CHAPTER 28: Happy Monthsary! (Gir-Lan Edition)

275 9 0
                                    

Readers: Dylan! Dylan! Ano ung narealize mo?

Dylan: Huh? Kelan ko sinabi un?

Readers: Chapter 27!

At bukas, 1 month na pala kami. Galing no? At sa loob ng 1 month na yan, may narealize ako :D

DYLAN POV

Oo nga pala. May sinabi pala ako. Bat ko pa kasi sinabi? Importante ba bawat sasabihin ko dito? Haha.

Ano nga ba ung narealize ko?

Last night..

Tapos na ko gumawa ng mga assignments. Sipag ko no? Gaganto ganto lang ako pero palaaral talaga ako. Di ba nga nakita ako ni Jelisze dati sa Chapter 8 na may hawak ng Psychology book kasi nga nag’aaral talaga ako ng maigi.

Maitext na nga ang Girlie ko :) Monthsary pa naman na namin bukas tas di ko pa rin sya tinetext. Sorry naman. Ung studies ko kasi eh.

To: Girlie

Hi.

After 5 minutes..

Fr: Girlie

Hello.

Ayan nagreply na. Magkatext na naman kami.

Dylan: Author, pwede gawan mo kami ng side story? Separate sa story na to. TEXT ung title please?

A/N: Choosy ka pa? Ikaw writer? Ikaw ba? Magsulat ka mag isa mo!

Ang sungit naman ng author nito :( PMS? Wag nyo na nga basahin mga sinusulat nya. Ayaw kami gawan ng side story. Ang BITTER. Hahaha. De joke lang. Baka makipagbreak sakin ung author. Selosa yan eh. Hahahaha.

Ayun nga. Magkatext na kami ni Girlie. Yun lang. Ang saya namin no? Hahaha.

Nagtanungan na naman kami ng kung ano ano. Araw araw ata kaming “getting-to-know-each-other-stage” eh. Di ba dapat part ng ligawan stage un? Baliktad kami. Haha. Yaan na nga. High tech naman na ngayon.

Bago ako matulog at matapos ang araw na to, naglakas na ko ng loob magtanong. Tutal isang buwan naman na kami bukas di ba? Pwede ko naman siguro itanong ito. Komportable naman na kasi kami sa isa’t isa. Isang buwan na rin kasi akong binabagabag nito eh. Di ko na pwedeng ipagpabukas. As in ngayon na.

To: Girlie

Bhe, pwede magtanong?

Ang gay ba ng ‘bhe’? Hahaha. Eh kasi yan ung lahat ng tawag sakin at naging tawag ko na rin sa mga naging girlfriends at M.U. ko eh. Universal Endearment :)))))) Wag kayo maingay. Di nya alam un. Haha. Eh un din naman tinawag nya sakin dati. Talaga bang nakatadhana na sakin na tawagin akong ‘bhe’ ng lahat ng malilink sakin? Haha.

Fr: Girlie

Ano un?

To: Girlie

Wag kang magagalit ah?

Fr: Girlie

Ano ba un?

To: Girlie

What if…

… hindi kita maregaluhan pag monthsary natin? Hindi kita madala sa mga magagandang lugar? Hindi kita mai’date sa mga restaurant at mailibre?

Di ko talaga ugali magregalo buwan buwan at makipagdate. Buti ba kung birthday or anniversary pwede pa. Si Mommy lang dine’date ko nu. Kaya nga takot ako sa commitment di ba? Un kasi ang pagkakaalam kong concept ng ‘relationship’ nun eh.

Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon