M A Y 0 1 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------
Isabel's Point of View
Anong oras na rin nang matapos namin linisin ang event hall. Nagpasundo na ako sa driver ko dahil na rin sa pagod. Pakiramdam ko ay makakatulog ako sa byahe kahit na malapit lang naman ang bahay.
"Una na kami, Inns. Hintayin mo pa driver mo?" Tanong saakin ni Cloud. Nginitian at tinanguan ko naman siya. Kumaway na ako sa kanila at naupo dito sa may waiting sched.
Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ang driver ko kaya kaagad akong sumakay at humilata.
Ilang minuto lang ay nakarating kami sa bahay. Ubos na ubos ang energy ko dahil sa dami ng ginawa ngayong araw.
"Isabel, tonight is the arrival of your Lola Min and Lola Karla, I want you--"
"Mommy, please, huwag ngayon. I'm freaking tired and my whole body is aching for my bed. Alam ko na ang dapat kong sabihin kina Lola if ever they ask me about you. So, please, let me rest." Pagputol ko sa sasabihin niya. Kaagad akong umakyat sa kwarto ko bago pa niya ako pigilan. Mabuti at hindi ko na nakita si Daddy. Kung hindi ay papagalitan niya ako dahil sa ginawa kong pagputol sa sinasabi ni Mommy.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay kaagad kong ni-lock ang pintuan, nagpahinga, naligo, at nahiga na sa kama ko. Ipipikit ko na dapat ang mga mata ko nang magvibrate bigla ang cellphone ko.
From: guardian anghel
Good night, Inna ng mga magiging anak ko. Congrats!
Hindi na ako nakapagreply dahil antok na antok na talaga ako.
OoooOoooOooo
Morning came. Nagising ako dahil sa katok na naririnig ko sa labas ng kwarto.
"Sab, wake up. Breakfast is ready." Boses pa lang ay alam ko na kung sino ang kumakatok. Kaagad akong napangisi. Of course she will be that gentle. Panigurado ay nandito na sina Lola Min at Lola Karla kaya siya ang umakyat dito at gumising saakin.
"I'm coming, Mommy!" Sagot ko na lang. Tumayo na ako at sinuklayan ang buhok ko, I put it in a messy bun then brush my teeth and wash my face. Pagkatapos ay lumabas na ako kahit nakapajamas pa ako. Wala naman pasok ngayon kaya balak ko magstay sa loob ng kwarto ko habang nakapajamas. I will spend my day watching Netflix again.
"Good morning, Sweetie!" Nakangiti kong sinalubong si Lola Min at niyakap. "I missed you." Humalik siya sa pisngi ko at kumalas na sa yakap.
"Where is my little princess?" Narinig ko ang malakas na boses ng isa ko pang Lola. Ang pinaka-cool kong Lola.
"Lola Karlaaaa!" Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. Kaagad naman akong naging komportable dahil para lang akong niyakap ng unan ko. "I missed my little princess. Yung pasalubong mo galing saamin ni Lola Min is nandoon na sa living room." Nakangiting sabi niya kaya kaagad akong nagtungo doon. Sumunod naman silang dalawa saakin.
"Good morning, Sab!" Natigilan ako nang makita si Mommy at Daddy na nakangiti saakin. Nakayakap si Daddy kay Mommy mula sa likuran. Ngumiti lang ako sa kanila at lumapit na sa mga pasalubong na bigay nina Lola saakin. Ayaw ko na makipagplastikan sa mga magulang ko. Nakakatanga.
"Lolas, nasaan po ang mga Lolo ko?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"They went out, sweetie. Ang sabi nila ay may bibilhin daw sila sandali." Sagot ni Lola Min saakin kaya tinanguan ko siya.
"How's your stay with your parents, Sab?" Tanong saakin ni Lola Karla. "I heard, dito daw nagstay si Daddy mo for one month." Pagpapatuloy pa niya. Syempre hindi totoo yun. Kung totoo man ay hindi ko alam dahil ako ang wala dito sa bahay namin. Pero hindi na nila kailangan malaman pa iyon.
"Ahh yes, Lola Karla. Actually, we're doing fine." Sagot ko sa kanya. Napatango-tango naman siya. Nagpatuloy lang sila sa kwentuhan at tawanan dahil matagal din nawala si Lola Karla. Ang busy kasi kakatravel kung saan-saan. Busy din siya dahil artista siya tulad nina Mommy and Daddy. Pamilya ng artista si Dad while Mom, siya lang. Lola Min and Lolo Teddy focused on their business and children.
"Where is our Sab?" Napalingon kaming lahat sa pintuan nang marinig koang boses nina Lolo Rommel and Lolo Teddy.
"LOLO!" Tumakbo ako palapit sa kanila tsaka sila dinambahan ng yakap.
"We bought flowers and chocolates for our beautiful princess." Inabot nila saakin ang isang bouquet ng sunflower and isang box ng chocolates.
"Nako Rommel, bakit may tsokolate pa?"
"Ted, I told you huwag ispoil sa unhealthy food si Sab."
Sermon sa kanila ng mga Lola ko. Nangamot naman ng ulo yung dalawang matandang lalake kaya natawa ako. Kaya minsan naiisip ko, hindi ko na kailangan sina Mommy and Daddy because I already have them. Nandyan na rin si Nanay Elisa at nadagdag pa ang pamilya ni Anghel. Kung tutuosin, kailangan puno na ako ng pagmamahal mula sa mga taong nakapaligid saakin. Pero ewan ko ba, minsan din kasi naiisip ko kung paano ba magmahal ang mga tunay kong magulang. I want to feel their love kaso ipinagdadamot nila saakin yun.
Few hours had passed, nagpaalam na sina Lola dahil mga busy na tao sila. Pag-alis nila ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. Inilagay ko sa flower vase ang sunflowers na bigay nina Lolo saakin at sa mini fridge ko ang isang box ng chocolates.
Dumapa ako sa kama ko at binuksan ang laptop ko. Itutuloy ko na ang pinapanood kong series sa Netflix. Naging busy ako sa school kaya hindi ko na natapos.
"Isabel." Narinig ko nanaman ang boses ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako tsaka siya pinagbuksan.
"We want to say thank you for not telling them anything." Bungad niya saakin.
"That's nothing. May sasabihin pa po ba kayo?" Tanong ko.
"Wala na. Aalis na rin kami dahil may shooting pa kami." Nginitian at tinanguan ko lang siya at sinarado na ang pintuan ng kwarto ko.
Ano pa ba ang bago? Parati naman silang umaalis. Wait, may bago pala dahil nagpaalam sila saakin this time.
OoooOoooOooo
"No! Wala ako sa bahay ngayon kaya hindi kayo makakapunta saamin. Next time na lang." Todo tanggi ako kay Tala na huwag pumunta dito saamin. Hindi naman kasi niya alam ang bahay namin. Tanging si Anghel pa lang ang nakakaalam kung saan ako nakatira.
"Grabe, Inns, alam mo bang grade one mo pa sinasabi yang next time kapag nagyayaya kami sainyo? Ano ba ang meron sa bahay niyo at ayaw mo kaming papuntahin dyan? Nababagot na ako dito sa bahay namin." Napairap dahil sa sinabi niya. Wala naman kasi akong ibang bahay na mapagdadalhan sa kanila. Hindi pwede dito dahil baka bigla na lang umuwi si Mommy at makita nila.
"Basta, next time na. Maglinis ka ng bahay niyo para hindi ka mainip." Binabaan ko na siya ng tawag bago pa siya makaangil saakin.
Napabuntong hininga na lang ako tsaka napatingin sa picture ko kasama sina Mommy at Daddy. Yung tatlong picture namin.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan niyo ako balak itago, Mommy and Daddy."
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love
