***
Chapter 6
***
Sakto pagtalon ko ay hinawakan ako sa dalawang kamay ni mama at lumilipad na ako kasama niya. Ganito pala sa feeling ang lumilipad? Parang maiihi ako dito sa palda ko.
Palda?
Hoy nakapalda ako! Hindi ko matatabunan ang palda ko dahil nakahawak ako kay mama. Kainis naman! Mag-ayos ka nga Annie, may gana ka pang magreklamo sa kalagayan mo! Kung hindi ka pa tumalon baka nakidnap ka naman ulit!
Naramdaman ko ang paghigpit ng mga palda ko na parang may umiipit ito upang hindi makita ang panty ko. Nakita ko si tita na lumulutang malapit kay mama at nagwink sa akin. Siya siguro ang umiipit ng mga palda ko para hindi makita ang bukang liwayway sa loob.
Sandali lang, kung nandito si tita, saan pala si Aegon?
'Okay lang ako coz'Nakita ko naman ang isang motorsiklo sa ibaba na sumusunod sa amin. Paano nakakuha ng motor ang Aegon na to? At kailan siyang natuto magdrive? Hay nako, marami talagang nagbago.
"Mama saan tayo pupunta?" Hindi naman siya nagsasalita.
"Paano si Ste---"
"Bibigyan siya ng magandang burol ni nanay Fem" habang may tinatanaw siya sa di kalayuan.
Bumaba na si tita Karen doon sa isang building at nakita ko na rin ang motorsiklong ginamit ni Aegon nakaparke sa ibaba. Binitawan ako ni mama bago pa man ako makasigaw sa kakahulog ay kinokontrol ako ni tita Karen para makababa ng maayos.
Tumambad sa amin ang dalawang tao na kasing edad ko lang. Ang isa ay nerd dahil glasses niya pa lang at si tablet na may holographic datas sa screen at habang ang isa ay may hawak na rose.
Bigla namang tumambad sa amin si Aegon at ang isang lalakeng may hawak na tatlong iba't-ibang kulay na cards.
"Asan si Sir Villanueva?" tanong ni tita Karen sa isang lalake.
"Naghihintay siya sa headquarters Miss Sanguinis"
Nag-sign naman ang lalake sa kasama niya at humawak sila sa iba't-ibang parte ng katawan nito. Sumunod naman si Aegon na nakahawak sa likod at sina mama naman ay sa magkabilang braso. Now what are they doing?
He held my hands at kita ko namang tumawa si Aegon sa likod. Patay malisya nalang. Ilang saglit lang ay dumilim ang paligid at umiba ang lugar kung saan kami nakatayo. So his power is teleportation?
'Yes'
Nangigigil ako sayo Aegon ha?!? Kanina ka pa nag-i-invade ng utak!
'Chill coz! By the way nagagagandahan siya sayo yiee'
Mabuti ay magkatabi kami ngayon kaya tinadyakan ko siya para matauhan. "Aray!!!" Sigaw niya na hawak-hawak ang paa niya.
"Why don't you come with us" sabi ng babae na may hawak na patay na rose na kanina lang ay namumukadkad pa ang mga dahon nito.
"I'm Ivy" she let me held the rose to me at bumalik ito sa dati. She can manipulate flowers? I guess.
"Void, Void Clafflin" namumulang sabi niya.
'Told ya' ngumiti naman tong si Aegon.
"Tink Azarcon and we are the cobalion" sabay ayos ng glasses niya.

BINABASA MO ANG
What Is My Mojo?
Ficção GeralA story of a teenage girl wanting to have nothing but a simple life not until she unravels truths about her family and her fate.