CHAPTER 38: Finals Week Part III

248 8 0
                                    

JELISZE POV

October 15. Friday.

d(-___-)b

If ever you’re in my arms again… This time… I’ll love you much better…

Ano  ba yan >___< Ang senti ng kanta. Di bagay sakin. NEXT!

</3

:’(

Bakit senti na naman?! Ano ba to?! Pinaglalaruan ba ako ng music player ko?!

California girls we’re unforgettable… Daisy Dukes bikinis on top…

Hayy… Theme song namin to eh! May steps pa kami dito eh! Ano ba!

Minumulto na naman ako ni Andrew :’(

Naalala ko na naman sya. Ang sing and dance number namin tuwing Sunday sa seaside ng MOA to the tune of California Girls by Katy Perry. SAD :(

Malungkot na naman akong naglakad. Sabi ko sa Chapter 35 masaya na ako eh! Masaya na ko sa mga crusheses ko. Ung masilayan ko lang sila sa school. Inspired na ako sa ganun. Lalo na kay CRUSH NO. 1. ULTIMATE CRUSH ♥

Bat pa kasi nagplay yang kantang yan?! Papansin eh! >___<

Naglalakad nga ako ngayon papuntang school. Naglalakad ng malungkot. Makikipagkita kasi ako kay…

DYLAN.

Hinde. Sa prof ko. May relasyon kasi kami eh. Wag kayong maingay. Baka ma’kick out ako. Hahaha. Joke. Magpapasa lang ako ng project namin :D

Yes. Ung movie nga. Natapos namin ung movie :) Kala nyo wala ng pag asa no? Kala nyo lang un! Tinapos namin sya kagabi. Nag’overnight ulit kami kela Marian. Dating gawi. Kumain ng Pringles. Sub lang ng sub kung sinong antok na. Ay may bagong gawi pala. Nagkwentuhan kami ni Marian tungkol sa El Filibusterismo. Hahaha. Educational no? At kaninang umaga, natapos na namin ma’edit at itinakbo ko agad sa kusina para iburn sa gas stove. Hahaha. Syempre sa comp shop ko sya tinakbo. Pina CD burn ko dun.

Pagkatapos ko ipasa, dumiretso muna ako sa CR para mag’ayos :D May exam kasi kami mamayang 4pm. Departmental exam again. English naman ngayon. Di kasi ako makakapag’exam pag hindi nag’ayos. Required kasi kaming mag’make up bago mag’exam. Hahaha. Joke. Ako lang ang required. Kasi…

Katapat ng room namin ang room nila Dylan.

Syempre dapat maganda ako no! Malay mo, makalimutan nyang nag’monthsary sila kahapon. Hahaha. Mamaya kasi pagpunta ko sa room, andun na sya sa pinto ng room nila. Ano na lang sasabihin nya pag haggard ako?!

So nag’ayos na ko…

Liquid foundation…

Powder…

Liquid eyeliner…

Blush on…

Lipstick…

DONE :) Ganyan lang ako magmake up. Very very light. Hindi naman kasi dapat ginagawang coloring book ung mukha eh.

Akyat na nga ako.

Lalalala~

Lalalala~

(O_O)

Sabi na eh. Buti na lang prepared ako.

“Jeliszeeeeeeee!” Si Carmie.

Asa namang si Dylan no. Ang gay naman kung ganyan sya tumawag sakin. Saka hindi naman ganyan tawag nya sakin. ‘Jelisze Baby’ kaya tawag nya. Hahaha.

Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon