/4/ Solaíre

1 0 0
                                        

***


Chapter 4


***


Malapit na kami ni Bal sa school nang makita namin si Paul na lumalakad. Mukhang malapit yata ang bahay nito sa school kung kaya nilalakad niya lang ito. Naalala ko pala na half day kami every Tuesday and Friday.

Homeroom pa lang ay nakuha naman nila Verona na tanungin si Sir Hudson about sa personal life niya.

"Sir, single kaba?"

"May lovelife ka na ba sir?!" At kung anu ano pang tinatanong ng mga girls sa likod kay sir. These girls are really up to something. Atat na atat ba tong mga girls sa lovelife? O baka kating-kati na pati adviser dinadamay sa kalokohan nila?

Rants starting to form in my head until a glint of a shining yellow badge on Sir Hudson's vest caught my attention.

"So since birth ka pa walang girlfriend sir?!"

I was mesmerized by the looks of it, like I have already seen this before.

"Sir what's with the yellow badge?" Sulpot ko dahil parang nakita ko na talaga ito dati pero hindi ko lang matandaan.

"Well, its something about my affiliation" he nodded.

Affiliation? I can't remember anything

"Solaíre" dagdag niya. Tatanong pa sana ako nang nagring na ang bell at nagmamadaling umalis si sir dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa facilty. Susundan ko pa naman siya kaso tong Verona na to hinatak ako sa isang sulok kung saan nandoon rin si Paul.

"Guys may balita ako!" Sabi ni Verona na may halong excitement.

Inayos ko namin ang sarili at ipinagpaliban ang badge dahil interesado kaming makinig sa sasabihin ni Verona.

"May exchange student tayo..." nagtinginan kami ni Paul bago pa man sabihin ni Verona kung sinong alien naman ang magpapasikat dito sa klasrum.

Tyra Cornova

Biglang bumukas ang pinto at kasama ni Sir Hudson ang isang babae. Bagsak ang buhok nito at fit ang kaniyang katawan. Mukhang ito yung sinasabi ni Verona na exchange student.

"Okay class, meet your new classmate" sabay iling niya kay Tyra upang maka-introduce ng kaniyang sarili.

"Hey guys, Tyra Cornova from University of the Philippines" biglang gumulantang ang buong klase matapos niya yon sabihin.

"And please take care of me." she smirked at our direction as if she had a malicious intent and sat on the empty chair at the side of the room.

***


Nasa terrace kaming tatlo dito malapit sa library at natatanaw namin ang buong campus. Bigla kong sinira ang katahimikan dahil kanina pa ni isa samin ang hindi nagsasalita. Baka sila din nagulat matapos mag-smirk sa amin nitong Tyra Cornova. I got this bad feeling and it triggers my anxiety.

"Ang weird ng Tyra na yun, para talaga siyang alien." Bigla namang tumawa si Verona.

"Ang cute ng expression mo hahahahaha" napahawak na siya sa tiyan sa kakatawa.

"Excuse me, may I butt in? I heard my name"

Bigla namang napahawak si Verona saking kamay at sa kabila naman ay si Paul dahil sa biglang sumulpot sa likod namin

What Is My Mojo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon