CHAPTER 46: He loves me?

262 8 2
                                    

Dahil matagal akong hindi nag’update, ayan mahaba ang update ko ngayon. Dapat mas mahaba pa dito kaso reserba na un pag nag6k reads na. Saka nangangati na ako mag’update :))

Sorry natagalan :( Sobrang busy kasi ako sa pag’aartista eh. (WHAT?!) Daming events simula nung sembreak at kahit pagpasok ng 2nd sem. Kahit di kayo nagsasalita, mag’aupdate pa rin ako. Alam kong may nagbabasa pa rin. Kada bukas ko kasi nadadagdagan ung reads eh. Haha. Basta itutuloy ko tong story ko!

PS: Happy 2nd Anniversary pala samin ni Dylan. Ay, ni Darell pala. Hahaha. I LOVE YOUUUU :*

--

JELISZE POV

“Ang harot harot moooooo!” Carmie.

“Eh bakit ba? Kasalanan ko bang maging chix?” Ako.

“Sinabi nya talaga yoooooon???!” Carmie.

“Oo nga! Naka’save pa nga dito eh!” Ako.

Fr: Dylan

Hindi ako lalayo. Basta wag ka lang lalayo sakin.

(^____________________^)

Nandito pala ako sa bahay ni Carmie. Namimiss na daw nya ako kaya pumunta ako sa bahay nila. Hindi kasi sya makapasok sa bahay namin. Banned sya sa subdivision namin. Ba naman nahuling nangangakyat dun sa pinakamalaking bahay dun! Miyembro kasi yan ng Akyat Bahay Gang eh. Haha. Joke. Ayaw ko kasi sa bahay namin. Parang orphanage. Daming bata. Super crowded. Kaya dun na lang sa kanila para kaming dalawa lang. Pagkakataon ko ng pagsamantalahan sya. Haha. Eewy.

“Oh tapos? Anong plano mo ngayon?” Carmie.

“Wala.” Ako.

“Hindi mo sya aagawin kay Girlie?” Carmie.

(O_O)

Pero pwede rin?

“Asa ka! Ikaw lang naman may gusto nun.” Ako.

“Ako pa? Sus! Kunwari ka pa. Gusto mo rin naman.” Carmie.

“Di ko kaya un. Mahal na mahal ni Dylan si Girlie nu. Mahal din ni Girlie si Dylan. Nagmamahalan sila :(“ Ako.

“Eh mahal mo rin naman sya di ba?” Carmie.

“Ako lang. Hayaan mo na un.” Ako.

*insert sound effects ng nalutong adobo*

“Hoy luto na. Ipaghain mo na ko.” Ako.

“Katulong?!” Carmie.

“Oo.” Ako.

“Bully ka talaga :(“ Carmie.

“OA teh. Bisita mo ko kaya ipaghain mo ko.” Ako.

“Sige ganyanin mo ko. Sasabihin ko talagang mahal mo si Dylan!” Carmie.

(O_O)

“Oo na. Eto na. Maghahain na ko.” Sabay kuha ko ng plato.

“HAHAHAHA!” Carmie.

Gaga talaga tong si Carmie! May pang blackmail na tuloy sakin :( Ba naman pag sinabi nya, sinasabi nya talaga. Errrr!

“I’m so full!” Sabay himas ko sa chorvakels ni Dylan.

Make You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon