Simula
-------------------------------
"Kristen, I have to remind you that Kasper found out about your arrival today. You have to be really precautious, you knew that your fiance has been looking for you for the past months, and he's really mad at you. Nabalitaan kong patuloy parin siya sa paghahanap sayo at wala siyang balak na sukuan ka" Seryosong paalala ni Sandra habang abala ako sa paglalakad sa loob ng airport. Nakatapat ang telepono sa aking tenga at pasulyap sulyap rin ako sa paligid upang masigurong walang nakakakilala sa akin ngayon.
It's been already a year since I left the Philippines and lived in Switzerland. Sa katunayan ay lihim lang itong pag uwi ko at wala pa akong pinagsabihang iba maliban na lang kay Sandra at ang mga magulang ko. Now, I can't think properly because of what Sandra told me at hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba itong desisyon ko na umuwi ng Pilipinas. My heart started to beat loudly at hindi maganda ang pakiramdam ko. I can feel that someone's secretly glancing at me , at nananayo ang balahibo ko.
"How did he know? Walang ibang nakakaalam na uuwi ako ngayon! Do something about it Sandra, send a couple of bodyguards this instant! I'm freaking out. I need to leave the airport immediately" napahilot ako sa aking sentido and for an instant, I felt a rush of fear and panic.
Nangyari na ito dati, and I don't want the past to happen again. Just by reminiscing his face with intense fury, halos manginig na ako sa takot. Muli akong napalinga sa paligid at agad akong naghanap ng mga kahina hinalang mga tauhan na maaaring pinadala niya ngayon at minamanmanan ako.
His family owns an airline company at hindi na ako magtataka pa kung malaman niya ngayon ang biglaang pag uwi ko rito sa Pinas. Kaya naman ganoon nalang ang pag iingat at pagmamadali ko para agad na akong makaalis ngayon rito.
"Okay, I'll call your guards. For now, find a place where you can hide from the crowd, kasi sigurado akong ngayon palang, pinapahanap ka na sa mga tauhan ni Kasper" kalmadong sabi ni Sandra pero batid ko sa boses nito na pinipigilan niya lang din ang pagkakataranta.
My secretary has been very loyal to our family for years already and since then, she's already my friend. Alam na alam niya ang mga nangyari sa amin noon ni Kasper at nag aalala siya dahil alam niya rin kung ano ang pwedeng gawin ng ex fiance ko.
I smirked and faked a smile when I thought about that. Technically, he's still my fiance. Napagkasunduan ng mga pamilya namin ang tungkol sa aming dalawa ni Kasper, and we both agreed about that. That was the time na baliw na baliw pa ako sa kanya noon at siya naman ay parang napilitan lang sa kasunduan dahil ayaw niyang suwayin ang mga magulang nito.
But seems like nagkabaliktad naman kami ng sitwasyon ngayon. Now, he's so obsessed with me to the point that he never stopped on looking about my whereabouts when I suddenly left. But because I was hurt, I hid myself from him and tried to move on.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at muli kong hinila ang maleta ko at agad na gumala ang aking mga mata sa paligid hanggang sa mapadpad ako sa isang gilid na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao. Namataan ko ang isang mahabang bakanteng upuan kung saan ngayon nanggaling ang isang intsik. Kunot noo itong nakikipag usap sa telepono sa wikang mandarin.
Then I followed Sandra's advice.
Umupo ako roon kasabay ng pagtunog ulit ng cellphone ko at nakita kong tumatawag ulit si Sandra. Nagmamadali kong sinagot ang tawag niya at mas lalo pa akong nagtago sa gilid, sinigurado kong nakatapat ako sa pader na siyang nagsisilbing harang para hindi ako makita sa pinagtataguan ko ngayon.
"Kristen! You have to leave now! I heard Kasper's already on his way there. Dala niya lahat ng mga tauhan niya and he's planning to suspend the operation of the airport to hunt you down" now, panic is really evident in her voice. I gasped and without wasting time, I quickly stood up from my sit at dinampot ang nag iisang maletang dala ko pag uwi.

BINABASA MO ANG
His Runaway Bride
RomanceKristen Samantha Stuart is not just your typical woman out there. She's a woman full of enthusiam, wit, and energy that keeps her going everyday. Pero kung gaano ito kakulit ay ganoon rin ang pagkadesperada nito para maabot ang ilang taon niya ng pi...