*At nagsimula nang tumugtog ng mga sweet songs!
At biglang nalungkot si Anna, dahil alam nyang hindi naman sya magiging masaya sa gabing iyon. Ayaw narin naman nya kasing umasa na isasayaw sya ni Ken sa gabing iyon.
Oh besh? Anyare sayo? Bakit parang hindi ka ata ok? Parang malungkot ka ata? Ani ng best friend ni Anna.
Eh kasi naman. Hayyy ewan ko ba. Parang gusto ko nalang umuwi. Magpapasundo nalang kaya ako? na may pag nguso pa dahil sa naiirita sya na hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya.
Ewan ko ba sayo! Nadito ka na eh! Sayang naman yung ayos mo oh! Ganda ganda mo kaya ngayong gabi tas sasayangin mo lang yung moment na yun. sabay hampas ng bestfriend nya kay Anna.
Habang tumutugtog ng mga sweet songs... nanatitili syang nakaupo sa sulok na parang batang nagtatampo. Sikretong hinanap ng kanyang mga mata si Ken, hanggang sa di nya inaasahan ang nakita nya. Tumayo si Ken patungo sa kinauupuan ni Nessa at niyaya nya itong isayaw.
Sumabog ang dibdib ni Anna sa nakita nya, na wari'y gustong gusto na nyang makauwi ng gabing iyon.
Beshy, alam ko kung ano nakita mo.. yaan mo! Tayo nalang ang sasayaw ha! Wag ka nang malungkot dyan! At tuluyang hinila nya si Anna papunta sa gitna at sumayaw sila.
Natapos ang gabi, nang malungkot si Anna.
At dahil hanggang 12 midnight lang ang tapos ng prom nila... wala pang alas dose ay dali dali na syang pumunta sa gate para hintaying magbukas ito at makauwi na...
