Chapter: Four

17 0 0
                                    

Chapter: Four

"Ayoko na! Suko na 'ko!" angal ko bago bitiwan 'yung bow na hawak ko.

Pagkatapon 'non ay napahiga na lang ako sa sahig.

Grabe! Sobrang sakit na nang braso ko! Nangangalay na rin 'yung paa ko dahil kanina pa ako nakatayo. Tapos may sugat na rin 'yung ilang daliri ko dahil minsan, sa mismong edge ko nahahawakan 'yung arrow kapag kinukuha ko 'yon.

Habang si Cupid naman, ayon. Pasarap buhay. Nakaupo lang sa gilid habang kumakain ng ice cream. Tapos kapag nagkamali ako, palagi na lang akong sinisigawan. Kesyo ayusin ko raw, kesyo mag-focus daw ako. E, kung siya kaya dito, 'di ba?!

"Fine. I'll give you 1 hour break. Let's go upstairs," sabi niya at bigla na lang nagkaro'n ng pinto sa gilid niya.

Kahit pagod, ay pinilit ko pa ring tumayo at maglakad papunta 'don sa pinto. Sinasanay ko na rin 'yung sarili ko sa tuwing may ginagawang hindi kapani-paniwala si Cupid.

Kagaya na lang nung pinto. Sigurado akong bigla na lang 'yong lumitaw out of nowhere and I'm sure na mahiwaga ang silid na ito.

Nung makapasok ako sa pinto ay nakita kong paakyat na si Cupid sa isang hagdan at hindi ko makita kung ano ba 'yung nasa dulo dahil sobrang dilim.

"Bakit ang dilim?" tanong ko at napahawak agad ako sa railings ng hagdan nung bigla na lang sumara 'yung pintong pinasukan namin kaya mas lalong dumilim dito.

"Don't worry, dito lang madilim. Kaya bilisan mo na kung ayaw mong may lumitaw d'yan sa tabi mo."

After niya sagutin 'yung tanong ko ay automatic na nagtaasan 'yung mga balahibo ko. Tapos mas lalo pa akong kinilabutan nung humangin dito bigla.

Dahil sa 'pananakot' ni Cupid ay mas binilisan ko pa 'yung pagakyat dito sa hagdan na hindi ko alam kung gaano ba kahaba. Gaano ba kalayo ang labasan nito?

"We're here," sabi ni Cupid kaya napahinto ako sa pagakyat. Makalipas ang sampung-minutong pagakyat sa madilim na lugar na 'to, ay sa wakas, nandito na kami. Grabe! Mas lalong sumakit 'yung katawan ko at idagdag pa 'yung nangangalay kong braso at hita.

"Whoa," ayan lang ang naging reaksyon ko nung makatapak na ako sa huling baitang ng hagdan. "Dito ka nakatira?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Cupid.

"Yep. Welcome to my place."

I roamed my eyes around his house at kulang na lang ay mapanganga ako dahil sa sobrang amazement na nararamdaman ko. Akala ko sa mga movies ko lang makikita ang mga ganitong klaseng bahay but I never thought makakakita ako nito ngayon.

Every wall na madadaanan namin ay may mga nakasabit na frame at sa loob 'non ay puro iba't-ibang klaseng mga bows and arrows ang nakalagay. But there was a picture frame that caught my attention.

"Who are they?" tanong ko habang nakatingin sa dalawang magkatabing picture.

'Yung isang picture ay may kasama si Cupid na isang babae. Medyo wavy ang buhok nito na bumagay sa itsura niya. Petite rin ang pangangatawan niya at halatang sobrang saya niya nung time na kinuhanan sila ng picture. May hawak-hawak din siyang kulay gintong bow and arrow.

'Yung sunod na picture naman ay kapareho rin nung isang picture. Ang pinagkaiba nga lang ay iba na 'yung babaeng kasama ni Cupid dito. Mahaba at straight na straight ang buhok nitong kulay itim at kagaya nung isang babae sa picture, ay ngiting-ngiti rin siya. May hawak-hawak din siyang bow and arrow at gold din ang kulay nito. And I'm totally sure na ito 'yung bow and arrow na pinakita sa 'kin ni Cupid kanina.

"That one is Eena," tinuro niya naman 'yung babaeng wavy ang buhok. So, her name is Eena. "and this one is Elise," turo naman niya sa babaeng straight ang buhok.

Cupid's Apprentice (On-going)Where stories live. Discover now