Chapter: Two

10 0 0
                                    

Chapter: Two

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw.

Nakailang kurap pa ako dahil nanlalabo 'yung paningin ko bago ako tuluyang nakaaninag at bumungad sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw na nagmumula sa bintana.

Napabangon ako at napahawak sa ulo ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman kong panaginip lang ang lahat. Pwew. Akala ko totoo na lahat ng 'yon. Pero, bakit gano'n? Bakit feeling ko totoo lahat ng nasa panaginip ko dahil bawat detalye na nangyari ay naaalala ko?

Napabuntong-hininga na lang ako. Kulang lang siguro ako sa tulog.

Tinignan ko naman 'yung suot kong damit at nagtaka ako dahil naka-uniform pa rin ako. Teka, hindi ba ako nagbihis kagabi pagkarating ko dito?

"Kasi nakatulog ka agad kagabi, Eris. And I want you to know na hindi panaginip ang lahat dahil totoong nangyari 'yon."

"Ay anak ng kabayo!"

Bigla naman akong napatalon mula sa kama ko dahil sa sobrang gulat.

Dahan-dahan ko namang tinignan kung sino 'yung nagsalita at nanlaki 'yung mga mata ko habang nakaturo 'yung daliri ko sa kanya.

"I-ikaw 'yung nasa panaginip ko, 'di ba?!" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"Hindi panaginip ang lahat, Eris."

Kunot-noo ko naman siyang tinignan.

"What do you mean?" tanong ko.

Pero imbes na sagutin 'yung tanong ko, he just snapped his fingers in front of me.

Agad akong napahawak sa ulo ko dahil sa sunod-sunod na pangyayari na bigla na lang rumehistro sa utak ko. 'Yung sa library, sa daan, dito sa apartment, at sa taas ng building.

Napaupo ako sa sahig.

Hindi panaginip ang lahat? I thought...

"Naniniwala ka na?" tanong niya bago umupo sa harap ko para magkasing-level na kami.

Napapikit ako. God, kung nananaginip pa rin ako, please pakigising na ako! Hindi ko na alam ang mga nangyayari.

Ang buong akala ko panaginip lang ang lahat. But Cupid's here, saying that everything was real and not a dream.

"Look, Eris. Pumayag ka na. Wala nang atrasan 'to," sabi pa niya habang diretsong nakatingin sa akin.

Ano bang kalokohan 'tong pinasok ko?

Tumayo naman ako bago umupo sa kama ko. "I know, pero pwede bang bigyan mo muna ako ng time para makapagisip-isip?"

Hindi naman kasi basta-basta 'tong mga nangyayari. Parang kahapon puro tungkol lang sa pagso-solve sa math ang pinoproblema ko, pero parang mas mahirap i-solve 'tong bigla na lang may susulpot dito sa apartment ko at sasabihing siya si Cupid at ako daw ang magiging apprentice niya.

What a life, right?

He nodded his head. "Okay. After your class, we'll talk again at ie-explain ko sa 'yo ang lahat. But before that, mag-ayos ka na. 'Di ba, may pasok ka pa?"

Agad naman akong napatingin sa orasan at halos mapamura ako nang makita kong maga-alas otso na pala. Wow, Eris. First time mong ma-late ngayon. Good job.

Tumingin naman ako kay Cupid dahil may sasabihin pa ako.

"Ah, teka Cupid--" may sasabihin pa sana ako sa kanya kaya lang bigla na lang siyang nawala sa harap ko.

Great. Just great.

---

"Aba, first time mong ma-late kanina, ah? Anyare sa 'yo?" tanong ni Sally pagkalabas na pagkalabas pa lang ng prof namin.

Cupid's Apprentice (On-going)Where stories live. Discover now