/8/ Stampede

0 0 0
                                        


***

Kaagad namang nagpalabas ng malalaking puno si Ivy habang sa kabilang grupo ay nagsummon si Prim ng mga portal pero tina-try ni Aegon na sirain ang mga portals kahit madali lang ma-drain ang energy nito.

Dahil automatic ang turret na ginawa ni Tink at Aegon ay pinauulanan nito ng bala ang mga parang mutts at ang iba pa nga ay gumagapang, ang iba naman parang asong hindi nakawala ng ilang araw.

Lumipad sa malayo ang isang infected dahil natapakan niya ang ginawang trap ni Void. Unti-unting nasisira ang mga harang namin pero hindi naman sila makakapasok dahil nandoon naman si Aegon na kayang-kaya niyang gawing pulbo ang mga bungo nito.

Nandito ako sa taas ng tore namin at kitang-kita ko na nahihirapan na ang grupo nila Gust. "Void watch out" sigaw ni Ivy at nagmistulang  blades ang mga dahon sa pagtapon ni Ivy ng mga ito. Unti-unting natutumba na ang mga punong ginawa ni Ivy.

"Sa dinadami ng mga puno bakit saging pa ang napili mo?!" sigaw ni Aegon.

"Hoy kupal! Wala kang pakialam! Mind your own business!" Itinaas niya ang dalawang kamay niya at tumaas ang mga puno ng saging.

"Saging mo'to!" Pinatumba niya kaagad ang mga malalaking puno ng saging at naipit ang mga mutts. She blows her fringed hair in her nose sabay pose sa harap ni Aegon at hawak pa ang isang saging na akala niya naman ay baril.

*Scrrrrrrrrr*

Bigla lang nagscreech ang speaker at dineclare na kami ang panalo sa round nato.

1-1

"Good job guys!" habang inaayos ni Tink ang turret.

Biglang nag-slow clap sa likod namin si Prim at aba parang nananadya pa.

"Kung akala niyo panalo na kayo, well you can't may last round pa. For sure kami na ang mananalo" sabay open niya ng portal at lumabas ang tubig dagat na may mga isda pa.

Hinawakan namin kaagad si Void at nagblink kami si likod nila at pinaulanan naman ni Ivy sila ng mga dahon.

"Feel the wrath of my paper cuts" sabay halakhak niya. Parang nakakita ako ng lunatic scientist that fetish her experiment.

Huminga ng malalim si Gust at nagbuga ng malakas na hangin. Napaatras ako habang si Tink ay parang lilipad na ngunit nahawakan ko siya.

Unti-unting umaatras si Ivy pero grabe naman ang fighting skills niya eh. Bigla namang pumulupot sa kanyang paa ang mga vines para hindi siya malipad ng hininga ni Gust.

"Guys don't breathe!" Sigaw ni Aegon at tuluyan na siyang natumba.

Dahil hindi nakapagtakip si Void, kaya nalanghap niya ang mabangong hininga ni Gust kaya napabagsak rin ito at nakatulog. Shit, may halong pampatulog ang hininga ni Gust. Bigla kong tinakpan kay Ivy na ilong dahil mukhang hindi niya narinig ang sinabi ni Aegon.
May itinapong transparent si Tink at bigla nag-expand ito into a giant bubble kaya nandito kami sa loob ng bubble pero hindi siya basta basta na bubble kundi may hexagon patterns ang surface nito. Unti-unti namang natumba si Ivy. Aishhhh huli na ako ng matakpan ko ang ilong niya.

May itinurok naman si Tink kay Void, Aegon at Ivy kaya nagising sila ulit. Bigla lang kami nag-teleport medyo malayo kina Gust. Kaya humanda kami sa anong mangyayari.

Napansin ko din na nagkulay green ang mata ni Ivy at parang may ginagawa siyang ritwal. Mga ilang sandali nalang ay nakita ko ang flocks of birds dahil sa sobrang dami ay dumilim ang kalangitan. Nakita ko sa di kalayuan si Gust na lumilipad at gumagawa ng ipo-ipo. Nagbukas naman ng portal si Prim kaya pumasok ang ipo-ipo. Naalarma ako dahil anytime ay lalabas na ang portal at magiging ice kami na ibe-blend sa isang blender.

What Is My Mojo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon