A/N: Maraming pasensya sa mga readers. -_____- Walang gana magupdate eh. Hindi ko kasi alam kung nagugustuhan nyo ba o hindi yung kwento. Kaylangan ko lang ng inspirasyon galing sa inyo. :) Eto na po at susundan ko na hehe.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakikisabay sa panahon ang nararamdaman ko ngayon. Malakas ang ulan sa labas, sumasabay ang patak ng luha ko. T___TJS Prom na agad next week, nakakatamad naman pumunta. Parang alam ko na kasi ang mangyayari sakin.
*Panigurado, Bulaklak sa Pader lang ako sa JS.* sabi ng isip ko sabay buntong hininga.
"Anak, ito na yung susuotin mo sa JS. Kakarating lang."
"Ma, parang ayoko pong umattend. Aantukin lang po ako dun." sagot ko kay mommy
"Anong hindi aattend?! Minsan minsan lang naman yan sa buhay ng tao tapos hindi ka pa aattend."
Dahil sa pamimilit ni mommy, syempre napilitan akong umattend, kahit ayoko. Kahit na alam kong yung mga makikita ko naman dun eh ikasasakit ng puso ko. -_____-
Eto nanaman, papasok nanaman ng school. Maiinis nanaman ako sa mga makikita ko.
"Bhez! Ano? May susuotin ka na sa prom natin?" tanong ni Bella
"Meron, kakarating lang kahapon nung gown. Hindi na sana ako aattend eh, kakatamad. Alam mo naman kung bakit." Sagot ko sa kanya.