Chapter: Five

3 0 0
                                    

Chapter: Five

"Ocampo, Eris--"

"Ma'am, present!" sigaw ko nung saktong pagkadating ko sa pinto ng room namin ay pangalan ko na 'yung tinatawag.

Nag-excuse na lang ako sa prof namin bago dali-daling naglakad papunta sa upuan ko at pabagsak na umupo.

Agad akong kinalabit ni Sally.

"Aba. Napaka-unusual talaga kapag nale-late ka. Bakit ka ba kasi late, ha? Atsaka, bakit puro band-aid 'yang mga daliri mo? Nag-aadik ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong at agad ko namang itinago sa ilalim ng desk 'yung kamay ko nung mapansin niyang tadtad ito ng mga band-aid.

Argh. Kasalanan 'to ni Cupid, e! Paano, sobra-sobra 'yung pagte-training namin kahapon to the point na hindi ko na namalayan na madaling araw na pala kaya 'eto, 'eto ang resulta. Late na nga ako, puro sugat pa 'yung mga daliri ko dahil sa matatalas na edge nung mga arrows. Tsk!

"Wala! May nahawakan lang akong buhol-buhol na mga alambre kaya ganito," palusot ko at inilabas ko na lang 'yung notes ko sa history dahil nagsisimula nang mag-lecture ang prof namin.

"Hay, naku. Tatanga-tanga ka kasi lagi," sermon niya na ikinairap ko. "by the way, nakapag-review ka ba sa literature? Sana talaga nan'don sa test 'yung mga ni-review ko."

Gulat ko namang nilingon si Sally at ngayon ko lang naalala na may test nga pala kami sa literature. Ugh! Kapag ako talaga bumagsak sa mga subjects ko, isasaksak ko talaga kay Cupid lahat ng mga arrows niya! Kainis!

"Oh, oh! Alam ko 'yang mga tinginan na 'yan. Nakalimutan mo mag-review, 'no?!" mabilis ko namang tinakpan 'yung bunganga niya dahil lumalakas na naman 'yung boses niya. Mabuti na lang talaga at sa likod kami nakaupo kun'di ay baka marinig ni ma'am 'yung boses ni Sally na akala mo'y nakalunok ng sampung mega-phone dahil sa lakas ng boses.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo! Kapag tayo narinig ni ma'am."

Hindi naman na sumagot si Sally at nakinig na lang kami sa prof namin na nagle-lecture na ngayon.

After an hour ay dismissal na namin kaya sabay na kaming lumabas ni Sally papunta sa next class namin which is literature. Habang naglalakad kami sa hallway, ay naghahapit ako sa pagre-review pero walang tumatatak ni isa sa isip ko dahil hanggang ngayon ay nage-echo pa rin sa utak ko 'yung mga sinabi ni Heina at 'yung mga nangyari kagabi.

Nagulat naman ako nung bigla akong hinila ni Sally kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"B-Bakit?"

"Duh! Anong bakit? Muntik ka nang mabangga, oh!" sagot niya sabay turo sa isang ka-schoolmate namin na nakalagpas na. "Kulang ka ba sa tulog? Parang kanina ka pa kasi lutang," dagdag pa ni Sally.

Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim.

"Siguro nga," sabi ko at niyaya ko na ulit siyang maglakad.

Pagpasok namin sa room ay saktong dumating din si ma'am Carla na prof namin. Paupo na sana kaming dalawa ni Sally sa upuan namin nung tawagin niya kami.

"Miss Eris and Sally, come here, please," nagtataka naman kaming lumapit sa kanya ni Sally.

"Bakit po, ma'am?" tanong ni Sally.

"Well, the literary club needs help. Nagre-ready na sila ngayon for the upcoming literature-exhibit this coming saturday. And as one of the top of the class, miss Eris, excuse ka ngayon for the test para tumulong sa club. Is that okay?" paliwanag ni ma'am.

"Wait, ma'am. E, ano pong gagawin ko? Hindi naman ako kasali sa 'top of the class'?" tanong ulit ni Sally.

"You're excuse, too, miss Sally. You can help there, too, only if you want."

Cupid's Apprentice (On-going)Where stories live. Discover now