Chapter 5

71 4 0
                                    

Chapter 5

-----------------------------

"Maraming salamat hija. Nag abala ka pang magdala nito dito" nakangiting inabot ni Aling Esme ang clear container na may lamang pasta.

"Walang anuman po tita. Pakidalhan nalang po si Kasper niyan mamaya sa kwarto niya po. I'm sure he will love it. I made that extra special. At kayo din po, huwag na rin po kayong mag abalang magluto ng paghapunan, I really cooked a lot for us three." Nakangiting sabi ko. Sandali lang akong dumaan sa mansyon para iabot ang mga niluto ko lang kanina. Sakto lang naman daw ang pagdaan ko rito dahil pinag iisipan pa ni Aling Esme kung ano raw ang iluluto nito para sa hapunan nila ni Kasper. Ngayon at may dinala naman ako ay sinabi nitong hindi raw ito mamomroblema.

"O siya sige, pumasok ka na rin sa bahay mo Kristen. Gabi na, mas mabuting bukas ka nalang ng hapon pumunta ulit rito. Marami akong ikukwento sayo tungkol kay Kasper. Salamat naman at dito mo naisipang bumili ng bahay. Tuwang tuwa ako hija" nagniningning ang mga matang sabi nito sa akin.

Isang nakakaintinding pagtango naman ang iginawad ko "I'm sure there a lot of interesting stories you'll be telling me tomorrow tita. Aba't aagahan ko talaga ang pag uwi ko rito bukas ng hapon para pumunta rito. Good night po Aling Esme! Salamat sa pagtanggap!" Tumawa ako "Pakisabi kay Kasper, yung welcoming hug and kiss niya, hindi ko pa natatanggap. Magtatampo na talaga ako sa kanya tita" I jokingly said that made her laugh. "Sige hija, asahan mong makakarating. Mag ingat ka" kaway nito sa akin. Bago ako umalis ay kinawayan ko nalang rin ito at malapad na nginitian ako na parang nahuhumaling ito sa pagpunta ko roon.

Gusto ko pa sanang pumasok sa loob ng bahay nito para kamustahin at masilip manlang siya ang kaso, sinabi ni Aling Esme na nasa study room niya daw ito ngayon at ayaw niya daw na may mang istorbo rito. Inalok pa ako ni Aling Esme na magtungo sa loob pero ako na mismo ang tumanggi dahil ang sabi nga nito ay ayaw daw nito ng istorbo.

Alam ko naman na medyo bad shot ako sa kanya kanina lang kaya ayaw ko namang dagdagan pa ang inis niya sa akin. Well naiinis rin ako sa kanya! Ni hindi manlang siyang nagmagandang loob na sabihan ako ng kahit na "Welcome to the neigborhood Kristen" kaninang sinabi kong bagong lipat ako rito! Imbes ay inismidan niya lang ako at sinupladuhan! Sabik na sabik akong maging kapitbahay siya, pero wala manlang siyang pakialam!

Diretso nalang ang pagpasok ko sa bahay at agad akong kumuha ng malinis na twalya at dumiretso sa aking kwarto. Sa kwarto ko narin hinubad ang kasuotan ko bago ako dumiretso sa kusina at magtungo sa banyo na malapit rito. I took a quick shower and as soon as I was about to reach the towel beside the glass walls, I heard a loud sound coming from my doorbell.

"Sandali lang! I'm still in the shower room!" I shouted and quickly wrapped the towel to my body. Kumuha rin ako ng maliit na twalya at ibinalot ko ang aking mahabang buhok para mabilis itong matuyo.

Narinig ko ulit ang sunud sunod na pagtunog ng doorbell at mas nagmadali ako sa paglalakad.

"Sandali lang!" I shouted again. Bahagya pa akong nainis dahil mukang hindi makapaghintay ang kung sino man na ngayon ay nasa likuran ng aking pintuan.

Nasa sala na ako ng biglang bumukas ang pintuan ng aking sala. Napatigil ako ng iniluwa nito si Kasper na nakapambahay lang, suot nito ang isang grey na tshirt na may kilalang brand sa bandang kanan nito, sumisigaw ang nike na may maliit na check rito. He's also wearing a black cargo shirts that fits perfectly to his waist. Mula sa suot nitong tshirt ay bakas ang kakisigan nito dahil bumabakat ang mga muscles nito sa braso at gayundin narin ang abdominal muscles nito dahil fit sa kanya ang suto nitong pantaas.

I was instantly in awe. Napanganga ako dahil sa biglang pagsulpot nito sa aking harapan. Ni hindi ko na pinansin ang twalyang tanging nakabalot lang sa hubad kong katawan. Bakit naman siya bigla biglang susugod dito at mambibigla nalang? Ang akala ko, nasa study room niya ito ay ayaw niyang magpa istorbo? Then why did he come out of his house this late?

His Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon