Chapter 16: the deal

705 21 1
                                        

M A Y      0 5      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Isabel's Point of View

"Saaaaaaab, let's go na kasi!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil narinig ko nanaman ang boses ng Ate kong maarte at ang Tita kong maarte na si Tita Magui at Ate Lhexine.

"Ayoko nga pooooo, give me peace, please." Binalot ko ang sarili ko sa comforter tsaka babalik na sana sa tulog nang biglaaaaang,

"ISABEEELLLLL!" Sabay nilang sigaw tsaka pinaghihila ang comforter ko. Diyos ko, bakit niyo ho ako binigyan ng maarteng Ate at Tita?

"Ayaw ko nga pumunta ng Seoul Koreaaaaa, gusto ko dito lang sa Pilipinas. Kaya shoo!" Pagtaboy ko sa kanila. Kinukulit ako na magbakasyon nanaman sa Korea. Last summer ang sabi nila sa Japan lang kami pupunta, eh napadpad kami ng Hong Kong, Singapore, at New Zealand ha. Nakakaloka sila mag-travel.

"Please, Sab? Nakabili na kami ng ticket, sayang naman yun." Nakanguso niyang sabi. Wow ha, eto na nga ba ang sinasabi ko. Syempre ayaw ko naman masayang yung pera kaya wala akong choice.

OoooOoooOooo

"Eh yun na nga, mapilit talaga yung dalawang yun minsan nakakagigil." Inis kong sabi tsaka sumubo sa pagkain ko.

"Hayaan mo na. Gusto ka lang talaga makabonding nung dalawang maarte." Sabi naman saakin ni Anghel. Inirapan ko lang siya. Imbes na pigilan niya ako umalis, sinusuportahan pa niya yung dalawang maarte.

"Ayaw mo ba ako makasama this summer?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre gusto, konti na nga lang at itatali na kita sa tabi ko. Pero kasi nakiusap ako sa kanila na sosolohin kita after ng Korea trip niyo." Nakangusong sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga? Anong sabi nila?" Tanong ko sa kanya.

"Oo daw basta sama ka muna sa kanila. Ang sabi nila two weeks lang naman kayo doon. Ang tagal nga eh kaso syempre tiis gwapo muna ako dahil two weeks din naman kitang masosolo." Nakangising sabi niya kaya binato ko ng isang butil ng kanin. Ang hangin talaga kahit kailan. Anong tiis gwapo naman?

"Wag kang dugyot, baby. Bad nagsasayang ng food." Binaby talk nanaman niya ako kaya inirapan ko siya. "Wag ka kasi mahangin, baby, baka matangay ako. Sige ka mawawala na ako sayo." Natatawang sabi ko at siya naman bumato saakin ng asukal na para sa kape namin.

"Wag ka ring dugyot, baby. Bad yan diba?" Paggaya ko sa ginawa niya kanina.

"Alam ko naman na mamimiss mo ako kaya ayaw mo sumama kina Ate Lhexine at Tita Magui, pero baby, tiisin mo muna para masolo mo na ako ng two weeks." Sinamaan ko nanaman siya ng tingin at todo pigil na huwag ko ibato sa kanya ang hawak kong tasa na puno ng mainit na kape.

"Saan ba tayo punta?" Tanong ko sa kanya.

"Siargao." Tinaas baba pa niya ang kilay niya na parang nang-aakit. Bwiset na to pumayag sina Tita na sumama ako sa kanya sa Siargao? Ano pinakain niya sa mga yun at napapapayag niya?

"Paano kung ayaw ko sumama sayo?" Pagbibiro ko. Sumimangot siya tsaka ako sinamaan ng tingin.

"Baby, your road ha." Nakasimangot niyang sabi.

"You're acting like a...ked." Natatawang sabi ko rin kaya tumawa na rin siya.

"Oh siya na, una na ako. Mag-iimpake pa ako. I'll see you at the airport then?" Tanong ko sa kanya. Ipinulupot naman niya ang braso niya sa bewang ko kaya inilagay ko ang braso ko sa batok niya.

"I'll see you at the airport." Sagot niya tsaka ako hinalikan sa labi.

"Ehem. Nandito ako para sunduin si Sab." Napalingon ako sa nagsalita at sabay nanlaki ang mga mata ko.

"Omgggggg! Tito Jordan?" Napatili ako tyaka napayakap sa kanya. Si Tito Jordan ay tatlong taon lang ang tanda niya saakin pero Tito ko siya dahil pinsan siya ni Daddy. "Kailan ka pa umuwi?" Tanong ko.

"Kanina lang. Kaagad nga sinabi saakin ni Ate Lelay na nandito ka kaya ako na ang nagsundo sayo. Shall we?" Tanong niya saakin. Bumaling naman ako kay Anghel na nakakunot ang noo.

"Anghel, si Tito Jordan, ang pinakacute sa lahat ng Tito ko. Tito Jordan, si Anghel, boyfriend ko." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

"Correction, pinakagwapong Tito niya. Nice to finally meet you, Anghel." Natawa kami pareho ni Anghel dahil sa sinabi ni Tito Jordan.

"Correction din po, ang pinakagwapong lalake sa buhay ni Inna at future husband niya, Anghel." Mas lalo akong natawa dahil sa banat ni Anghel. So, ayun, kaagad silang nagkasundo dahil hindi naman nalalayo ang edad namin sa isa't isa.

"Una na kami, bro." Paalam ni Tito Jordan kay Anghel. "Ingatan mo, bro. Pakakasalan ko pa yan." Sabi pa ng loko-lokong Anghel.

"Oo naman." Sagot ni Tito.

"Bye, baby. Una na kami." Muli nanaman akong hinalikan ni Anghel sa labi at tuluyan na pinakawalan.

"Sab, pwede bang huwag mo na akong tinatawag na Tito? Kuya na lang, pakiramdam ko kasi ang tanda ko na kapag tinatawag akong Tito." Frustrated na sabi naman ni Tito Jordan.

"Okay, Kuya." Natatawang sabi ko at pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng sasakyan niya.

"I heard you're flying to Korea?" Tanong niya saakin habang diretso ang tingin sa kalsada.

"Yeah. It was Ate Lhexine at Tita Magui's idea." Sagot ko.

"Yang Tita Magui mo konti na lang doon na tumira. Nandoon siya most of the time." Natatawang sabi niya kaya natawa na lang din ako. Totoo yung sinabi niya, sa sobrang pagkaadik ni Tita Magui sa mga Kpop at Kdrama, namamalagi na siya sa Korea. Kaadikan eh.

"At buti naisipan mo umuwi, Kuya?" Tanong ko sa kanya at imephasize pa ang pagtawag ko sa kanya ng Kuya. Tuwang-tuwa na siya niyan at pumapalakpak na ang mga tenga niya.

"Hindi na nga ako nakaabot ng graduation mo eh. Hindi ako nakakuha ng mas maagang flight." Sagot niya. Napatango-tango na lang ako. Noong nakatira pa ako sa NYC, kasama ko doon si Tito Jordan at same school kami na pinapasukan.

"How's Kuya DJ and Ate Kath?" Tanong niya saakin. Kaagad naman akong napalingon sa kanya. Hindi ba niya alam yung nangyare three years ago?

"Oh! Right, oo nga pala, ayaw ka na ipakita nina Tita Min at Tita Karla sa kanila. They deserve that. Napakaselfish nila." Peke naman akong napangiti. Pagkatapos nun ay nabalot na ng katahimikan ang buong byahe at nakarating na din kami sa bahay.

Inabutan ko si Ate Lhexine at Tita Magui na nasa living room. Si Ate Lhexine at inaayos ang nails niya at si Tita Magui naman ay nakaharap sa laptop habang nanonood ng mga Kpop.

"Hey, Sab, nakapagimpake ka na ba?" Tanong saakin ni Ate Lhexine.

"Hindi pa. Mamayang konti." Sagot ko.

"Now na. Go upstairs at nandoon na ang mga bagong coat na binili namin for you." Sabi naman ni Tita Magui. Kung usapang kaartehan lang, spoiled ako sa dalawang to.

"Akyat muna ako, Kuya." Paalam ko kay Tito Jordan. Tinanguan naman niya ako kaya umalis na ako.

"Hoy kayong dalawa, alagaan niyo si Sab doon ha? Kadarating ko lang dito para sa kanya tapos ilalayo niyo lang pala siya saakin. Puro kayo arte!" Dinig kong sabi ni Tito Jordan dun sa dalawa sabay walk out.

"Aba parang siya pa ang matanda saatin ha?" Napapailing na sabi ni Tita Magui. Napapailing na lang din ako sa kakulitan nila.

Pagdating sa kwarto ko ay nakita ko ang dalawang coat na binili daw saakin nina Ate Lhexine. Kulay itim at baby pink ang kulay nila.

Pagtingin ko ay napabuntong hininga na lang ako, sasama na ako para magpalamig na rin doon. Nakaka-heat stroke ang init dito sa Pilipinas.

Inilabas ko na ang itim kong luggage at pinuno ng mga gamit ko. Mga damit na pangmalamig na klima at yung favorite kong cosy socks at comfy elephant onesie.

Pagkatapos ko mag-impake ay nakatulog ako saglit. May ilang oras pa naman ako para matulog at humilata muna sa kama ko. Ilang linggo din akong mawawala, mamimiss ko to.

-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love

i have a secret.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon