CHAPTER 12: Meet Justin

432 11 0
                                    

JELISZE POV

Magkikita kami ni Justin ngayon.

Oo, sya ung ‘boyfriend’ ko. Nakwento na ni Carmie di ba? Gagang un! Inunahan ako.

Ngayon na lang kami ulit magkikita. Simula nung pasukan, hindi na kami nagkita. Ewan ko ba. Ayoko din naman makita sya. Haha.

Di ko pa pala nasasabi, magkahiwalay kami ng school since 4th year high school. Trinansfer na kasi ako ng magulang ko nung 4th year eh. Simula ng nalaman nila kung anong klaseng boyfriend meron ako. Pero ok na din un. Atleast nakilala ko si Carmie :)

Simula ng ika’dalawang taon ng aming relasyon, (Shet. Tagalog na tagalog. Best in Filipino) ang daming nag’iba. Parang naging malamig ang lahat. Di kaya may winter na ang Pilipinas? *enggggk* Kornism. Pero ang cold ng treatment nya sakin. Kaya nagiging cold na din ako. Kaya siguro madali akong ma’attract ngayon sa ibang boys. Naghahanap ng kalinga’t pagmamahal. Haha.

Lalo na ngayong college. Wala ng gumagawa ng paraan saming dalawa para magkita. Ewan ko nga kung anong nakain nito at nakipagkita sakin. Baka makikipagbreak na? Parteyy parteyy! Haha. Ang saya ko pa eh no.

--

Papunta na ko sa park. Dito daw kami magkita eh. Malayo pa lang tanaw ko na sya. Makipagbreak na kaya ako? Unahan ko na? Haha.

“Uhmm..” Ako

“Ui! Anjan ka na pala!” Justin. Oh di ba. Ang sweet namin.

“Hinde. Picture ko lang to :| Oh bakit? Himala nakipagkita ka. Kala ko nga break na tayo eh.” Ako.

“Aww. Sobra ka naman :( Hindi ah. Mahal naman kita ah.” Justin.

“Yuck. Di bagay sayo maging sweet. Please lang.” Ako.

“Di wag. So anong gagawin natin?” Justin.

“Aba pinapunta punta mo ko dito tas ako tatanungin mo? Ilibre mo ko. Wala akong pera. Pamasahe lang papunta pera ko.” Ako.

“Ok. SM na lang tayo.” Justin.

Haha. Ang sweet ko no? Bahala sya.  Di naman talaga ako ganito dati. Inumpisahan nya ko kaya pasensyahan na lang :)

Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon