N/A: Tsk, ibang laptop gamit ko ngayon, walang mouse, ang hirap mag edit. Hindi kasi ako sanay ng walang mouse, sana makapag type ako ng ayos. Kasi naman pag weekend, sa kapatid ko yung laptop. -_- Add nyo naman ako sa Facebook, http://www.facebook.com/HiImRaina. Thanks in advance :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Akalain mo yun, second year High School na kami! Parang dumaan lang yung first year ah? Parang kidlat lang.
*Ano kaya magiging section ko?* tanong sa isip ko.
*Patay! sana kaklase ko padin si Ken. >.< * pahabol na sabi ng utak ko.
Every school year kasi, pede kaming mapalipat ng section or hindi. Depende sa performance mo sa school. At makikita mo lang at malalaman mo lang ito pag nahanap mo yung name mo sa listahan sa may designated homeroom mo.
Sa ngayon, hinahanap ko na yung pangalan ko...
*Hanap hanap* "Ayun! Section Embdem ako!" at napansin ko Classmate ko pa rin ang best friend ko na si Bella, yey!
*teka? si Ken kaya?* tanong ng isip ko
Pero bakit? bakit wala sya sa listahan sa Emdem? waaaaahhh!!!! Pumunta ako sa katabing room, baka kasi nadun yung pangalan nya.
*Hanap hanap* "Hindi ko sya kaklase :(" sabi ko, tama. Hindi ko na sya kaklase. Nasa ibang section na sya. Super nalungkot ako at nadismaya. Pero ano nga bang magagawa ko? Wala na ko magagawa :(
Nagsimula nanaman ang pagpapakilala. Yung iba kasi, taga ibang section dati. So pakilala ulit kami isa't isa. Wala ako sa mood. Alam nyo naman kung bakit. :(
"Uy bhez! Anyare sayo? Para kang sinakluban ng langit at lupa. Anong mukha yan?" sabi sakin ni best friend Bella ko.
"Sa tingin mo bhez, bakit ganto ako. Alam mo na siguro yun kung bakit -_-" sagot ko sa kanya.
"Sabi ko na nga ba eh! Lakas tama mo talaga dun. Alam mo bhez, ok lang yun. Katabi lang naman natin yung room nila eh." Pag-aamo sakin ng best friend ko.
Eh basta. Malungkot ako huhu -_-
Oh Yes! Breaktime na! Lumabas ako ng room, para masilayan sya? Hindi kaya! Para pumunta sa CR. Pero dahil katabi lang ng room namin yung room nila, madadaanan ko yun. May chance narin na masilip sya dun. :) Maparaan ako eh ;)
"Uy! Annna! Si Ken nga pala oh" Pang-aasar sakin nung kabarkada nya sabay turo kay Ken
Ngumiti lang ako, at ngumiti lang din si Ken.
Ok na rin yung araw ko, atleast nakita ko sya ngayon :)
Sooo tapos na ang recess. Klase nanaman. Nakakapanibago lang kasi wala si Ken, hindi ko sya nakikita habang nagkaklase. Kaasar naman eh, sana walang teacher sa next subject.
"Ok, Guys, yung next teacher nyo wala nga pala. Nasa meeting sya ngayon kaya hindi sya makaka attend ng class nyo." Sabi ng teacher namin
Oh yeah! Kasasabi ko lang oh? Nagkatotoo. Chance ko na to na masilayan sya sa kabilang room habang nagkaklase sila.
Lumabas ako. Wala lang. Tambay tambay lang sa labas, pero pagtingin ko palang sa may room nila, nakita ko na agad syang nakatingin sakin. Nginitian ko nalang sya. Pero deep inside, kinikilig ako hihi!!
![](https://img.wattpad.com/cover/1512921-288-k651400.jpg)