Chapter: Nine

2 0 0
                                    

Chapter: Nine

"Alex, ito nga pala si Ivan. Siya 'yong magiging photographer. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa gagawin niya," sabi ko kay Alex na parang nakahinga na nang maluwang nung makita niya na kami ni Sally.

"Oh, thank God! Kanina ko pa kayo hinahanap. Sige, ako na mage-explain sa kanya," sagot nito at iniwan na muna namin silang dalawa ni Ivan do'n para makapag-usap sila.

Nandito na kami ngayon sa loob ng gym kung saan gaganapin ang exhibit. Dahil masiyadong malaki ang gym ay napagdesisyunan ng club na hatiin ang gym gamit ang mga malalaking itim na tela. Gamit 'yon ay hinati nila ang gym na sasakto lamang para sa exhibit.

Isang oras pa ang hihintayin namin bago mag-umpisa ang exhibit at halos ready and excited naman na ang lahat. Kahit ako ay nae-excite dahil sa mga iba't-ibang paintings and sculptures ang naka-display ngayon dito.

"Eris! Tara dito! Picture-an mo ako!" biglang sabi ni Sally sabay hila sa akin.

"T-Teka, ngayon na agad? Baka bawal pang magpa-picture d'yan--"

"--sshh! Tinanong ko kanina si Alex kung pwede ba at pumayag naman siya. Atsaka, mas okay nang makapag-picture na tayo ngayon since mamaya ay marami ng mga tao ang nandito," sabi niya bago iabot sa 'kin 'yong cellphone niya.

Napairap na lang ako bago siya picture-an nang sunud-sunod.

"Alam mo, mas maganda 'yan kung pa-landscape ang kuha mo," nagulat naman ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Ivan.

"Uy, Ivan! Tamang-tama! Ikaw na nga lang kumuha sa 'kin ng picture. Walang future sa photography 'yang si Eris, eh," kinuha naman ni Sally 'yong phone niya sa kamay ko at ibinigay 'yon kay Ivan.

Napasimangot ako sa sinabi niya.

"No problem," sagot ni Ivan at napailing-iling na lang ako dahil sa mga posing ni Sally.

"Eris, ikaw naman!"

"Ha? Ayoko nga!"

"Bilis na! Kahit isa lang!" pamimilit niya sabay hila sa akin. Hawak pa rin ni Ivan 'yong phone ni Sally at nakatutok na iyon sa akin.

Tumayo lang ako doon at sinamaan ng tingin si Sally.

"Smile, Eris," nakangising sabi ni Ivan kaya mas lalo akong napasimangot.

Natatawang kinuha ni Sally 'yong phone niya kay Ivan at mas lalong natawa ang bruha nang makita ang nakasimangot kong mukha sa picture. Tss.

Buti na lang at dumating si Alex para i-remind kami lalo na si Ivan na malapit nang mag-start ang exhibit kaya natigil na rin si Sally sa pagtawa.

Muling sumama si Ivan kay Alex habang si Sally naman ay iniwan ako dahil panay ang kuha niya ng selfie. Hindi pa raw kasi siya kuntento sa mga pictures niya kanina.

Umupo na lang muna ako sa isang tabi dahil nangangawit na ako sa pagtayo. Sakto namang may tumabi sa akin at nakita kong si Cupid 'yon.

"Oy, anong--" kumunot ang noo ko nang bigla niyang kunin 'yong bag ko at binuksan 'yon. Inisa-isa niya 'yong mga notebooks ko na para bang may hinahanap. "Ano ba 'yon?"

Huminto naman siya at kinuha mula sa loob ng bag ko 'yong librong pag a-ari niya pati na rin 'yong ballpen na kabibigay niya lang sa 'kin kanina.

"Ako muna ang magtatago nito," sabi niya at magtatanong na sana ako kung bakit nang bigla na lang naglaho 'yong libro at ballpen sa mga kamay niya.

Agad naman akong napalingon sa paligid para tignan kung may nakakita ba sa ginawa niya at nakahinga ako ng maluwang nang malamang wala. Mabuti na lamang at busy ang lahat para sa exhibit.

Cupid's Apprentice (On-going)Where stories live. Discover now