna noong isang araw. Kabadong-kabado ako nang malaman kong kasalukuyan siyang nasa operating room noon.

At ngayon pa lang namin malalaman kung ano ang nangyare. Kung naging maayos ba ang operasyon o hindi. Pero sana, sana naging maayos ang lahat para makauwi na sila dito.

"Kumain ka na ba, apo?" Tanong saakin ni Lolo Ted. Napangiti ako dahil sa itinawag niya saakin. Talagang parte na ako ng pamilya nila.

"Kanina pa po, 'Lo, pero busog pa naman." Sagot ko. Lumapit siya saakin at tumabi.

"Nagluto ang Lola Min mo ng paboritong ulam ni Sab. Kung nandito yun, unang-una siya tatakbo papunta ng dining at makakailang sandok ng sinangag." Natatawang kwento ni Lolo saakin.

"Alam mo Anghel, kung anuman ang maging resulta ng operasyon ni Sab, tanggapin na lang natin iyon. Kung pangit man iyon o maganda. Ganun talaga ang buhay eh, mahirap tanggapin ang masakit na katotohanan pero kailangan." Napalingon ako kay Lolo dahil sa sinabi niya. Medyo naguguluhan ako at hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating saakin.

"Hindi ko gets, 'lo." Napapailing na sabi ko tsaka pinaglaruan ang daliri ng kaliwang kamay ko.

"Ang sabi ni Kathryn saamin bago maoperahan si Sab, 10% lang daw ang tyansa na maging successful ang operation niya. Pero pinilit ni Sab ituloy dahil iyon daw ang pangako niya sayo. Babalik naman daw siya para sayo, para saatin. Kaso maging ang Doctor ay hindi na naniniwala na kakayanin pa ni Sab ma-mabuhay pagkatapos ng operasyon." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Lolo Ted. Anong sinasabi niya?

"Anghel.." Napalingon ako kay Tita Chrysler nang magsalita siya. Nasa harapan ko na pala silang lahat. Umiiyak sila. Hagulgol na nga si Ate Lhexine samantalang tulala si Tito Kevs. Namamaga ang mga mata ni Tito JC at Tita Magui.

"Tita, anong nangyare sainyo?" Natatawang sabi ko. Mukha kasi silang timang na namatayan. "Nag-aartista na ba kayong lahat at galing kayo sa shooting?" Tanong ko pa sa kanila. Naramdaman kong hinawakan ni Tita Kaye ang mga kamay ko.

"Anghel, wala na si Sab..." Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi alam kung nabingi ba ako bigla dahil sa sinabi niya saakin. Nakatulala lang ako pagkatapos niyang sabihing wala na si Inna.

"T-tita, joke lang to diba? Nasaan po si Inna? Ang sabi niya saakin babalik siya. Nangako po siya, sabi niya makakasama ko pa siya habangbuhay. Diba, Tito Kevs, narinig mong sinabi niya saakin yun nung hinatid natin sila sa airport? Diba?" Nilingon ako ni Tito Kevs tsaka pilit pinapaupo.

"Anghel, kumalma ka.." Bulong niya saakin at pilit pinipigilan magbreak down. "Wala na si Sab. Naging sucessful ang operation niya kaso hindi rin niya kinaya at binawian ng buhay." Matigas na sabi ni Tito Kevs.

"Tito, hindi totoo yan. Nangako siya saakin, sabi niya hindi niya ako iiwan." Nakisama na rin si Tito JC at Tito Jordan sa pagpapakalma saakin hanggang sa napaupo na nila ako. Itinukod ko ang mga siko ko sa tuhod tsaka sinalo ang noo at sinabunutan ang sarili ko. "Sabi niya tutuparin pa namin yung pangako namin sa isa't isa. Ang sabi niya, magpapakasal pa kami diba?" Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko kasabay ng pagkawasak ng puso ko.

