CHAPTER 43: Oplan DYLAN :))))

197 8 0
                                    

CARMIE POV

Carmie! Carmie!

(-________-)

Carmie! Carmie!

“Anubeyyy! Teka lang! Nagbebrain storming ako!”

Sino ba yung Carmie ng Carmie na un? Kitang busy ako mag’isip eh.

Para akong gumagawa ng Marketing Plan ah. Kung makapag’isip naman ako kala mo nag’iisip ako ng SWOT Analysis, Industry Overview, Market Segmentation, Sales Forecast, etc.

Nahihirapan kasi ako. Hindi ko alam kung papano ko sisimulan.

Kung papano ko mabibigyan ng happy ending si Jelisze at Dylan.

Hehehe.

Magpapaka’cupid muna ako ngayon :) Ang desperada ko ba? Tatry ko lang naman kung magwowork out eh. Pag hindi nagwork out, bibigyan ko sila ng gym instructor!

Eh basta! Kelangan nilang magkatuluyan! Kahit pa may girlfriend si Dylan. Magbebreak din naman un, naku! Hindi ako boto kay Girlie para kay Dylan. Dapat si Jelisze.

Bias ba? Hindi naman sa bestfriend ko si Jelisze ah kaya gusto ko sya para kay Dylan. Kasi naman si Girlie may tinatagong bad spirit yan! Kumbaga, nasa loob ang kulo. Ewan ko lang ha. Kasi naman, pati ba naman kung sino first boyfriend nya pinalabas pa nyang si Dylan un. Hello? Hindi naman big deal un pero nagsinungaling pa rin sya. Tapos nung birthday nya kay Jerry sya sumama. Tsk. Concern lang naman ako kay Dylan no! Close friends na kaya kami.

Arggghh! Peram ngang scientific calculator! Baka sakaling masolve ko to!

Hayy.. Magmamasid masid na lang muna ako. Oobserbahan ko ung dalawa para malaman ko kung anong gagawin kong ninja moves. Hindi lang pala ako cupid, ninja din.

To: Jelisze

Kamusta na kayo ni Dylan?

JELISZE POV

ANO DAW?! Kamusta kami? Meron bang kami? Tss.

Lagi na lang nitong kinakamusta estado namin ni Dylan. Nakakahalata na ako ah. Ano bang gimik nito?! May tinatago to eh. Nararamdaman ko.

To: Carmie

Wrong send ka? Dapat kay Girlie ka nagtatanong.

Fr: Carmie

Ang bitter mo naman! Nagtatanong lang eh :(

Bahala ka jan!

CARMIE POV

Ano ba yan!

Walang pakisama tong si Jelisze! >.< Kailangang kailangan ko kooperasyon nya eh. Paano mafo’fall si Dylan nyan?! Tsk.

Ah basta! Hindi ako susuko! Umpisa pa lang naman to eh.

Gagawa pa rin ako ng paraan :) Bwahaha!

After 3 days...

OPLAN DYLAN: Day 3

Katext ko si Dylan ngayon. Aba, lagi na rin tong may load ah. Pag may load si Jelisze, may load din sya. WHAT’S THE MEANING OF THIS?!

Si Jelisze lagi naming topic. Lagi ko kasi syang sinisingit. Hehehe. Kahit malayo usapan, naisisingit ko sya.

To: Dylan

Maganda ba si Jelisze? Napapangitan kasi sya sa sarili nya. Haha.

Syempre gawa gawa ko lang un. Si Jelisze, mapapangitan sa sarili nya?! NO WAY! Eh kulang na lang maglagay un ng sticky note sa noo na may nakalagay na: MAGANDA AKO. Gandang ganda kaya yan sa sarili nya. CONCEITED!

Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon