A/N: Parang hindi mabenta story ko -_- feel ko lang. Basta tatapusin ko tong story na to. :)
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Nang mag-uwian na, naikwento ko ang pag-uusap namin ni Ken sa text. Syempre, itong luka kong best friend, pinaghahampas nanaman ako. Parang sya pa ang mas kinilig sakin. Ganun naman talaga pag mag best friend eh. At syempre umuwi akong nasa Good mood.
Nakakalungkot lang kasi, malapit na matapos ang klase. hayyyy.. Hindi ko na sya makikita. Pero saglit lang naman ang bakasyon kaya ok lang.
Kinabukasan,
Ok. Pasok day nanaman. Aral nananaman, assignment, quiz, exam, nakakatamad. -_-
"Hoy Ken! May gusto ka sa bhez ko noh?!" Panloloko ni Bella kay Ken.
Pero si Ken, walang imik lang yan at tatawa tawa lang.
Nag Science subject na kami, at aba'y ang swerte ko naman. Kagrupo ko si Ken! at hindi lang kagrupo kundi partner kami. Dalawahan kasi eeeee.. ^__^
"Ok, class gagawa kayo ng constillation sa isang illustration board..." sabi ng teacher namin
So syempre magkagrupo kami, magkaharap kami sa isa't isa. >.<
"Oh, ako na ang magsisimula nyan." Alok ni Ken sakin.
"Hindi, ako nalang."
"Hindi, ako na...."
Jusko, nagtalo pa kaming dalawa at nag-agawan sa illustration board. At hindi nya sinasadya, o sinasadya, hala ewan! Basta nahawakan nya kamay ko. >.<
Bigla akong nagblush sa harap nya.
"Oh? Bakit ka namumula?" tanong nya sakin.
"Ahhh WALA! Ikaw na nga magsimula nyan." Medyo pagalit kong sabi sabay bigay ng illustration board sa kanya.
Nagsimula na kaming gumawa ng project namin na constillation daw kuno hihi... Hanggang sa, habang nagsusulat ako sa illustration, bigla nyang hinawakan kamay ko. At nakatitig lang sakin. Shit naman to eh. Pinamumula nya lagi ako >.<
Matapos ang project na yun sa science subject, sa buong subject pang kasunod, hindi na maipinta yung ngiti ko, parang abot tenga ata. hehe.
At ang iba kong kaibigan, ayun, pinipilit na pinapaamin si Ken. Mga luka talaga yung mga yun.
Habang nasa klase kami,
"Oh, candy daw." Sabay abot sakin ng katabi ko.
"Kanino galing?" pagtataka kong tanong.
"Kay Ken. Sayo daw yan."
Nagulat ako at... candy? Binigyan ako ng Candy? oh baka nakita lang nya akong nahihilo na sa discussion ng klase. At, infairness, Chocolate candy... Sweet lungs ^___^ (Pee Bee Bee Teens?) HAHA!
Dumating na ang last subject. Hindi ko sya masilayan, anlayo kasi ng upuan nya. Kaasar!
May Biglang lumapit sakin, yung isa nyang kabarkada.
"May gusto daw si Ken sayo." Bulong sakin nung kaklase namin na barkada nya.
Syempre nagulat ako, pero naisip ko na baka pinagttripan lang ako nung barkada nya kasi inaasar na rin kami sa room eh.
"Hindi ako naniniwala!" sagot ko naman dun sa kaklase ko
Sabay punta nya sa pwesto ni Ken at may binulong.
Pagbalik ng kaklase ko, may dala ng sulat at binigay sakin.
"Totoo yun. -Ken" Yung feeling na, nakuryente ako sa kilig nung mabasa ko yung sulat na yun? hihi!!!
Sooo totoo pala, totoo pala. Hindi talaga ako makapaniwala at umuwi nanaman akong masaya :) :">
Pero, sa ngayon Matitigil muna ang kaligayahan at kahibangan kong to kasi magbabakasyon na, Hindi ko na sya makikita. Pero saglit lang yun hehe :)
![](https://img.wattpad.com/cover/1512921-288-k651400.jpg)