"Anghel, anak.." Narinig ko ang boses ni Nanay pero hindi ako nag-abala iangat ang tingin sa kanilang lahat. Niyakap niya ako at ramdam ko na nasasaktan siya dahil sa nalaman niya pero mas nasasaktan siya dahil nakikita niya akong nasasaktan.

"Nay, diba babalik saakin si Inna? Sabi mo malakas siya at kakayanin niya yun." Ayaw kong maniwala na wala na talaga siya. Ayaw kong maniwala na iniwan na niya ako ng tuluyan. Hindi totoo na wala na si Inna.

"Nagsinungaling siya, Nay. Hindi niya tinupad ang pangako niya saakin. Sinungaling siya. Iniwan niya ako, sinaktan, ang unfair niya. Ang unfair unfair niya." Hagulgol ko. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba ipagpatuloy ang buhay ko.

OoooOoooOooo

Lumipas ang isang linggo. Hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi sina Tito DJ. Hindi ko alam kung bakit. Wala na akong balita sa pamilya nila. Hindi na rin kasi ako gaanong nakakapasok sa school. Madalas kong ubusin ang oras ko sa mga bar. Kapag sinusubukan akong kausapin ni isa man sa pamilya niya ay kaagad akong umiiwas.

Ayaw ko na silang makita. Naaalala ko lang si Inna. Nangako sila saakin na ibabalik nila saakin si Inna. Eh nasaan si Inna ngayon? Ayun, patay na! Putangina, nangako kasi sila saakin na kukuha sila ng pinakamagaling na doktor na oopera kay Inna tapos ano na ngayon? Wala pa rin!

Dapat kasi hindi na siya pinilit sumama nina Tita Magui at Ate Lhexine pumunta ng Korea. Dapat hindi na nila ginawang kapalit yun para masolo ko siya dahil panigurado hindi ko rin naman siya hahayaan malayo saakin noong mga panahong iyon. Edi sana kasama ko pa siya hanggang ngayon.

Dapat hindi na lang siya nagmatigas at tinakasan pa sina Tita Magui. Edi sana hindi yung sirang eroplano ang nasakyan niya. Edi sana kasama ko pa siya ngayon.

Putangina puro na lang edi sana! Puro na lang ganun! Kaso wala na! Huli na ang lahat at wala na akong magagawa. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan para baguhin ito. Wala na!

Dapat hindi ko na lang siya pinilit sumama kina Tita Magui noon. Ayaw din naman kasi niyang umalis noon. Naging makasarili ako. Pinilit ko siya sumama para masolo ko siya right after nila mag-Korea.

Ang tanga-tanga ko!

"Ang daya-daya mo, Inna! Magaling ka lang sa pang-iiwan at pananakit saakin. Hindi mo man lang inisip itong feelings ko. Puro na lang ako ang umiintindi sayo. Tangina, paano naman ako? Paano na ako ngayon? Iniwan mo ako. Iniwan mo na lang ako basta." Napasalampak ako sa damuhan pagkatapos ko magsisisigaw ng hinanakit ko kay Inna. Nandito ako ngayon sa isang malayong lugar. Hindi ko na rin alam kung saan ako napadpad. Basta ang gusto ko lang ay makalayo.

"Tangina, ang sakit. Gusto ko ng tumigil yung sakit, Inna.." Iyak lang ako ng iyak habang nakayuko. Malapit ko na rin maubos ang isang case ng beer na dala ko.

"Dapat isinama mo na lang ako. Hindi ko rin naman kakayanin ng wala ka sa tabi ko." Muli akong lumagok sa bote ng beer na hawak ko habang hinayaan na tumulo ng tumulo ang luha sa pisngi ko.

That night, doon ako natulog sa may bundok kung saan kitang-kita ko ang langit na punong-puno ng mga maliliwanag na bituin at ang buwan na nakangiti saakin.

"Sabihin mo naman saakin na okay at masaya ka na dyan, Inna. Para maipagpatuloy ko pa itong buhay ko." Ang huling pakiusap ko sa kanya bago ako tuluyang nakatulog.

-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love

i have a secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon