***
Chapter 3
***
Stephen's POV
Matapos akong maanod ng mga estudyante ay napunta ako dito sa may hardin na kung saan may mga nagfo-form ng bilog. Ay? Reunion? May ganon pala tuwing first day? Hinayaan ko nalang at lumakad ako ng may nakita akong naghahalikan sa may gilid ng santan dahil medyo wala na kasing tao.
"Yuck! PDA!" Lakompake kung masamain nila ako, I just really hate couples in show affection in public, dude you can do it at home.
Ng lumiko ako ay parang nagbago ang ihip ng hangin. Walang tao, may mga malalaking puno pero pwede naman siyang akyatin ngunit hindi ka madaling makababa.
Babalik sana ako pero may nag-uudyok sakin na dumiretso pa. Huminga ako ng malalim at lumakad pa. Sa bawat pagtapak ko ay bawat ingay ng mga tuyong dahon na natatapakan.
Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang isang lumang building at may makikita akong estudyante doon kaya pumunta ako doon. "Oy men! Saan tayo? Akala ko sa gym tayo? Men tanggalin mo na tung blindfo--- aray!!" Sigaw ng lalakeng gusot-gusot na ang uniporme at nakagapos pa sa poste.
Tutulungan ko sana pero lima sila, hindi ko yun kaya. Ayoko maging hero of the day pero dude he really need some help.
Buti nalang ay nakatago ako dito sa may puno at naghihintay ng tamang pagkakataon. Nang pumunta ang dalawa sa may gilid habang ang lider siguro ng gang dahil may pulang bandana nakatali sa kanyang ulo ay pumasok sa building.
Kinuha ko yung bato sa gilid at itinapon sa kabilang dulo na may mga gupi-guping yero doon para kumuha ng atensyon. Lumapit naman doon ang dalawang naiwan at biglang nawala.
Kumaripas ako ng takbo, bumilis ang kabog ng puso ngunit hinayaan ko lang.
"Sino ka?"
"Hindi ito ang oras para magtanong basta maka-alis tayo dito" bulong ko hanggang natanggal din siya sa pagkakatali.
"Hoy! Sino ka?" Sigaw ng lider na may hawak na basag na bote. Woah, first day na first day parang may patayan na magaganap?
"Ako si Batman" sabay ngiti na ikainis niya.
"Hiro naman eh, nagbibiro ka ba? Sabi nitong tabi ko.
"Boba ka ba? Saksakin niya na tayo oh!" Sabay turo ko sa hawak ni Hiro
"Matapos mo kaming iiwan sa abandonadong apartment" pinakita niya ang peklat sa leeg niya. Ohhhh edi ang duwag takot pala siya sa multo?
*prrrttttttt*
Shit ang security guard. Paglingon ko ay hawak-hawak niya ang dalawang mokong utu-uto. Habang tumatakbo si Hiro sa loob. Tinaas namin ang mga kamay namin hayssssss.
"GUARD INOSENTE KAMI!!!" Sabay luhod nitong kasama ko, iiyak na sana siya pero pinatayo agad siya. Haha para siyang tanga.
"Guard, nakita kong nakagapos itong mokong to at iyang dalawa kasama ang umalis ay plano pa yatang patayin to ehhh. Tinulungan ko lang naman tong isa." Mahinahon kong sabi at parang nakumbinse din ang guard kaya pinaalis niya kaming dalawa.
"At may umihi pa lang kasama nila sa gilid pakihanap na lang guard" sabay wink ko kay guard at inakbay ko tong isa.
***Stephanie's POV
Unti-unting lumilinaw ang paningin ko.
Napansin ko na nasa van pala ako. Ano to? Kidnap? Ikukuha na ba nila ang aking kidney? Palagi naman ako nag-iinom coke ah? Naku, sinasabi ko talagang hindi nila mabebenta itong kidney ko.
"Kamusta Stephanie Davis?" nagulat ako ng tinawag ako sa buong pangalan, paano niya ako nakilala?
"S-sino ka?!"
"Hindi mo ba ako natatandaan Stephanie?" Bigla ko lang nakita sa gilid ang isang babae nakapula ang damit at kumikinang pa ang pulang labi.
"It's a long story Annie" she smirked.
"But you'll know everything if you come with us" biglang nagshiver ang katawan ko naalala ko tuloy ang napanaginipan ko kaninang umaga
"Join with us"
It wasn't just a dream.
"Annie this is where you belong"It was a prediction.
"Hindi!" Sigaw ko sabay tawa niya na parang demonyo.
"I'll give you time Stephanie para makapag-isip" tumigil ako sa pagpipiglas pero nakabantay pa rin ako sa ano pang mangyari sa akin.
"Oh by the way, huwag mong sasabihin kahit kay sino, lalung-lalo na sa kambal mo haha" my anxiety freak self is starting to engage and I can't help it but to clench my fist.
"Pero kung matigas ang ulo mo baka mapipilitan akong ki-kidnapin kita ulit"
"I got eyes and ears Annie" sabay turo niya sa mga ito at kasabay dito ang pagning-ning ng hikaw nito.
Bigla akong pinalabas sa van at normal na umalis ang van na parang walang nangyari, ngayon ko lang napansin na nasa harap na ako ng bahay ko. Ang creepy! Saan kaya nila ako dadalhin? Ano bang pinagsasabi ng babae kanina? Ano ba! Makastress!
Bumukas naman yung gate at pinapasok na ako ni yaya Fem at siya na ang nagdala ng gamit ko. Nakita ko na rin si Bal na mukhang nag-alala talaga sakin, teka ano na nga ba oras? Oh shit 6:30 pm na pala.
"Buti na lang dumating ka na kung hindi tatawagin na sana ni nanay Fem si mama." Sabi niya.
"At na miss ka rin ni Travis" dagdag ni Bal.
*Rawrfff!*
Sabay lundag niya sa akin at nakalabas sa gilid ang dila niya. "Travis! Na miss mo daw ako?" sabay hawak sa ulo niya at nagpagiling-giling na siya sa sahig.
***
BINABASA MO ANG
What Is My Mojo?
General FictionA story of a teenage girl wanting to have nothing but a simple life not until she unravels truths about her family and her fate.