Chapter: Ten

3 0 0
                                    

Chapter: Ten

"Heina."

Napaatras ako palayo sa kanya hanggang sa maramdaman ko na ang pader na nasa likuran ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil sa presensya niya pero mas lalo yata akong kinabahan nang bigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti.

"We meet again, my dear. Aren't you happy?" tanong nito bago humakbang ng isang beses. Aatras pa sana ako nang maalala kong wala na pala akong aatrasan. Damn.

"Anong kailangan m-mo sa 'kin?" I tried my best to speak without stuttering but I failed. Masiyadong intense ang atmosphere ngayon dito sa banyo knowing na nasa harapan ko si Heina.

"Oh, dear. You know what I want," muli siyang humakbang palapit sa akin.

"D'yan ka lang," sabi ko kaya napahinto siya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo--agh," hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko, naramdaman ko na lang ang impact nang pagtama ng likod ko sa pader at ang isang kamay ni Heina na nasa leeg ko.

"Ang libro... nasaan ang  libro?" tanong niya kaya mabilis akong umiling. "Nasaan ang libro?" pag-uulit niya at hindi ko na nagawang umiling pa nang mas lalo niyang idiniin ang pagkakasakal sa akin.

Pinilit kong alisin 'yong kamay niya sa leeg ko pero masiyado na akong nakukulangan ng hangin kaya tanging paghawak na lang sa kamay niya ang nagawa ko.

Ilang beses na akong napamura sa isipan ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong anytime ay mawawalan na akong malay dahil sa pagsakal sa akin ni Heina.

"Just tell me where the hell did you hid the book?!" sigaw sa akin ni Heina pero masiyado na akong nanghihina para pansinin pa ang sinabi niya.

Sinubukan kong huminga ng malalim bago pumikit ng mariin at nagsalita sa isip ko.

'Damn, Cupid. I need your help.'

Pagkatapos kong sabihin 'yon sa isip ko ay unti-unti kong naramdaman ang pag-alis ng kamay ni Heina sa leeg ko.

"What the--"

Napadilat ako para tignan kung ano'ng nangyayari at napanganga ako nang makita kong pinalilibutan na ako ng puting liwanag dahilan para lumayo sa akin si Heina. Nang tignan ko kung saan nanggagaling 'yong liwanag ay napangiti ako. The necklace is now protecting me.

"You--" tinignan ko si Heina na hindi na magawa pang lumapit sa akin dahil sa liwanag. Nanlilisik na rin ang mga mata niya dahil sa galit pero hindi ko na magawang matakot dahil alam kong po-protektahan ako nitong kuwintas.

Pero maya maya lang din ay muli ko na namang nakita 'yong nakakalokong ngiti sa labi niya.

"For now, you're safe. But wait for me to come back, dear. You're not gonna love it," walang emosyon niyang sabi bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Unti-unti na ring naglalaho 'yong liwanag na bumabalot sa akin at nang tuluyan na itong mawala ay doon pa lang ako napaupo sa sahig habang habol-habol ang hininga ko.

Kailangan itong malaman 'agad ni Cupid.

Pinilit ko pang tumayo para makaalis na dito pero nanginginig pa rin 'yong mga tuhod ko. Sinubukan ko ulit na tumayo pero agad akong natumba nang manlabo 'yong paningin ko hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paligid.

---

"Eris? Eris?"

Tumagilid ako sa pagkakahiga ko nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin.

"Eris? Gising ka na ba?"

"Hmm," nakapikit kong kinapa 'yong pang-yakap ko na unan pero hindi ko nakapa sa kama. Nahulog ko siguro 'yon.

Cupid's Apprentice (On-going)Where stories live. Discover now