Chapter 4

95 4 0
                                    

Chapter 4

--------------------------

"Alam niyo po ma'am? Ito ang unang beses na pumayag si Sir Kasper na magpapasok ng babae dito sa bahay niya. Ilang taon narin akong nagsisilbi sa pamilya nila at tuwang tuwa ako dahil sa wakas ay may kinahuhumalingan na ang alaga ko, at sobrang ganda pa" tinutulungan ko ngayon si Aling Esmeralda sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin nila Kasper kanina. Pangalawang araw ko na rin dito sa bahay nito at natutuwa ako dahil medyo maayos na rin ang kalagayan niya. Kinabukasan siguro ay papasok na ito at babalik na ulit sa trabaho.

Napangiti nalang ako ng malapad kay Aling Esme at bahagyang nahiya dahil sa lantarang pagpuri nito sa akin "Di nga po? Totoo po ba? Ang akala ko kasi, madami daming babae na ang naidala niya dito. Mahirap naman paniwalaan kasi sobrang kisig at gwapo ng alaga niyo. Imposibleng walang ibang babaeng nagtangkang pumasok pa rito?" I was a little doubtful but I felt happy of what she told me. Finding out that I'm the first woman to step inside his house is a huge achievement! Hindi rin naman ako papayag at kung meron man ay hinding hindi ko titigilan kung sino mang babaeng iyon!

Huli kong binanlawan ang mga pinggan. I handed the plates to her and she immediately wiped those with a dry towel. Naghugas ako sandali ng aking mga kamay at naglakad para kumuha ng isang baso bago ko buksan ang fridge at kumuha ng isang pitsel ng malamig na mango juice.

"Sinasabi ko sayo ma'am. Wala pang nagtangka. At tsaka isa pa, istrikto si Sir Kasper sa mga taong pinapapasok niya lang dito. Kilalang kilala ko na yang si Kasper. Mabait na bata yan ang kaso suplado at tahimik nga lang sa lahat ng oras. At ngayong nakilala kita ma'am? Bagay na bagay po kayo ni Kasper. Sana magkatuluyan kayong dalawa sa huli" nakangiting lingon ni Aling Esme.

Natawa nalang ako at sinakyan ang trip nitong si ateng. Dahil nga ilusyonada at mahadera ako ay kagat na kagat naman ako sa mga sinasabi nito at syempre gustong gusto ko rin! Tawang tawa nalang si Aling Esme dahil sa mga hirit ko at napuno lang ang kusina ng mga tawanan.

"Aling Esme, aakyat po muna ako para silipin siya. I just want to make sure if he's asleep already" I winked. Parang teenager naman itong napahagikgik at pinayagan ako kaya naman muli akong natawa bago ko tuluyang akyatin ang ikalawang palapag at puntahan siya.

Hindi ko na ginawang kumatok pa dahil ayokong makagawa ng kahit anong ingay kung natutulog na nga ito. Ayokong istorbohin siya sa pagpapahinga nito kaya naman dahan dahang binuksan ko nalang ang pintuan nito at mahinhin akong pumasok.

Mula sa loob ng kanyang kwarto ay naabutan kong nakapatay na ang mga ilaw dito at ang ilaw lang mula sa study table nito ang natatanaw kong nagbibigay ng kaunting liwanag sa kabuuan ng silid.

Palihim akong napangiti ng makita kong mahimbing ng natutulog ang hari at nakabalot na ang kumot nito sa katawan niya. Mas lumapit pa ako sa kanya at mas lalo kong nasilayan ang maamong mukha nito. Sa lahat ng oras ay makikita mo itong nakakunot lang ang noo at parang laging galit sa paligid. But it's so different in this moment. Seeing him sleeping peacefully like a carefree child without thinking of any problems is such a sight. Maka ilang beses siguro akong magdadasal at hihiling na sana ay bumuti na ang pakiramdam nito at gayundin ng pakikisama niya sa akin. Well, guess I'm going to pray even harder.

Iniangat ko ang aking palad at marahan kong hinaplos ang noo nito. I traced the trails of his perfect nose then stopped when I saw how his eyebrows furrowed. Napahagikgik ako ng tinagilid niya ang kanyang ulo. I played with his long lovely eyelashes that made him even more uncomfortable. I was smiling all the time dahil kahit anong gawin ko sa mukha nito ay mahimbing parin ang tulog niya.

I even stole a peck from his lips kaya naman napapahagikgik ako. "Nakakadalawa na ako Kasper. Ikaw ba? Wala kang balak gantihan ako? Willing naman ako eh" I whispered giggling. Bago ko pa maubos ang mga labi nito ay lumapit nalang ako sa study table nito at bahagyang inayos ang mga nakakalat na mga papel roon.

His Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon