Chapter 9

102 5 0
                                    

Chapter 9

-------------------------------

"Be thankful because I was there. Kung hindi pa ako dumating para tingnan ka, malamang hindi ka pa titigilan ng gagong iyon" he paused then he looked at me with his crossed arms. We are in the middle of walking back to our houses. Tanaw ko na ang bakuran ko at gayundin ang matatayog na pader ng bahay ni Kasper.

Agad na sumilay ang ngisi sa aking labi ng makita ang kunot nitong reaksyon. Mataman itong nakatingin sa akin na para bang naghihintay ng aking isasagot, ng masilayan niya akong nakangiti ay mas lalong nagkasalubong lang ang mga kilay nito.

"Really? Kung alam ko lang sinadya mo iyon kasi ayaw mong nakikita akong may kasamang ibang lalake" masiglang sabi ko, mas lumapit ako sa kinatatayuan nito at bahagya pa akong napatingala dahil sa angking tangkad nito. "Diba? Aminin mo na kasi Kasper na may gusto ka sa akin, pakipot ka pa eh." Inangat ko ang aking kamay at bahagyang kinurot ito sa kanyang singit. Napaigtad ito dahil sa ginawa at hindi ko mapigilang humalakhak dahil ang lakas pala ng kiliti nito sa parteng iyon.

"No way! I just did that for him to seriously stop flirting with you! Don't overthink about it! Hey!....." Pagrarason naman nito, agad itong lumayo sa akin ng alam niyang muli ko siyang lalapitan para kilitiin ito sa singit.

"I won't buy that! Gusto mo ako Kasper! Ramdam ko, wag mo nang ideny, ang ganda ko kasi talaga!" Humagikgik ako kasabay ng pagtakip ko ng dalawang palad sa aking bibig.

Masyado siyang pakipot! Hindi nalang kasi aminin na gusto ako nito! May paakbay akbay pa siyang nalalaman, at naghahalik pa! At ang mas masahol sy tinawag pa ako nitong 'baby'. Anong klaseng kaluluwa naman kaya ang sumunod na sumapi rito at biglang napuno ito ng kasweetan kanina?

Napaisip tuloy ako, siguro next time, susubukan ko ulit ang dumikit sa ibang lalake at mas asarin siya. Aba't makakaiskor na naman ako ng halik sa kanya! Kung sa mga oras lang naman na nagiging ganoon ito ka-'sweet' sa akin ay talagang maghahanap ako ng paraan para lang maging malambing na ito sa akin palagi!

"Tsss, I said no. I don't like you, I'm leaving you here" tumalikod ito at kumunot na naman ang kanyang noo. Mabilis na ang paglalakad nito at mas lalong lumakas ang tawa ko habang hinahabol ko siya.

"Hey! Kasper bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag usap! Umamin ka na kasi!" Muli na akong napahagikgik dahil sa inaasta nito, kahit nakatalikod ito at hindi ako pinapansin ay kitang kita ko naman ang pamumula ng magkabilang tenga nito, mabilis lang iyong mapansin dahil maputi siya. "Sige ka, maghahanap ako ng iba kung hindi ka pa kikilos para kunin ako, magpapaagaw talaga ako!" Natatawang hamon ko sa kanya. Umiling iling lang ito hanggang sa makarating na kaming pareho sa aming mga bakuran. Dire diretso itong naglakad papasok ng kanyang gate at agad naman itong pinagbuksan ng gwardiya.

Nginitian pa ako ni manong ng makita ako nito. "Do whatever you want" huling sabi ni Kasper ng makapasok na ito at ni hindi manlang ako nito nilingon. Humagalpak ako ng tawa dahil ramdam ko palang sa boses nito na naiirita na siya at mukang pikon na pikon na dahil sa pang aasar ko.

"Sige ka! Gagawin ko talaga! Simula bukas, jojowain ko na lahat ng makikita ko dito sa village! Manghihingi na ako ng number nila mamaya! Wala ka ba talagang gagawin? Kunwari ka pa" sumunod pa ako papasok sa frontyard garden nito pero pinagsarhan lang ako ng pintuan nito. Sinubukan ko pang buksan ito pero ang walanghiya, ni lock talaga ito at hindi ako hinayaang makapasok sa kanyang bahay!

Tatawa tawa nalang akong naglakad pabalik ng gate habang nangingiti rin si manong guard na ngayon ay agad na akong pinagbuksan ng gate.

"Naku ma'am, kayo lang po ay may lakas loob na asarin si sir ng ganoon" sabi naman nito.

His Runaway BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon