/5/ Stephen is dead

1 0 0
                                    


***

Chapter 5

***

"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko anak ha"

"Ano ho yun nanay Fem?" sa boses ni nanay Fem ay may nararamdaman akong hindi maganda sa sasabihin ni nanay Fem.

"Stephen is dead"


Tumatakbo na yata ako sa kawalan hindi ko lubos maisip ang pagkawala ng kambal ko. Nag-e-echo sa isip ko ang mga sinabi ni nanay Fem.

Aishhh

Napadapa ako dito sa kalsada at maraming nakatingin sakin pero hindi ko na yun pinansin. Ang importante maabutan ko pa ang kambal ko.

Kasabay ang paghapdi ng natamo kong sugat sa tuhod ay ang panininikip naman ramdam ng aking puso sa nangyari kay Stephen.

Patuloy akong tumakbo ng tumakbo hanggang sa marating ko ang Sentret Hospital. Tanga mo naman Annie kung sumakay ka nalang sa taxi eh hindi pa ito ang nangyari sa'yo. Tsk naku naman, bahala na basta nandito na ako sa hospi--

"M-ma?" napatigil ako sa kakatakbo ng makita ko sa mama na humahagulhol.

Galit. Walang bakas ng anumang lungkot sa kaniyang mukha

Pinauna na ako ni nanay Fem sa loob ng morgue habang pinapatahan si mama na bakas ang galit sa kaniyang mukha.

Pumasok ako sa morgue na hindi ko naman lang namalayan na sinusundan na pala ako nila mama.

Nanginginig ako sa kinatatayuan ko habang tinatanaw si Stephen sa malayo. Ang mapayapa niyang mukha at ang lapsi niyang bibig ang tumambad sa akin. Hindi ko na mapigilan na matulo ang luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit, niyugyog baka sakaling magising siya pero hindi.

Ang lungkot ni hindi naman lang nagpaalam sa akin si kambal. Ang hindi ko lang lubos na maisip ay ang galit ni mama, hindi ba siya dapat maging malungkot sa nangyari? Tangina hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Agh.

***

Three hours na kami dito. Nagluluksa. Naghihinagpis. Sabi ni yaya Fem nilooban sila sa bahay. Umawat naman daw si Stephen dahil nasasakal na si mama dahil sa pagkahawak ng isang lalake sa kanya. Dahil sa bilis ng pangyayari ay nakita nalang niya na nakabulagta na sa sahig si Stephen.

"I'm sorry Annie" hindi niya na mapigilang umiyak at si mama na kanina pa tulala. Pinapatahan ko si mama dahil naging mas malakas pa ang mga hikbi niya at hindi ko yon gusto makita siya ng ganito.

"Bago pa man nangyayari ang insidente Annie ay napansin ko si Stephen na iba ang kinikilos nito parang hindi siya si Stephen" dagdag pa ni yaya Fem.

"Kagagawan niya tong lahat" bumigla lang nag-iba ang mukha ni mama na parang may sinisi siya. Natatakot ako kay mama na parang gusto niyang mamatay ng tao.

"I will kill you Richard" Nagulat ako sa sinabi ni mama. Alam kong hindi ko pa nakikita si papa kailanman sa personal at nakita ko nalang ang itsura ni papa sa mga album ni mama na pinakita niya sakin dati. May connection pa sila ni mama?

"Maam humingahon po kayo" sabay tapik ni nanay Fem si likod ni mama.

Inabot ko kay mama ang tumbler ko para humingahon siya. Mga ilang minuto ay dumating naman ang tita ko kasama ang partners in crime ko na pinsan na si Aegon. Nagmano naman ako kay tita Karen at niyakap niya ako.

What Is My Mojo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon