Chapter: Six

1 0 0
                                    

Chapter: Six

"Eris..." muli akong nagpalinga-linga sa paligid nung may tumawag na naman sa pangalan ko. "Eris..."

"S-Sino ka? Magpakita ka sa 'kin!" sigaw ko sa kawalan pero umalingawngaw lang ang boses ko sa madilim na lugar na ito.

Dahan-dahan lang akong naglalakad dahil wala akong ibang makita kun'di puro kadiliman. Kanina ko pa nararamdaman ang kaba sa dibdib ko pero pilit kong inaalis sa isip ko ang takot dahil wala akong mapapala kung matatakot lang ako sa ganitong sitwasyon.

Pero bigla akong napahinto sa paglalakad nang biglang lumakas ang boses ng taong tumatawag sa akin.

"Eris... Eris! ERIS!"

"ERIS! Binabangungot ka!"

Napabalikwas ako ng bangon. Ramdam na ramdam ko 'yung mabilis na tibok ng puso ko at ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko.

"Eris? Ayos ka lang? Sino 'yung sinasabi mong magpakita sa 'yo?" huminga muna ako ng malalim bago nilingon si Cupid na nag-aalala habang naghihintay ng isasagot ko.

Napahawak ako sa sentido ko at marahang hinilot iyon.

"H-Hindi ko alam. Pero a-ayoko ng bumalik do'n... sobrang dilim. N-Nakakatakot," nanginginig kong sagot habang inaalala 'yung panaginip ko kanina. Pakiramdam ko totoong-totoo ang lahat.

Bigla namang tinapik ni Cupid ng dahan-dahan 'yung ulo ko para pakalmahin ako.

"Forget it. It was just a dream, okay? Magpahinga ka na lang ulit, bukas na lang natin itutuloy ang training mo," wika niya kaya napatango na lang ako.

Panaginip lang 'yon. Siguro ay pagod lang ako kaya nananaginip ako ng mga ganito.

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Maga-alas onse na pala ng gabi. Ilang oras din pala ang naging tulog ko. Sigurado akong hindi agad ako makakatulog nito.

Muli ko namang hinarap si Cupid. "Okay na ako. Ngayon na lang tayo mag-training," sabi ko pero pinanliitan niya lang ako ng mata.

"Final na 'yung sinabi ko. Besides, may importante akong aasikasuhin ngayon. Kaya matulog ka na ulit," sagot niya bago tuluyang mawala sa paningin ko. Pero kahit wala na siya ay narinig ko pa ang pahabol niyang sabi sa isip ko.

"Sa sabado na ang unang misyon mo."

Napakurap ako. Teka, ano daw? Sa sabado na agad? E, thursday na ngayon! Ibig sabihin maghahapit ako ng training bukas?! Ugh!

Pabagsak na lang akong napahiga sa kama at napatitig sa kisame. Muli ko namang naalala 'yung naging panaginip ko.

Malaking palaisipan pa rin sa 'kin kung sino ba 'yung tumatawag ng pangalan ko. Hindi ko rin mawari kung babae ba o lalaki 'yung tumatawag sa 'kin dahil parang may kakaiba sa boses na 'yon. Bigla tuloy akong kinilabutan.

Inalis ko na lang sa isip ko 'yon at pinilit ulit na matulog pero hindi na ako dinalaw ng antok kaya napaupo ulit ako sa kama ko. Ipinusod ko 'yung mahaba kong buhok bago tumayo at kunin 'yung jacket ko na nakasabit sa aparador at sinuot 'yon. Kinuha ko na rin 'yung wallet at phone ko bago lumabas ng unit. Inilock ko muna ng mabuti 'yung pinto bago tuluyang naglakad pababa.

May curfew ang landlady namin dito. Dapat alas-diyes ng gabi ay wala ng lalabas ng apartment o kaya'y uuwi ng gano'ng oras. Pero ito ang unang beses na tatakas ako at nagdadasal talaga ako na sana ay hindi ako mahuli ng landlady namin.

Sa likod nitong apartment ay may maliit na bakod do'n na pwedeng sumampa para makarating sa kabila. Dahan-dahan akong tumuntong sa malaking bato na nasa lupa at maingat na sumampa sa bakod bago tumalon.

Cupid's Apprentice (On-going)Where stories live. Discover now