Chapter 10

135 7 1
                                    

Chapter 10

-------------------------------

"Walter, alam mo ba kung sino ang nagdala ng mga 'to?" Nilingon ko si Walter at nagkibit balikat lang ito. Ni hindi niya manlang ako sinulyapan dahil abala ito ngayon sa pagbabasa ng mga papel na nakatambak ngayon sa table niya.

"Eugene! Ikaw ba ang nagbigay ng mga ito?" Agad kong tinanong si Eugene ng makita ko siyang naglalakad papalapit sa gawi ko. Agad namang kumunot ang noo nito ng makalapit na siya sa akin.

"Huh? Bakit? Anong okasyon?"

Sa naging sagot palang nito ay alam ko ng hindi siya. Mas lalong nalukot ang mukha ko. "Wala, nagtanong lang ako, nagulat kasi ako dahil dito" sabay turo ko sa mga nakapatong sa table ko ngayon.

Sandali itong sumandal sa gilid ng aking cubicle at humalukipkip. Sinulyapan nito ang mga regalo sa table at muling ibinalik ang tingin sa akin.

"Birthday mo, Kristen?" He asked, kunot ang noo nito at naghihintay ng isasagot ko.

"My birthday's yesterday, Eugene. Sorry kung hindi ka na inform tungkol doon, You were absent the day before and I don't have your number"

He frowned with what I've said "That's too sad, hindi ko alam na kaarawan mo, I should've bought you a present. I'm sorry, and by the way, belated happy birthday, Kristen" halata sa muka nito ang pagkabigo. "I had some errands to attend to that day, I took the day off, sinamahan ko sila dad sa St. Luke's. He had his check up" he even added.

I went beside him to tap his shoulders and smiled at him. "It's okay, and thank you for the greeting. Kahit wala namang regalo, ayos lang sa akin. I'm not really fond of material possessions anyway. And by the way, anong sakit ng dad mo?" I asked.

He smiled to me apologetically and the moment I asked him about his dad, agad na lumitaw sa mga mata nito ang pag aalala. "My dad has a heart disease, he had his monthly check up yesterday. But my dad's doing fine, huwag lang siyang masyadong magpagod." Sinulyapan niya ako at nanghihinayang na ibinalik ang ngiti nito sa akin "Para makabawi ako mamaya, I'm going to treat you lunch instead, what do you think?" He suggested. He even leaned closer to face me. Ngumiti ito ng pagkatamis tamis at diretsong tinitigan ako sa mga mata.

I laughed. I felt awkward that's why I quickly distanced myself from him. "Sure! Siguraduhin mong masarap ang mga pagkain sa pagdadalhan mo sa akin ha?" It's rude to turn down his invitation, so I'm willing to accept it! Masarap ang libre, at makakatipid pa ako ngayong araw. I'm going to save the money alloted for my lunch today for the gas. Better to be practical, lalo na at nagpapaka independent na ako ngayon.

Mas ngumiti ito ng malapad at napapitik pa ito sa kanyang mga daliri "Can we consider that as a date then?" He even joked that made me laugh.

"It's a treat! Not a date, Eugene! Wag kang assuming" natatawang sabi ko. Eugene laughed in what I've said. I went back to my seat while Eugene is silently watching me. I smiled at him and he did the same. Ngayon ay nakaharap na ako sa isang purple na box na hindi ko alam kung ano ang nilalaman. I don't even have the idea who gave these things to me. Baka naman galing kay Alex? Or one of the employees here?

I just shrugged those thoughts and sighed. I was about to pull the white ribbon of the box when Kasper's voice filled the office.

"Kristen" pagkabukas palang ng pintuan ay pangalan ko na ang unang sinambit nito. Napabalikwas ng tayo si Eugene sa tabi at binati ito. But instead of the other greeting him back, he just eyed him with annoyance. Kaya naman agad na sumenyas si Eugene sa akin at nagmartsa palayo para makausap ako ng maayos ni Kasper.

He seems serious and not in the mood again today. Eh lagi naman siyang ganyan, kung naabutan ko siya ng madaling araw ay sisimangutan na agad ako nito. Kung nakakasalubong ko naman rito sa loob ng building ay halos hindi naman ako nito pansinin at parang ere lang ako kung ituring nito! Pasalamat lang talaga at gustong gusto ko parin siya! Aba't humahaba parin ang pasensya ko kahit papaano.

His Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon