***
Hingal na hingal na kami pero malayo parin kami kung saan namin ilalagay ang flag. Si Ivy ay gumagawa ng traps made of vines para maka-advantage kami sa kabilang grupo.
"Look out!" Nakita kong nagbukas ang portal sa itaas at kita ko sa kabilang grupo na may tinatapon silang metal scraps sa isang portal malapit sa kanila. Kaya bigla akong hinawak ni Void at nag-blink kami mga 5 meters away sa kanila Ivy.
"Ouch!" Natamaan naman si Ivy ng isang metal scraps sa may balikat.
Patuloy lang sa pagtatakbo si Tink na hawak ngayon ang flag. "Protect Tink" sabi ni Void at nagblink kami malapit sa kanya.
"Here" bigay ni Tink kay Void ang maliit na caps at nagblink na siya papunta kina Aegon.
'Gust is everywhere' kahit nasa malayo si Aegon ay maririnig ko parin siya sa isip. Sino si Gust?
'Yung crush mo' Ay putspa alam na ni Aegon
Bigla lang nagpakita sa harapan namin si Gust pero before niya tapunan ng metal scraps si Tink ay kinuha ko ang flag at ginamit ko pang sangga dito. May tinapon naman si Tink na parang yellow na piso kay Gust pero naiwasan niya ito sa pamamagitan ng paglaho niya ulit sa hangin.
***
Aegon's POV
Nandito pa rin kami ni Ivy at buti nalang ay dumating si Void may binigay siyang green cap kay Ivy at biglang gumaling ang sugat niya.
Patuloy pa rin ang pagbukas ng mga portals sa kung saan at may lumalabas na metal scraps pero tinititigan ko lang ito hanggang sa maging fine powder ito. Tinititigan ko rin ang ibang portals baka sakaling masira ito ngunit mahirap gawin at madali lang mauubos ang aking energy.
"Ako bahala kay Austin" at biglang nag-blink si Void malapit kay Austin na hawak-hawak ang kanilang flag.
May naisip akong plano at sinabi ko naman kay Ivy through mind.
Sumang-ayon naman si Ivy, gumawa siya ng mga thorns at bigla niyang pinapatubo ang mga vines malapit kay Prim habang ako ay nag-cre-create ako ng revolver gamit ang mga dinurog kong metal scraps at iniiwasan ko pa ang ibang metal scraps habang nilalagyan ko kaagad ng bala ng thorns.
Tinutok ko bigla sa isang portal pero biglang may sumulpot sa likod ko...
Si Gust
Bago pa man niya ako saksakin ay tinapunan siya ni Ivy ng isang blue na piso pero nasangga niya ng kamay at bigla nag-ice ang kamay nito
"What the--" ikinagulat niya at kita kong may papalabas na metal scrap sa harapan ko kaya dinodge ko yon at natamaan sa tiyan si Gust. Bago ko pa man siya tutukan ng revolver ko ay naglaho ulit siya.
"Aegon!" Sigaw ni Ivy na parang nahihirapan na siyang kontrolin ang mga vines kaya tinutukan ko ang isang portal kaya natamaan si Prim sa binti.
Magpapaputok ulit ako ng may itinapon si Prim na kulay pink na sphere papunta sa portal kaya natamaan ako at bigla akong napunta malapit kay Austin.
***
Stephanie's POV
Malapit na kami Tink sa may lalagyan ng flag ngunit may bumukas na portal. Hindi kami nakaiwas kaya bumulusok kami at na-teleport kami doon sa kabilang dulo ng field.
"Damn it" Sabi ko sabay sipa sa damuhan.
"Void!" Habang nakahawak si Tink sa kaniyang wireless na earphones.
Bigla namang nag-blink sa harapan namin si Void at bigla ulit kaming na-teleport 5 meters malapit sa lalagyan ng flag.
Pero huli na kami dahil nandoon na pala si Gust na may ice ang kaniyang kamay.
"Ang bobo natin kung nag-blink tayo kaagad malapit sa lalagyan ng flag edi nanalo tayo!" Sabay pokpok ni Aegon sa ulo niya. Competitive talaga to si Aegon kung saan man siya dadalhin.
"Buti alam mo" nag-roll eyes naman tung kupal na Prim habang ginagamot siya ni Austin, mukhang ito yata ang mojo niya.
"Ansabe mo!" Tutukan sana ni Aegon si Prim ng biglang naghati ang gitna ng field. The ground started to shake and I almost fell but good thing Aegon was at my back to support me. Matapos ng pagyanig ay nandito na kami left side ng field while ang kabilang grupo naman ay sa right side.
"Welcome to the Round Two of the competition!" biglang umalingaw-lingaw sa paligid ang isang malaking speaker malapit sa grandstand.
Pinagawa kami ng durable na tower at kung kay sinong tower ang hindi magigiba ay siyang panalo sa round na ito.
Kaya ayun ay nakagawa si Ivy ng wooden tower at nakalagay ang flag sa pinakamataas na bahagi ng tower. Gumagawa din si Tink na parang turret at si Aegon ang nag-cre-create ng bawat parte ng turret. Gumagawa ng trap si Void habang ako ay bine-braid ko ang mga vines para hindi basta-bastang makakalapit ang sino man sa tower.
Umakyat ako sa may tower at natatanaw ang tower ng kabilang grupo simple siyang tore dahil wala sa kanila ang kayang makagawa ng raw materials kagaya nila Ivy at Aegon.
Tumunog ang siren kaya lahat kami ay na alarma. Sa di kalayuan ay may mga lumalabas sa mga portal.
Oh shit this is stampede
***
BINABASA MO ANG
What Is My Mojo?
General FictionA story of a teenage girl wanting to have nothing but a simple life not until she unravels truths about her family and her fate.
