***
"Kung gusto mo malaman kung kaano-ano ni Void si Prim, well magkapatid sila. Obvious naman eh sa mojo pa lang ay parehas silang kayang magteleport" sabi ni Ivy habang pabalik na kami.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay parehas ng mojo. Gaya nila Gust at Austin, magkapatid nga sila pero hindi masyadong interrelated ang mojos nila. At medyo complex naman ang mojo ni Prim, kung si Void ay nagbiblink, si Prim naman needs to generate a portal so she can teleport" dagdag ni Tink na inaayos ang glasses niya parang mannerism niya na yata.
Mga ilang sandali lang ay nandito na kami sa may headmaster's office. Kinakabahan naman ako baka mas creepy pa kay Tyra Cornova ang makakasalubong ko sa loob.
'Huwag kang mag-alala coz mabait ang headmaster may itsura pa haha'
Siniko ko naman si Aegon kaya namimilipit siya sa sakit. Pagbukas ni Void ng pintuan ay tumambad ang malawak na opisina, hindi naman siyang magarbo but modern ang design ng loob nito.
Nakita ko naman si mama, tita Karen at si siguro ito yung sinasabi nilang headmaster.
"Good afternoon Sir Villanueva" sabay sabay silang nag-bow kay sir Villanueva. Nag-bow naman ako kahit hindi ko alam kung paano i-greet itong headmaster nila.
Tumingin naman si Sir Villanueva sakin at lumapit sakin. "Ang ganda ng anak mo Altaria ah, parang ikaw lang noong bata pa tayo" Kababata pala ni mama si sir Villanueva?
"Tink" sabi ni Sir Villanueva. At parang alam na ni Tink ang gagawin niya.
"Halika Stephanie" habang may pinipindot siya sa tablet niya na kung anu ano. Umupo naman ang iba sa may sofa at ako na pinaupo sa gitna ng opisina. Biglang namatay ang ilaw at biglang lumabas naman ang hologram sa harapan ko.
"Azurè, Solaíre, Sangria institutes are one of the richest and famous institutes here in the Philippines hawak nila ang iba't-ibang buildings, corporations, bangko, at universities." Ahhhhh so magrereport si Tink about dito? Nakinig lang naman ako dahil gusto ko rin malaman ang sagot sa aking mga katanungan.
"Azurè institute gives you the best education, Solaíre gives you protection and comfort, and Sangria gives you your wants and needs especially when they really need you badly."
"Kung papipiliin ka Stephanie mas pipiliin mo ang Azurè Institute not because the quality of there education is very high but they will enhance your mojos which you can use it for the future."
"On the other hand maganda rin piliin ang Solaíre dahil hindi basta basta mapapasukan ang kanilang institute because of there high security and stealth system. They will also give you the best service at matatagpuan mo lang naman ang Solaíre institute sa isang island dito sa Philippines naka-force field naman ang island kaya pwede nila gawing stealth mode ang island, burang-bura ito sa mapa ng Pilipinas. And also allies ang Azurè at ang Solaíre"
"Sangria Institute siguro naman hindi mo ito pipiliin dahil member si Tyra Cornova ng Sangria institute. Alam kong takot ka sa aliens buti nalang stinalk niyo si Tyra sa computer lab bago pa man siya dumating. Alam mo naman my mojo is cyperpathy, I can manipulate all computers parang si cyborg ng teen titans." leaving me with that hidden smile.
"Okay but why do they need you badly? Simple, because they need your mojo." Naisip ko tuloy na muntikan na kaming mahuli ni Tyra sa computer lab. Juice colored tama talaga ang kutob ko dito kay Tyra eh kaya naman pala.
"Here are some documentary videos kung pano ine-experiment ng Sangria ang mga gaya natin na may mojos." Napalunok naman ako dahil hindi ko kaya manuod ng mga videos na may na tinu-torture and I find it masonic.
"This is Beverly Hills she has the power to see through walls parang X-ray vision ang mata niya. Dahil nalaman ng Sangria ang mojo ni Beverly ay ginawa siya parang palaka sa kanilang laboratory."
"Good thing nakatakas siya, hindi na siya nahanap ulit, kahit kami ay hindi namin siya mahanap, we think that she is already dead" Napabuntong hininga si Tink at dumiretso sa pagpipindot na kung anu ano.
"Now, why do they want extra-ordinary mojos? Because they want to use it as weapons to awaken Sable so they can dominate the world. Well si Richard Davis naman ang nangunguna sa lahat ng mga experiment kaya ginawa siyang bagong headmaster or should I say your father." Kaya pala sa ospital pa lang ay sinisisi ni mama si dad pero bakit kailangan nilang patayin si Stephen kung anak niya man ito? I saw mom shaking and holding her grasps. Nanginginig ako hindi dahil sa takot kundi sa galit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay dad kung magkita kami balang araw.
"Hanggang dito lang ang kaalaman mo Stephanie baka hindi mo kakayanin ang iba pang impormasyon" She started to tap on her tablets.
Ha? Dudugo na ang ulo ko sa sinabi niya tapos tapos hindi pa pala nagtatapos ang lecture niya!? I really need to know something.
"Sandali, how about Sable?" I asked and Tink suddenly clicking something on her tablet.
"Sable, those people with no mojos are called Sable. As long as hindi mo pa napapalabas ang mojos mo then you are still a sable." Bumalik sa dati ang office matapos nagsnap lang ng fingers si Tink.
"Magpahinga ka na sasamahan ka ni Void sa iyong bagong kwarto. You need to take your vitamins para sa kauna-unahang mission mo bukas." Nag-wink siya sakin at biglang umandar ang mga ilaw dito sa opisina.
Ha? Hindi pa naman ako nakapagdecide ng institute na pipiliin ko tapos may mission na pala akong gagawin?
'Even your a Sable you can still have your missions and also have your ratings'
Nagulat naman ako kay Aegon, kainis naman tong mokong to
Dumating na kami sa bago kong kwarto at may nakahanda na palang vitamins dito sa mesa.
"Bakit ka pa nandito?" Tanong ko naman kay Void.
"Ako muna ang magbabantay sayo" habang inaayos ang mga gamit ko.
"Sila Aegon saan sila magpapalipas ng gabi?" Napabuntong hininga siya sa tanong ko.
"May ipinagawa silang mission from the Solaíre institute" may itinapon naman siyang damit sakin kaya sinalo ito ng mukha ko. Tsk.
"Magbihis ka muna may aasikasuhin muna ako. I'll be back around 9."
***
BINABASA MO ANG
What Is My Mojo?
General FictionA story of a teenage girl wanting to have nothing but a simple life not until she unravels truths about her family and her fate.
