Chapter 8
-----------------------------
"I want you to produce a soft copy of these files. When you're done, send them to my email address and I'm going to check it. You need to finish these reports tonight" Kasper handed me a couple of sheets to encode. Agad ko naman siyang nilingon at sinimangutan. I'm sitting infront of his study table and he took me here just to compromise about my sudden disappearance in the office a while back, kahit na labag sa loob ko ay wala na akong nagawa dahil ng sumulpot ito sa bahay kanina ay galit na galit ito at nangonsensya pa!
"Do I really have to finish these? Ang dami naman!" Nakangusong sabi ko. I flipped the pages of the papers and took a look on the document's footer section. From Page 1, I went into the last page which was Page 45.
Hindi parin ito umaalis mula sa tabi ko at tahimik na pinagmamasdan ang naging reaksyon ko.
"Nagrereklamo ka? That's the consequence of being absent a while back. You could've finished these if you didn't go out with that guy" halata sa boses nito ang pagkairita. Kanina pa nito pinapatamaan ng mga salita si Llander at ang biglaang pagkuha nito kanina sa akin sa Ausbank.
"Pero nasa labas na tayo ng trabaho, hindi ba pwedeng gawin ko nalang bukas ang iba? Hindi ba pwedeng kalahati muna ang tapusin ko? I'm already sleepy" I tried to soften my voice and make it pitiful so that he will atleast loosen his authority over me.
Umalis ito sa aking tabi ng nilingon ko ulit ang tabi ko. He comfortably went on his bed and layed his back on the backrest. Nakakunot noo niya akong binalingan ng tingin kasabay ng paghalukipkip nito. Marahan itong umiling at itinuro ang mga papeles na nasa harapan ko.
"No, I want you to finish everything. Babantayan kita habang ginagawa mo ang mga iyan" he said with finality.
"Pero, hindi ko talaga matatapos...." Halos pabulong ko ng sabi ng muli niya siyang nagsalita at hindi niya na ako hinayaang magreklamo pa.
"Better start working now and stop on complaining, lady" kinuha nito ang ipad nito sa lampshade na nasa tabi lang ng kanyang kama. Hindi niya na ako muling pinansin pa dahil abala na siya sa kung ano man ang ginagawa nito sa kanyang tablet.
Bumagsak nalang ang mga balikat ko at sumusukong humarap sa nakatambak na mga papel ngayon sa harapan ko. His macbook was already on standby, naka open narin ang microsoft word rito at naghihintay nalang ito sa mga ititipa ko.
Nagsimula nalang akong gawin ang pinapagawa nito, sa mga sumunod pang oras ay naging tahimik lang ang buong silid nito, ang tanging naririnig lamang ay ang tunog ng aircon na ngayo'y nagpapalamig sa buong kwarto. Napapasulyap ako kay Kasper na nakaharap parin sa ipad nito. Kahit na inaantok na ako ay napapangiti parin ako sa tuwing nakikita ko ang unti unting pamumungay ng mga talukap ng mga mata nito at ang paghikab nito.
He looks cute and damn adorable!
I was almost startled when I heard my phone rang at my side. Napatingin ako rito upang malaman kung sino ang tumatawag ngayon sa akin ngayon at mag aalas onse na ng gabi.
I was about to reach my phone when suddenly, I felt Kasper's presence immediately by my side. Kunot ang noo nito at nakatuon ngayon ang tingin nito sa aking iphone na ngayon ay tumutunog parin.
"Don't answer the call, I don't want your work to be interrupted" He said with his irritated voice, napatingin ako sa kanya at nilingon ko ulit ang aking telepono. From the lockscreen, I saw Llander's name on it. Kahit na gusto ko sanang sagutin ito ay hindi ko nalang ginawa dahil sa sinabi ni Kasper. I ignored the call and continued my work. I sighed when I saw him walking back to his bed again.
BINABASA MO ANG
His Runaway Bride
RomanceKristen Samantha Stuart is not just your typical woman out there. She's a woman full of enthusiam, wit, and energy that keeps her going everyday. Pero kung gaano ito kakulit ay ganoon rin ang pagkadesperada nito para maabot ang ilang taon niya ng pi...