CHAPTER 47: He loves me not?

193 7 2
                                    

Nabubulok na ung update ko sa notes ng cellphone ko kaya ayan, nilipat ko na sya dito sa Watty :) Inuna ko pa to kesa magreview sa TQM. Haha. Pasaweyyy!

HAPPY 6K READS!

--

JELISZE POV

*poke poke poke*

(Pronounced as ‘powk’. Mamaya may shungang magpronounce ng ‘powki’. Haha)

“Umm..”

“Hoy gising na!”

“Who you?” Ako.

“Carmz to!”

Ano namang ginagawa ng babaeng to dito? Bastusan eh. Nananaginip pa nga ako ng naghahabulan kami ni Carlos Miguel sa beach. Cecilia Fulgencio ang peg!

Humarap ako sa kabilang side ng kama ko. Di ko na lang sya papansinin.

“Nasa baba si Dylan.” Carmie.

(O_O)

“DYLAN???!!” Sabay talon tapos split.

“Sabi na eh. Pag si Dylan mapapabangon ka.” Carmie.

“Alam mong sya ang dahilan sa bawat pagbangon ko tuwing umaga, except school days. PERO NANJAN NGA SI DYLAN?!” Putek. Bagong gising lang ako T_T

“In your dreams.” Carmie.

“Okay.” Sabay talukbong ko ng kumot. Madali naman akong kausap eh. Babangon ako’t matutulog muli.

“Gaga ka! Bumangon ka na jan! Magpapamedical na tayo! Tinext kita di ka nagrereply. Sabi 7am tapos wala ka naman dun sa clinic. Kaya pinuntahan na kita dito. Di ba ang sweet ko? At tama nga. Tulog pa nga. Tsk. Unprofessional!” Carmie.

“Maka’unprofessional kala mo may business meeting! Antok pa nga ako eh. Dapat nauna ka na.” Ako. Nakatalukbong pa rin.

“Ayaw. Di ko kaya ng wala ka.” Carmie.

“Sabi na nga ba eh. Kung ako sayo aaminin ko na.” Ako. Nakatalukbong forever.

“Gagu joke lang. Ayoko lang mag isang matakot. Dapat ikaw rin.” Carmie.

“Asa ka namang matakot ako eh hindi naman ako bubunutan. Pasta lang ako. Puro black ba naman ngipin mo. Di na kinaya ng pasta.” Ako. Medyo talukbong na lang. Di na ako makahinga eh.

“Ang sama :( Ikaw nga di pa nagtutoothbrush eh.” Carmie.

(O_O)

Ay, oo nga pala. Napansin nya pa un? Todo talukbong na nga ako ng kumot eh.

Nagtatakbo na ako ng mala marathon sa CR. Diretso ligo na din. 1 hour pa naman ako maligo tapos 1 hour din mag ayos. Baka bumabaon na si Carmie sa sofa sa sobrang tagal ko. Sobrang bagal ko kumilos. Siguro bibilis lang to pag magdedate kami ni Dylan :”> As if namang yayain ako nun! Kaya forever na siguro akong pagong.

Ang arte naman kasi ng school namin. May pa’medical medical pa at kailangan mong gawin ung ipapagawa nila para ma’clear ka at makapag’enroll ulit. Tsk. Gastos lang eh. Pano na lang ung mga walang pera? Buti sana kung piso per bunot eh, o kaya tatlo dos. Kaso 250 kada ngipin! Katulad na lang ni Macky (Kilala nyo pa ba sya? Chapter 39. Yung pinsan ko.) Limang bagang ung bubunutin sa kanya. Nahiya pa ung dentista, hindi pa nilahat. Buti na lang cleaning lang sakin at pasta. Si Carmie may bunot. Kaawa.

Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon