M A Y 0 4 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------
Isabel's Point of View
"I love you pala ha?" Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.
"Anghel?"
"The one and only, your pinakahandsome na guardian anghel." Nagpose pa siya na para bang siya si Daniel Padilla. May papungay-pungay pa siya ng mga mata at pasuklay sa buhok gamit ang daliri.
Binatukan ko nga.
"Hayop." Inirapan ko siya at nilampasan. Nagtatampo ako kahit na binanggit ko siya sa speech ko kanina.
"Hala siya, na-hayop pa ako." Kakamot-kamot ulo siyang sumunod saakin. "Galit pa saakin ang Inna ng mga magiging anak ko?" Tanong niya tsaka nagpunta sa harapan ko kaya napatigil ako.
"Wag ka na magtampo. Nandito kaya ako the whole time." Tumingala ako tsaka siya sinamaan ng tingin.
"Nandito ka the whole time eh nasaan ka kaya the whole week?" Tanong ko tsaka humahukipkip sa harapan niya. Bumuntong hininga siya tsaka hinawakan ang kamay ko.
"May inasikaso kasi ako kaya nawala ako bigla." Ngumuso siya na parang nagpapaawa.
"Hindi man lang makapag-iwan ng text kahit isa?" Tanong ko.
"Kasi nga.." Tinaasan ko siya ng kilay at naghihintay ng sasabihin niya. Tatadyakan ko talaga siya kapag hindi ko nagustuhan ang sagot niya.
"Kasi nga ano?" Tanong ko tsaka winaksi ang kamay niyang nakahawak saakin.
"Kasi nagpapamiss ako sayo tsaka inaasikaso ko din yung college application ko tapos naghahanap ako ng work this summer para may pera naman ako pang-date sayo. Inalagaan ko rin kasi si Nanay dahil nagkasakit tapos si Tatay namamasada kaya walang naiiwan kay Nanay, hindi ko na naisip yung phone ko dahil sa sobrang aligaga at pag-aalala kay Nanay. Sorry na, baby, kasalanan ko dahil nakalimutan kita tawagan or itext man lang. Sorry po, hindi na mauulit, promise, peksman, cross my heart." Tinaas pa niya ang kanang kamay niya na parang nagpapanata habang nakanguso. Tinitigan ko lang siya saglit habang nakahalukipkip pa rin.
"Babe, sorry na. Hindi mo na ba ako mapapatawad?" Tanong niya tsaka pilit hinahawakan ang kamay ko at kunwari pa siyang naiiyak.
Bumuntong hininga ako tsaka hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Paanong hindi ko mapapatawad ang napakagwapo kong guardian angel eh miss na miss ko na siya?" Itinapat ko ang mukha ko sa mukha niya tsaka pinagkiskis ang mga ilong namin.
"I missed you." Nakanguso kong sabi. Nagulat naman ako nang bigla niya akong halikan sa labi ko.
"Sige, nguso pa more habang ilang centimeters lang ang layo ng mukha natin sa isa't isa." Pang-aasar niya saakin kaya inihilamos ko ang palad ko sa mukha niya.
"Chansing ka talaga." Nakasimangot na sabi ko. Kinurot lang niya ako sa pisngi tsaka inakbayan.
"Mahal mo naman." Nakangising sabi niya at litaw nanaman ang mga dimples niyang kinababaliwan ko.
"Inna!" Napalingon kami ni Anghel sa sumigaw ng pangalan ko.
"Oh, Snow." Lumapit siya saakin tsaka ako nginitian.
"Yung memory card ng dslr ko, here, nandyan lahat ng photos. Ikaw na ang bahala magpost sa page ng school. Thank you! At ang cute niyong dalawa! Congrats and bye!" At nagmamadali na nga siyang umalis. Okay, ang ewan talaga nun. Snow was our Auditor sa SSG noon. Hindi lang namin sila nakakasama sa circle namin nina Tala dahil apat lang talaga kaming magkakabarkada. Naging close lang namin sila dahil nga sa officers kami lahat.
