3rd Year HighSchool: Si Ken at Nessa

95 0 0
                                    

A/N: Pasensya na mga dude, sinumpong ako ng katamaran sa pag-uupdate -____- 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

3rd Year na kami, ambilis talaga ng panahon, parang kidlat lang. At ma-eexperience ko na ang JS Prom. ^____^ Ang pinakahihintay namin. 

Pero teka, may problema pa nga pala ako na dapat ayusin. Si Ken nga pala.

Pumasok na ako ng school, pag-akyat ko palang nakita ko na si Ken, pero bakit ganun? Bigla syang pumasok ng room nung dumating ako. Bakit ba nya ako iniiwasan? :(

"Oh Bhez, first day palang ng klase ganan na agad ang mukha mo?"  pag-aalala lang tanong sakin ng best friend ko.

"Hindi nya ako pinapansin, galit ata sya."  sagot ko sa kanya, sabay pasok sa room. 

Oo nga, tama si bhez, unang araw palang ng 3rd year, wala na agad ako sa mood.

Dumaan pa ang ilang linggo, walang pagbabago sa sitwasyon namin. Hindi nya ako pinapansin. Pag nakakasalubong sa hall way, parang hangin lang na lumampas. As in wala. Pero may times parin na nagkakatinginan kami, hanggang tingin nga lang. Walang imikan. Walang pansinan -_____-

Habang naglalakad ako papuntang canteen. Malayo palang, kita ko na si Ken. Kasama si Nessa. (Si Nessa ay classmate nya pamula 2nd year at ngayong 3rd year) Magkasabay silang nagrecess. Nang makalampas silang dalawa, para narin akong hinampas ng malakas na hangin. Nakaramdam ako ng sakit sa may bandang puso ko. Hindi ko alam pero bakit ganto yung nararamdaman kong sakit, bakit parang ang hirap huminga? Hindi ako makahinga. :(

Nang malapit na ako sa canteen, nagpasya akong bumalik ng room. Nawalan na ako ng ganang kumain. At habang naglalakad pabalik ng home room, pigil na pigil ako sa pagtulo ng luha ko. Ayokong may makakita saking umiiyak. Nakakahiya at baka maintriga pa ako.

"Bhez? anong nangyari? Umiyak ka ba?" Tanong sakin ni bhez na kasalukyang nangongopya ng homework sa isa pa naming kaklase. 

"Huh? ahhh... may pumasok lang na something sa mata ko, nangati." Sabay kamot sa mata ko.

Pero hindi nanaman nya napansin na umiyak ako. Napaniwala ko syang hindi ako umiyak kundi nangati lang yung mata ko. Panigurado kasi, pagagalitan ako nun at pipilitin akong paaminin kung bakit ako umiiyak.

Dumaan pa ang ilang araw, umabot na ang balita sakin. Ang katotohanan. Ang namamagitan kina Ken at Nessa.

"Halaaa............ May iba na si Kennnnnn." Panloloko sakin ng mga kaklase ko. Heto na nga ba ang kinatatakutan ko eh, ang malaman ng lahat, ang makita ng lahat na nasasaktan ako. Dahil sa klase, lagi nalang akong walang imik, hindi kumakain pag recess, at matamlay. Pero hindi ko nalang sila pinapansin. 

Habang ang best friend ko naman, tinitignan lang ang bawat reaksyon ko pag inaasar ako ng mga kaklase ko. Takot din kasi sya sakin pag hindi ako umiimik. Napipikon na kasi ako. Napipikon na ako sa mga nangyayari. Sa aming dalawa ni Ken :(

SchoolLove SchoolLife "HighSchool" (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon